07/09/2016
Good day mga ka SCISTECH FILES :-)
Eto muna story natin ngayon! Para sa lahat to especially sa mga
Students and Teachers.
Gusto ko maging boses ng section na to. Hindi man namen na-explain masyado yung side namen sa kanila well naisip ko na kahit dito lang ma-ishare ko to. So please read fellow students. Thank you.
OO estudyante tayo. Estudyante 'lang'
Nandito tayo sa school para mag-aral, matuto at syempre kelangan naten ang Teachers dahil estudyante pa nga lang tayo. At dahil college na tayo, we must also study on our own. Natural. Just like, research etc. Kahit naman highschool pa lang ganon na dapat tayo diba? Hindi naten lahat dapat iasa sa teachers.
E ano ba ang 'Teacher' para saten?
Definitely, we must treat them our 2nd parents. Right? Respect them and show love of course.
Pero guys eto, dapat vice versa diba? Dapat give and take. Teachers must also show respect and love sa students nila. Para fair.
Pero guys pano pag ganto..
Pano pag yung teacher mo, sa itsura pa lg niya hindi na siya interesado sa inyo at hindi kayo kayang turuan ng maayos. Yung tipong magulo, paiba-iba, paulet-ulet yung turo niya.
Oo kelangan naten mag self-study, advance reading, pero shemay naman! Kaya ka nga pumasok sa school para matuto sa teacher mo.
E hindi e, ang nangyayare tuturuan niya kame ng lageng nakasimangot ang muka. Tamabayun? Oo may naiintindihan kame pero maya maya mali naman pala tas uuliten niya ulet ganto ganyan.. sample nagcheck siya ng seatworks namen then binalik na niya samen after checking, nung nilagay na sa whiteboard yung right answer nagulat kame kase yung sagot namen sa papel at sa whiteboard ay iisa pero yung nasa papel namen mali e parehas naman yung sagot odiba magulo si prof.
Sasabihin niya hindi siya galet pero pag nag-aaproach kame sa kanya kala mo anong nagawa namen dahil di siya maayos sumagot tas lagi niyang sasabihin 'walang galit galit' 'ang sakit ng ulo ko sa inyo' 'ibabagsak ko kayo' hala siya. Kame kaya hindi sumasakit ulo namen sa pagtrato niya samen? Ganon po ba dapat magmotivate ang teacher? Ganon po ba dapat ang proffesional teacher?
Baket sa iba naman naming teacher ayos naman naiinitindihan namen sila ano man yung edad. E baket sa kanya lang po ganon? Sino po ba may diperensya? E pumapasok po kame sa klase niya always, pilit po namen siyang inintindi e kahit nakakastress na tiis na lg. Gumagawa po kame ng mga assignments at seatwork pero baket lageng mali? Mali daw po lage gawa namen, kung may tama man bilang lg. Kung magsalita siya samen dino-down niya kame. Diba dapat minomimotivate niya kame na magpursigi pero nakakadiscourage lahat ng sinabi niya samen. Promise po masakit at masama sa loob bilang estudyante.
Dumating sa point na hindi na namin kaya sinabi na namin sa adviser namen yung about dun. Ang tanging advice lang ni adviser ay bumawi kame sa evaluation kay prof dun namen ilagay yung comments sa kanya ganon.
So nung dumating sa time ng bigayan ng evaluation, ayun. Sinulat namen lahat ng gusto namen icomment sa kanya.
Then kada pag nagkaklase na siya, tinatamad na kame lahat pero pumapasok padin kame at nakikinig sa kanya bilang respeto.
Ang pagkakamali namen hindi na kame gumagawa ng mga pinapa-seatwork at assignments niya dahil nakatatak na sa utak namen na MALI NANAMAN KAME, AY BAGSAK NA TAYO KAY PROF, GALIT NANAMAN SIYA SATEN, WALA. WALA NANAMANG TAMA SA SAGOT NATEN ganto ganyan.. puro nega. Kase yun yung pinaramdam at sinabe niya samen from the start na turuan niya kame. Ts. 💔
So eto na, nagkameeting ang faculty and staffs for the evaluation. Ang sabi, binasa daw ng president ang evaluation sa harap ng lahat ng instructors at dun nila nalaman yung comments namen kay prof.
But the problem is some comments on the evaluation papers e below the belt daw at nasaktan daw si prof. Kase napagalaman na may mga parang 'pinagtripan' na comment daw about kay prof.
Kaya ayun pinatawag kame ni president kung ano ba nangyare. Pagpunta namen we explained lahat ng reklamo namen sa prof namen. Walang halong kasinungalingan o gawang kwento kase hindi kame ganon.
Oo estudyante lg kame pero hindi naman pwedeng tignan lang kame bilang estudynte, sana bilang tao. Malalaki na po kame alam namen yung tama at mali. Kaya bilang nakabababa, nagsorry kame. Inamen yung pagkakamali. Halos maiyak na nga. Pero unfair. Galit talaga si prof samen ayaw niya tanggapin sorry namen. Kinausap namen siya ng maayos, hindi namen siya sinigawan or dinuro or minura o kung ano pa man. Nagsorry kame at sinabi yung problema sa kanya. Guys, sa harap ng lahat ng instructor ng school na yon. Binaba namen yung pride at yung hiya. Kahit alam namen na hindi lahat sa kanila e papanig samen pero naniniwala kame na ang Diyos kasama namen nung mga oras na yon.
Kaya nagusap kame at nagdasal na kung ano man ang mangyayare, magiging desisyon, trato o maging tingin nila samen, tatanggapin namen lahat iyon at isasawalang bahala kase alam namen yung totoo at we let God take care of it.
At syempre sa nangyareng yon, natuto kame. At mas lalong na-build yung section na to. Yung tipong one for all. Hindi
papatinag.
And yes. Oo, estudyante lang nga kame. Pero kameng mga estudynteng to, may Diyos sa mga puso ❤ Kase John 13:7 may purpose si God dito, coz everything has a reason.
So we just take everything as positive. 🙂 Kase sabe nga ng kaklase ko, you cannot change the past but you can change the meaning of it. 🙂
P.s. wala pong bumagsak samen sa subj ni prof pero mas tatanggapin namen kung mababa man grades namen atleast yun yung totoo at deserve namen.
Extra P.s. Hindi namen kelangan ng mataas na grado, ang kelangan namen na ibigay ng teacher e yung tamang pagtrato. 👍 Because that's what really matters.
Thank you for reading this novel. Haha 😂
Four eyes
HRS