06/06/2026
OFFICIAL SCHEDULE OF CLASSES
Attention, DJYMNHS Learners and Parents!
Please be guided by the official class schedule for Junior High School and Senior High School learners for School Year 2026β2027.
Kindly check the schedule carefully and be punctual in reporting to school. Let us begin the school year with preparedness, discipline, and enthusiasm for learning.
See you on June 8!!!
06/06/2026
ππππππππππππππ | ππ«π’π πππ ππ¬π€π°ππ₯π ππππ
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng Don Jose Yares Sr. Memorial National High School sa lahat ng mga g**o, magulang, stakeholders, volunteers, at donors na nakiisa sa ating Brigada Eskwela 2026 bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase para sa School Year 2026β2027.
Lubos din naming pinasasalamatan ang Barangay San Carlos sa pangunguna ni Punong Barangay Anne De Leon at Barangay Tayuman sa pangunguna ni Punong Barangay Raymundo Villadiego para sa kanilang ipinagkaloob na donasyon na malaking tulong sa paghahanda ng ating paaralan para sa nalalapit na pasukan.
Isang espesyal na pasasalamat din kay Gng. Violeta S. Margin, PTA President, at sa buong pamunuan ng PTA na naging katuwang ng paaralan sa buong panahon ng Brigada Eskwela.
Sa pangunguna ni Ms. Norelyn Anorma, Brigada Eskwela Coordinator, at sa suporta ni Gng.. Edna H. Villamayor, School Principal, naging matagumpay ang ating sama-samang bayanihan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Maraming salamat sa inyong malasakit, suporta, at pakikiisa. Ang bawat tulong, gaano man kalaki o kaliit, ay nagiging daan upang mas maging handa ang ating paaralan para sa panibagong taon ng pagkatuto.
02/06/2026
Ang pagsusuot ng opisyal na uniporme ng paaralan ay mahalagang bahagi ng pagiging isang mag-aaral ng Don Jose Yares Sr. Memorial National High School. Higit pa sa pagiging kasuotan, ito ay sumisimbolo ng pagkakakilanlan, disiplina, pagkakaisa, at pagmamalaki bilang miyembro ng komunidad ng DJYMNHS.
Ang tamang pagsusuot ng uniporme ay nakatutulong din sa seguridad at kaligtasan ng bawat mag-aaral. Sa pamamagitan nito, madaling makikilala kung sino ang mga lehitimong mag-aaral ng paaralan, lalo na sa loob at labas ng campus, sa mga opisyal na gawain, at sa panahon ng mga emerhensiya.
Hinihikayat ang lahat ng JHS at SHS students na magsuot ng kumpleto at tamang uniporme bilang pagpapakita ng respeto sa paaralan at pagsunod sa mga itinakdang alituntunin.
Magsuot nang tama. Magpakilala nang may dangal. Maging proud na Don Joseian!
01/06/2026
Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa matagumpay na paglulunsad ng ating Brigada Eskwela 2026!
Lubos naming pinahahalagahan ang mga kawani ng Barangay Tagpos sa pangunguna ni Hon. Ricardo C. Dela Cuesta, Barangay Chairperson, para sa kanilang 25 sets ng cleaning materials.
Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay Bb. Rachelle Ann Gonzales, alumna ng paaralan (batch 2011), para sa kanyang β±5,000 cash donation.
Maraming salamat din sa Faculty Association ng DJYMNHS, sa pangunguna ni G. Carlo A. Arabit, para sa kanilang donasyon ng mga pintura bilang suporta sa Brigada Eskwela 2026 at sa patuloy na pagpapaganda ng ating paaralan.
Pasasalamat din kina PTA President Violeta Margin, sa pamunuan ng PTA, SSLG sa pangunguna ni Francis Leo Salor, at sa lahat ng magulang, mag-aaral, g**o, at stakeholders na nagbahagi ng kanilang oras, lakas, at suporta.
Pinangunahan nina BE Coordinator BB Norelyn Anorma at Prinsipal Edna Vilamayor ang programa bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 8, 2026.
Patuloy pa rin ang Brigada Eskwela! Inaanyayahan namin ang lahat na magtungo sa paaralan upang makiisa at tumulong sa paghahanda ng isang ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral.
Sama-sama nating ihanda ang Don Jose para sa pagbubukas ng klase!
31/05/2026
EXTENDED ENROLLMENT APPLICANTS
Missed the regular enrollment period? You may still enroll. Please refer to the schedule below and proceed to the designated Help Desk for guidance and enrollment assistance.
30/05/2026
Maraming salamat JKRT Travel Agency sa maayos na pag-asikaso at pag-aalaga sa Team Building ng Don Jose Family sa Puerto Galera, Mayo 28β30.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa pamumuno ni Mam Edna sa pagsasakatuparan ng gawaing ito. Higit pa sa isang lakbay-pasyal, ito ay naging pagkakataon para sa wellness, pahinga, at pagpapalakas ng samahan ng mga g**o upang makabalik na mas masigla, masaya, at handa sa panibagong taon ng pagtuturo.
Salamat po sa isang makabuluhan at masayang karanasan!π
26/05/2026
π£β¨ BRIGADA ESKWELA 2026 | CALL FOR DONATIONS β¨π£
Sa darating na Brigada Eskwela 2026 na may temang
βBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanβ, inaanyayahan namin ang lahat ng magulang, alumni, stakeholders, pribadong sektor, at mga kaibigan ng paaralan na makiisa sa pagbibigay ng tulong at donasyon para sa paghahanda ng isang ligtas, maayos, at makakahikayat na paaralan para sa ating mga mag-aaral. ππ
ποΈ Hunyo 1β5, 2026
π Don Jose M. Ynares Sr. Memorial NHS
Luisa St., San Carlos, Binangonan, Rizal
π Maaaring mag-donate ng:
βοΈ School supplies
βοΈ Cleaning & repair materials
βοΈ Hygiene and health supplies
βοΈ School equipment at iba pa
Ang bawat maliit na tulong ay may malaking ambag sa edukasyon ng kabataan. Sama-sama nating ipakita ang tunay na diwa ng bayanihan! π€
π© Para sa mga nais magpaabot ng donasyon o magtanong, maaari kaming kontakin sa: 09684617669 - Ma'am Norelyn C. Anorma - Brigada Eskwela Coordinator o mag email sa [email protected]
26/05/2026
π£β¨ BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF PROGRAM β¨π£
Together, let us once again strengthen the spirit of bayanihan as we prepare our school for another meaningful year of learning! ππ
Join us for the Brigada Eskwela 2026 Kick-Off Program with the theme:
βBayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanβ
π
Date: June 1, 2026
π Time: 8:00 AM
π Venue: Don Jose M. Ynares Sr. Memorial National High School Covered Court
We warmly invite parents, alumni, stakeholders, volunteers, and community partners to take part in this meaningful initiative as we work hand in hand to create a clean, safe, and learner-friendly environment for our students.
πͺ Sama-sama tayo para sa maayos at matagumpay na pagbubukas ng klase!
π Tara na, makiisa sa Brigada Eskwela 2026!