31/05/2020
ANUNSYO
Para sa incoming students sa lahat ng Grade Levels ng Junior High at Senior High sa DJYMNHS.
Bukas, June 1, 2020, opisyal na bubuksan ang Online Enrollment ng ating paaralan. Ang enrollment period ay mula June 1 hanggang June 30, 2020.
Ang atin pong Online Enrollment Form ay maaring ma-access sa:
Link [1] http://deped.in/EnrollmentDJYMNHS
Ma-aaccess po ang Online Enrollment Form simula bukas.
Kung hindi ma-access ang form gamit ang Link [1], gamitin ang sumusunod na alternative link:
Link [2] https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSf_dRaW2sSBS-HyixidH21X09NAVvxbhTeqpe7LQIwZKyQySw/viewform
Bago gamitin ang Online Enrollment Form, mangyaring sumangguni muna sa steps na makikita sa mga photo. Makatutulong rin na basahin ang aming post ukol sa Guidelines para sa Remote Enrollment. (https://www.facebook.com/119352664915541/posts/1442788552571939/)
Para po sa incoming Grade 7 JHS at Grade 11 SHS, siguruhing nakapagpalista sa Early Registration Day noong Pebrero. Kung hindi pa nakapagpalista, sumangguni muna sa inyong Enrollment Focal Persons. Ang Online Enrollment po natin ngayon ay continuation ng Early Registration Program.
Para sa lahat, siguruhin po muna na "promoted" o pasado ang inyong anak/alaga bago makilahok sa online enrollment. Makipag-ugnayan sa dati nilang class adviser para dito. HINDI PO KAILANGAN NA HAWAK/KAPIT O NASA POSESYON NG MAG-AARAL NGAYON ANG MGA REPORT CARD. Mahalaga lamang po na alam ninyo at sigurado kayo na sila ay pasado at eligible na mag-enroll.
Ayon sa guidelines ng DepEd, ipagpapaliban muna ang pagsusubmit ng requirements. Kailangan lang pong ihanda ang ilang dokumento para maging reference dahil may mga specific na impormasyong hihingiin ang Online Enrollment Form. Kung sakaling wala ang mga ipinahahandang dokumento, at hindi maalala o hindi sigurado sa isasagot, ilagay lamang ang "N/A", "0" (zero), o kung ano man ang applicable.
Sa dahilan din pong ito kung bakit ituturing na TEMPORARY ang online enrollment. Kakailanganin pa rin na ipasa ang requirements ng enrollees oras na mapahintulutan na ng pagkakataon. Magiging kumpleto lamang ang enrollment kapag naisubmit na ang requirements. Hanggang dumating ang pagkkataon na iyon, ingat lang po tayo.
Para naman po sa Transferees at Balik-Aral, makipag-ugnayan po muna sa ating Enrollment Focal Persons (EFPs) upang kayo ay magabayan.
Para sa mga katanungan o paglilinaw, mangyaring kontakin sa kanilang mobile number o Facebook account ang ating mga itinalagang Enrollment Focal Persons (EFPs). Makikita ang kanilang contact details sa mga photo.
Manatiling nakaantabay sa page na ito para sa opisyal na mga anunsyo at updates. Paki-imbita po lahat ng magulang at mag-aaral na i-Like at i-Follow ang ating page.
Tumatalima po ang ating paaralan sa mga patakarang itinakda ng DepEd. Pumunta sa mga sumusunod para sa dagdag impormasyon:
[1] Ilang paalala upang maging handa sa pagsisimula ng enrollment sa Lunes:
https://web.facebook.com/djymnhs.official/posts/1442181019299359
[2] Karagdagang impormasyon tungkol sa enrollment:
www.deped.gov.ph/obe-be.