Deped Tayo Blue Rizal Janosa Elementary School

Deped Tayo Blue Rizal Janosa Elementary School

Share

School Activities

Photos from Deped Tayo Blue Rizal Janosa Elementary School's post 05/06/2026

PARENTS’ ORIENTATION ISINAGAWA PARA SA PAGBUBUKAS NG KLASE S.Y. 2026–2027

Sa paghahanda para sa pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027, matagumpay na isinagawa ng Paaralang Elementarya ng Janosa ang Parents’ Orientation para sa mga magulang at tagapag-alaga ng mga mag-aaral.

Nagsimula ang programa sa pag-awit ng Pambansang Awit, na sinundan ng isang taimtim na panalangin bilang paghingi ng patnubay at biyaya para sa panibagong taong panuruan. Kasunod nito ay ang Pambungad na Pananalita ni Dr. Pepito V. Cequeña, Punongg**o, kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng mga magulang sa paaralan upang matiyak ang de-kalidad na edukasyon at maayos na paghubog sa mga mag-aaral.

Sa isinagawang Orientation Proper, tinalakay ang mahahalagang impormasyon kaugnay ng pagbubukas ng klase. Binigyang-diin ang pagpapatupad ng Trisemester System, kabilang ang iskedyul ng bawat termino, mga gawaing pampaaralan, at mga inaasahang gawain ng mga mag-aaral at magulang sa bawat yugto ng pag-aaral. Ipinaliwanag din ang mga polisiya ng paaralan, mga programang pang-akademiko, mga alituntunin sa pagpasok, kaligtasan ng mga mag-aaral, at iba pang mahahalagang usapin na makatutulong sa matagumpay na pag-aaral ng bawat bata.

Ang oryentasyong ito ay nagsilbing mahalagang hakbang upang mapalakas ang ugnayan ng tahanan at paaralan, at upang maihanda ang lahat para sa isang produktibo, ligtas, at makabuluhang taong panuruan.

Maraming salamat sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dumalo at nakiisa. Sama-sama nating itaguyod ang tagumpay ng bawat batang mag-aaral!



Photos from Deped Tayo Blue Rizal Janosa Elementary School's post 04/06/2026

Masdan

Matagumpay na isinagawa ang Pamamahagi ng School Supplies para sa lahat ng mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Janosa mula Grade 1 hanggang Grade 6 sa tulong at suporta ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan.

Nagbigay ng makabuluhang mensahe si Kgg. Vice Mayor Russel Callanta Ynares kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon bilang susi sa pag-abot ng mga pangarap ng bawat kabataan. Hinikayat din niya ang mga mag-aaral na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at pahalagahan ang mga biyayang kanilang natatanggap mula sa pamahalaan.

Ang mga school supplies na ipinamahagi ay malaking tulong upang maging handa ang ating mga mag-aaral sa pagbubukas ng panibagong taong panuruan. Tunay na ang pagkakaisa ng paaralan, magulang, komunidad, at lokal na pamahalaan ay nagbibigay daan sa mas maliwanag na kinabukasan para sa bawat batang Binangoneño.

Maraming salamat Mahal Kong Binangonan💙 sa pamumuno ni Kgg. Mayora Rhea Ynares kasama ang ating mga lokal na opisyal, sa kanilang patuloy na suporta at malasakit sa edukasyon.

💙 Sama-sama para sa dekalidad na edukasyon!
📖 Para sa batang handa, may pag-asa, at may pangarap.



01/06/2026

📚 Oplan Balik Eskwela 2026 📚
Public Assistance Command Center

As Janosa Elementary School prepares for the opening of School Year 2026–2027, we proudly present our Oplan Balik Eskwela Public Assistance Command Center, committed to providing timely assistance and support to learners, parents, and stakeholders.

Under the leadership of Dr. Pepito V. Cequeña, Chairperson, and with the dedicated service of Mellany N. Venadas (Vice Chairperson), together with committee members Lorelyn G. Bolante, Alona T. Añis, Teoderico B. Teodoro, Raquel D. Faraldone, and Rachelle D. Faraldone, the team stands ready to respond to inquiries, address concerns, and ensure a smooth and orderly school opening.

