05/08/2026
ANUNSYO: WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS (AFTERNOON CLASSES)
Petsa: August 05, 2026
Para sa: Lahat ng Magulang, Tagapangalaga, at Mag-aaral
Ayon sa opisyal na pahayag mula sa Mahal Kong Binangonan/ Pamahalaang Bayan ng Binangonan, Rizal, ipinagbibigay-alam po sa lahat na:
🚨 WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS (AFTERNOON) SA LAHAT NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN 🚨
Mahahalagang Paalala sa Sunduan at Seguridad ng Mag-aaral:
⏰Pauwi / Sunduan ng Mag-aaral: Magsisimula ang maayos na pagpapasundo sa mga mag-aaral na nakapasok na ngayong umaga simula 11:55am.
📍Lugar ng Sunduan: Mangyaring sunduin ang inyong mga anak sa Silid -Aralan o sa nakatalagang gate ng paaralan at makipag-ugnayan sa kani-kanilang class advisers.
🛡Kaligtasan sa Loob ng Eskwela: Mananatiling ligtas ang mga bata sa loob ng silid-aralan sa ilalim ng pangangalaga ng kanilang mga g**o hanggang sa masundo ng magulang o opisyal na tagapangalaga.
🌧Pag-iingat at Subaybayan: Ipinapayo sa lahat na mag-ingat sa pagbiyahe pauwi at subaybayan ang ating opisyal na page pati na rin ang page ng Mahal Kong Binangonan para sa mga karagdagang balita at abiso.
Manatiling ligtas at mag-ingat ang lahat!
📣 WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS (AFTERNOON)
Sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, suspendido po ang lahat ng afternoon classes ngayong Agosto 5, 2026, batay sa abiso ng District Office at anunsyo mula sa PSDS, dahil sa patuloy na masamang panahon at umiiral na YELLOW WARNING.
At dahil patuloy ang nararanasang pag-ulan, hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas at iwasan ang mga lugar na maaaring bahain. Ugaliing makinig lamang sa mga opisyal na anunsyo at weather advisories.
📌 Higit sa lahat:
Mag-ingat po ang lahat. Iwasan ang pagtawid sa rumaragasang tubig, pananatili sa mga flood-prone areas, at anumang hindi kinakailangang paglabas ng bahay. Safety first po!
💙
Source:
📍 PAGASA Heavy Rainfall Warning No. 2 (11:00 AM | August 5, 2026) https://www.facebook.com/share/p/18NJAQwdUh/