26/01/2026
SELG ELECTION 2026!!!!
Ang Paaralang Elementary ng Janosa ay buong pusong sumusuporta sa isang malinis, maayos, at makabuluhang halalan para sa Supreme Elementary Learner Government (SELG).
Ipinapakilala natin ang tatlong partidong may puso sa paglilingkod sa ating paaralan
🔵 Partido Makadiyos
🟢 Partido Makatao
🔴 Partido Makakalikasan
Sa lahat ng kandidato mula sa iba’t ibang partido, kami ay nagpapaabot ng aming pagbati at paghanga sa inyong tapang at kahandaang maglingkod. Nawa’y manaig ang respeto, pagkakaisa, at patas na kampanya sa buong proseso ng halalan.
Hinihikayat ang lahat ng mag-aaral na MAKINIG, MAGSURI, at BUMOTO nang may TALINO at PANININDIGAN.
Ang bawat boto ay mahalaga.
Ang bawat boses ay may halaga.
Para sa isang makadiyos, makatao, at makakalikasan at makabayang pamumuno — sama-sama nating isulong ang tunay na diwa ng paglilingkod.
Campaign Period Jan. 27-Feb 4, 2026
Miting de Avanvce Feb 5,2026
Election Day Feb 6, 2026