The establishment of this command center reflects the school’s commitment to fostering a safe, inclusive, and learner-friendly environment where every child can begin the academic year with confidence and enthusiasm.

Together, let us build a strong partnership among the school, parents, and community as we work toward a successful and meaningful School Year 2026-2027

Photos from Deped Tayo Blue Rizal Janosa Elementary School's post 01/06/2026

Brigada Eskwela 2026: Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa sa Kalusugan at Kaalaman

Bilang paghahanda s nalalapit na pasukan, Matagumpay na sinimulan ng Paaralang Elementarya ng Janosa ang Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng isang makulay na Kick-Off Parade na umikot sa barangay upang hikayatin ang pakikiisa ng komunidad sa paghahanda para sa pagbubukas ng klase.

Matapos ang parada ay isinagawa ang isang maikling programa kung saan nagbigay ng mensahe ang ating punongg**o, G. Pepito V. Cequeña. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan at bayanihan upang matiyak ang isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran para sa lahat ng mag-aaral.

Ang nasabing programa ay dinaluhan din ang ng mga opisyal ng barangay, mga opisyal ng SPTA, at mga mag-aaral na lider ng paaralan mula sa SELG, YES-O, at BERT na nagpamalas ng kanilang suporta at pakikilahok sa adhikain ng Brigada Eskwela.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naglaan ng oras, lakas, at suporta. Sa sama-samang pagkilos, mas magiging handa ang ating paaralan para sa panibagong taong panuruan.
----------------------------------------------------

Makikita sa mga larawan ang mga kaganapan sa nasabing programa.



31/05/2026

📢 PARENTS’ ORIENTATION 2026 📢

Magandang araw po, mga minamahal na magulang at tagapag-alaga!

Inaanyayahan po namin kayo na makiisa sa Parents’ Orientation 2026 ng Paralang Elementarya ng Janosa upang mapag-usapan ang mahahalagang impormasyon, programa, at mga alituntunin para sa matagumpay na pagbubukas ng panuruang taon.

🕗 Oras: 8:00 AM – 9:00 AM

📅 Schedule:
✅ June 2 – Kindergarten, Grade 1 & SNED
✅ June 3 – Grades 2–3
✅ June 4 – Grades 4–5
✅ June 5 – Grade 6 & ALS

Ang inyong presensya at aktibong pakikilahok ay mahalaga upang mapagtibay ang ugnayan ng tahanan at paaralan para sa ikatatagumpay ng ating mga mag-aaral.

💙 Sama-sama nating ihanda ang ating mga anak para sa isang produktibo, ligtas, at matagumpay na taong panuruan!

Photos from Deped Tayo Blue Rizal Janosa Elementary School's post 22/05/2026

𝘔𝘶𝘯𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘏𝘢𝘯𝘥𝘰𝘨 𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘢𝘳𝘢𝘱 𝘢𝘵 𝘔𝘢𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘉𝘶𝘬𝘢𝘴

Isang makabuluhang araw ng pagbibigayan at pagmamahal ang muling naihatid sa mga batang mag-aaral ng Paaralaang Elementarya ng Janosa sa pamamagitan ng programang “Sapin sa Paa ng Batang Rizalenyo.”

Taos-pusong pasasalamat sa Munting Tulong Handog sa Kapwa Organization (MTHK), Three Strand Rover Scout Association, at Knights of Rizal - La Solidaridad Chapter sa kanilang sama-samang adhikain na makapaghatid ng saya at tulong sa 150 mag-aaral sa SNED, at Kinder hanggang Grade 3.

Sa pangunguna ni G. Jonathan A. Afable, President/Founder A.K.K.L.A.T Assn. Inc ay naipamahagi ang school supplies at ilang masustansyang pagkain na tunay na nagbigay ng ngiti at inspirasyon sa bawat bata sa Paaralang Elementarya ng Janosa

Ang simpleng handog ay nagsisilbing malaking pag-asa at paalala na sa pagbibigayan at malasakit, mas marami pa tayong batang mapapangiti at matutulungan.

