12/08/2026
💙🏅 PASASALAMAT MULA SA BANABA BARRIO SCHOOL! 🏅💙
Ang tagumpay ng ating mga manlalaro sa Municipal Meet 2026 ay hindi lamang bunga ng kanilang sipag, tiyaga at husay, kundi higit sa lahat ng walang sawang suporta ng mga taong naging bahagi at nasa likod ng kanilang laban. 🏆👏
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong, nagbigay, nag-abot ng suporta at naglaan ng oras at pagod upang makasali ang ating mga manlalaro sa Municipal Meet 2026. Malaki man o maliit ang inyong naging ambag, bawat tulong ay naging mahalagang bahagi ng kanilang paglalakbay. ❤️
Isang espesyal at taos-pusong pasasalamat naman po sa mga magulang nina Prince Jacob Apolinario, Dustin Leigh Gorgonia at Kyrie Diego Torres. ❤️🙏
Sa kabila ng paudlot-udlot na mga laro dahil sa sama ng panahon, hindi ninyo hinayaang panghinaan ng loob ang inyong mga anak. Sa halip, pinili ninyong manatili sa kanilang tabi, suportahan sila at hikayating ipagpatuloy ang laban. Ipinakita ninyo na ang tunay na suporta ng magulang ay hindi lamang nasusukat sa oras na maganda ang takbo ng laban, kundi higit na nakikita sa mga panahong may pagsubok at panghihina ng loob. 🥹💙
Muli, maraming maraming salamat po! 🙏
Sa aming minamahal na School Head, Ma'am Rose Brian Celestra, maraming salamat po sa walang sawang pag-aaruga sa ating mga manlalaro—mula sa pagpapatuloy sa kanila sa inyong tahanan hanggang sa paghahanda at pagpapakain sa kanila. Tunay na higit pa sa isang School Head, naging isa rin kayong pangalawang tahanan at sandigan ng ating mga atleta. 💙🏠🍽️
Sa aming napakasipag at napakasigasig na Coach, Kuya RL Salenup , maraming salamat sa tiyaga, oras at dedikasyon sa patuloy na pagsasanay at paggabay sa ating mga manlalaro. 🏊♂️💪
At syempre, sa kanyang katuwang sa training at pagtuturo Ma'am Anjanet Dueños, maraming salamat sa walang sawang paggabay at paghubog sa ating mga atleta—lalo na pagdating sa disiplina, laging READY! 🤣💪📣
Sa lahat ng taong naging bahagi ng laban ng Banaba Barrio School, maraming salamat po sa inyong tiwala, pagmamahal at suporta. Hindi man natin kayang isa-isahin ang lahat, baon namin sa puso ang bawat tulong at kabutihang inyong ipinakita. ❤️
Dahil sa inyong lahat, mas naging makabuluhan ang bawat pagod, pawis, paghihintay at laban.
Hindi lamang medalya ang tunay na tagumpay—kundi ang pagkakaroon ng mga taong handang tumayo sa likod ng ating mga batang nangangarap. 🏅💙
MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG SUMUPORTA AT NAGING BAHAGI NG BANABA BARRIO SCHOOL MUNICIPAL MEET 2026 JOURNEY! 🙏💙🏆
50 Back
Prince Jacob -5th
Dustin - 7th
50- Free
Prince Jacob-6th
Dustin - 9th
50breast
Prince Jacob -3rd
100m free
Prince Jacob -5th
Kyrie -7th
50fly
Kyrie - 5th
🩵🩵🩵