30/05/2026
Tara na at maki Brigada Eskwela!!!
Magtulungan tayong linisin at ayusin ang ating paaralan upang maging handa ito para sa darating na pasukan. Dalhin ang inyong mga ngiti at sigla, pati na rin ang mga kagamitan tulad ng walis, pandilig, at iba pang kasangkapan na makakatulong sa ating gawain. Tayo na't magkaisa sa darating na Hunyo 1-5, 2026.