Maraming salamat sa inyong kabutihang-loob at patuloy na pagsuporta sa edukasyon at kapakanan ng kabataan.
---------------------------------------------------
𝘔𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘨𝘪𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘯𝘰 𝘯𝘨 pasasalamat❤️

Photos from Deped Tayo Blue Rizal Janosa Elementary School's post 21/05/2026

𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘠𝘶𝘨𝘵𝘰 𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘴𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘢𝘵 𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘏𝘢𝘬𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘛𝘶𝘯𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘉𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘚𝘪𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘥𝘦𝘬𝘢𝘭𝘪𝘥𝘢𝘥 𝘯𝘢 𝘌𝘥𝘶𝘬𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯

Isang makahulugan at puno ng pasasalamat na Turn-Over Ceremony ang matagumpay na idinaos ng Paaralang Elementarya ng Janosa bilang pagkilala sa tapat at mahusay na pamumuno ni G. Rene N. Concepcion at mainit na pagtanggap ng responsibilidad sa bagong yugto ng pamamahala ni Dr. Pepito V. Cequeña bilang bagong punongg**o ng paaralan.

Kaugnay nito ay nagbigay rin ng taos-pusong mensahe sina Eugene G. Plegria, Assistant to the Principal; Gng Annaliza Q. Mendoza, kinatawan ng Tagamasid Pampurok; Gng. Lorelyn G. Bolante, g**o ng paaralan; at Kgg. Geronimo G. Mendoza, Punong Barangay, na nagpahayag ng kanilang suporta, pasasalamat, at magandang hangarin para sa lalo pang ikauunlad ng paaralan at mga mag-aaral.

Ang seremonyang ito ay hindi lamang simpleng pagpapalitan ng tungkulin, kundi isang paalala na ang tunay na pamumuno ay nasusukat sa serbisyong may puso, malasakit, at pagmamahal sa edukasyon.

Maraming salamat, Mr. Rene N. Concepcion, sa inyong makabuluhang paglilingkod. Maligayang pagdating naman kay Dr. Pepito V. Cequeña—nawa’y maging mabunga at matagumpay ang inyong pamumuno sa Paaralang Elementarya ng Janosa.

05/05/2026

FYI Janosaians!!!!!

A new school year is about to begin, bringing fresh opportunities to learn and grow.

We warmly invite all learners, parents, and valued stakeholders to join us in our upcoming Brigada Eskwela!

As we prepare for the opening of classes, we need your support and cooperation to help clean, repair, and beautify our school. Your time, effort, and generosity will go a long way in creating a safe and welcoming learning environment for our children.

🤝 How you can help:
🔹 Participate in school clean-up and minor repairs
🔹 Donate cleaning materials or school supplies
🔹 Share your skills and volunteer your time

Together, let’s show the true spirit of bayanihan—working as one community for the good of our learners.

17/04/2026

Nakikiisa ang Janosa Elementary School sa pagdiriwang ng National Solo Parents Week 2026

Kinikilala namin ang hindi matatawarang sakripisyo, katatagan, at pagmamahal ng ating mga solo parent. Sila ay tunay na inspirasyon at mahalagang bahagi ng pagbuo ng matatag na pamilya at komunidad.

Sa pangunguna ng ating butihing punong g**o Ginoong Rene N. Concepcion, patuloy naming ipinapahayag ang aming buong suporta at pagkilala sa inyong sektor.

Hindi kayo nag-iisa—narito ang pamunuan ng ating paaralan na handang umalalay at maglingkod.

Saludo kami sa inyong dedikasyon at walang kapantay na pagmamahal.

Solo Parents 2026 17/04/2026

Good afternoon po!

Sending here advoc materials and soc med art cards from DSWD in light of the upcoming Solo Parents Week next week for your reference and use:
https://canva.link/c4vwvbuqzpr1tgx

We also customed a template po for facebook cover photo, which can be accessed in this link: https://canva.link/soloparent-fbcover

Just in case lang din po, you create your own copy for editing by clicking the "File" on the top left and then click “make a copy”. This will automatically open an editable file through your canva account po :D

In this regard, we kindly request your support in cascading and uploading these materials through your respective official websites and social media platforms to help amplify the advocacy and promote awareness.

Thank you very much for your continued cooperation and support.

PS: A memorandum on the slated activities for the week-long celebration shall be issued as soon as soon as it is signed by the appropriate approving authority.

Thank you!

Solo Parents 2026

Want your school to be the top-listed School/college in Binangonan?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Saint John Street
Binangonan
1940