31/08/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ | ๐๐ฐ๐ญ๐ถ๐ฎ๐ฆ 3. ๐๐ณ๐ต๐ช๐ค๐ญ๐ฆ 7
โ
โโ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐โ๐๐ ๐๐ ๐ด๐๐ก๐๐๐๐๐๐๐ ๐ผ๐๐ก๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐โ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ค๐๐๐๐๐ ๐น๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ข๐๐๐ฆ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ก ๐๐๐๐๐ข๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐ข๐๐๐๐.โ - ๐ด๐ก๐ก๐ฆ. ๐๐๐๐๐ก๐๐ ๐ธ. ๐ต๐๐๐๐๐๐ -๐๐๐๐๐
โ
โ"๐๐ข๐บ๐ข๐ฅ ๐ฑ๐ฐ." Isang kamay ang nag-abot ng baryang ilang ulit nang nagpalipat-lipat sa pagitan ng mga pasahero. Sa harap, patuloy ang ugong ng makina. Sa gilid, nagsisiksikan ang mga balikat, bag, kuwaderno, at mga kuwentong hindi magkakakilala. Sa bawat paghinto, may bumababa. Sa bawat pag-usad, may sumasakay. Hanggang sa may isang tinig na maririnig sa gitna ng ingay โ โ๐๐ช๐บ๐ข๐ฏ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ต๐ถ๐ญ๐ข๐บ.โ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ๐ฟ. ๐ฃ๐ฎ๐๐ฎ๐ธ. ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐ป. Ngunit marahil, tulad ng maraming salitang araw-araw nating binibigkas, hindi natin napapansin na may buhay na nakatago sa likod nito.
โ
โMarahil, nakasanayan na nating isipin na ang Dyip ay isang simpleng sasakyan lamang. Isa rin itong maliit na larawan ng ating buhay. May mga araw na tayo ang pasaherong nagmamadali โ hawak ang pangarap na kailangang maabutan bago tuluyang umalis ang pagkakataon. May mga araw namang nakaupo lamang tayo sa gilid, tahimik na pinagmamasdan ang mga kalsadang hindi natin alam kung saan tutungo. May mga kasabay tayong ilang minuto lamang makikilala, at may ilan namang mananatili hanggang sa huling kanto. At may mga pagkakataong, tulad ng isang pasaherong napagod sa mahabang biyahe, kailangan nating magsabi: โ๐๐ช๐บ๐ข๐ฏ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฐ ๐ด๐ข ๐ต๐ถ๐ญ๐ข๐บ.โ
โ
โMay mga biyaheng ang hinahanap ay ๐๐๐จ๐ฉ๐๐ฃ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ, at may mga biyaheng ang hinahanap ay ๐ ๐๐จ๐๐๐ช๐ฉ๐๐ฃ. Sa pananaliksik, impormasyon ang daan at ๐ผ๐ ang isa sa mga kasangkapang tumutulong sa atin na makarating sa tamang sagot. Ganiyan din ang mundo ng impormasyon. Sa isang pindot lamang, tila napakaraming daan ang maaaring tahakin. Isang tanong sa ๐ด๐ฆ๐ข๐ณ๐ค๐ฉ ๐ฆ๐ฏ๐จ๐ช๐ฏ๐ฆ, isang ๐ฌ๐ฆ๐บ๐ธ๐ฐ๐ณ๐ฅ sa ๐ฅ๐ข๐ต๐ข๐ฃ๐ข๐ด๐ฆ, isang ๐ฑ๐ณ๐ฐ๐ฎ๐ฑ๐ต sa ๐ข๐ณ๐ต๐ช๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ na ๐ช๐ฏ๐ต๐ฆ๐ญ๐ช๐ฉ๐ฆ๐ฏ๐ด๐ช๐บ๐ข โ at biglang bumubukas ang napakaraming pinto patungo sa impormasyon.
โ
โDito pumapasok ang wika. Sa tema ng ๐ฝ๐ช๐ฌ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐ na โ๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค ๐๐ฉ ๐ผ๐: ๐๐๐จ๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ ๐จ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ช๐ก๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ค๐ง๐ข๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ,โ ipinapaalala sa atin na ang wika ay hindi lamang ginagamit upang makipag-usap. Ito ay ginagamit upang ๐ฎ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ฏ๐ฐ๐ฏ๐จ, ๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ถ๐ณ๐ช, ๐ฎ๐ข๐จ๐ฉ๐ข๐ฏ๐ข๐ฑ, at ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ข๐ธ๐ข. Sa panahong kayang magbigay ng sagot ng ๐๐ณ๐ต๐ช๐ฑ๐ช๐ด๐บ๐ข๐ญ na ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ญ๐ช๐ฏ๐ถ๐ฉ๐ข๐ฏ sa loob lamang ng ilang segundo, lalong nagiging mahalaga ang kakayahan nating gamitin ang sariling wika upang makipag-ugnayan sa teknolohiya. Maaaring magsilbing katuwang ang ๐๐ sa pananaliksik โ maaari nitong tulungan ang isang mag-aaral na maghanap ng ideya, magpaliwanag ng konsepto, mag-organisa ng impormasyon, o magbukas ng mga bagong direksiyong maaaring tuklasin.
โ
โNgunit ang ๐๐ ay parang ๐ฅ๐บ๐ช๐ฑ na maaari tayong ihatid sa iba't ibang lugar. Hindi ito ang mismong destinasyon. Tayo pa rin ang pipili kung saan pupunta. Tayo ang magtatanong. Tayo ang magsusuri. Tayo ang magpapatunay. At higit sa lahat, tayo ang mananagot sa impormasyong ating gagamitin at ipapasa sa iba. Dahil kahit gaano kabilis ang teknolohiya, hindi nito mapapalitan ang kritikal na pag-iisip ng taong marunong kumilatis. Sa dyip, maaaring makarating tayo nang mabilis sa isang lugar, ngunit kung maling ruta ang ating nasakyan, lalo lamang tayong mapapalayo sa dapat nating puntahan. Gayundin sa pananaliksik: maaaring mabilis ang sagot, ngunit hindi nangangahulugang tama ito.
โ
โDito nagiging mahalaga ang tulay sa Wikang Filipino. Ang wikang pinakamalapit sa ating karanasan, mas malinaw nating naipapahayag ang mga tanong na may kaugnayan sa ating komunidad, kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan. Sa paggamit nito, hindi lamang tayo kumukuha ng impormasyon mula sa malawak na mundo โ nakapag-aambag din tayo ng sarili nating kaalaman dito. Ang mga kuwentong nagmumula sa ating mga tahanan, paaralan, komunidad, at kultura ay bahagi rin ng yaman ng impormasyon na dapat mai-preserba, maunawaan, at maipasa sa susunod na salinlahi.
โ
โMahalaga ang tulay sapagkat ito ang daang nagdurugtong sa magkabilang daan. Ganoon din ang ๐ธ๐ช๐ฌ๐ข at ๐๐ โ na nag-uugnay sa atin sa malawak na mundo ng kaalaman. Ang Wikang Filipino ang daan upang maipahayag ang ating karanasan at pananaw, habang ang Artipisyal na katalinuhan ay katuwang sa paghahanap ng impormasyon. Ngunit ang tunay na halaga ng mga ito ay nakasalalay sa responsable at wastong paggamit. Maaaring ituro ng teknolohiya ang daan, ngunit tayo pa rin ang kailangang tumawid.
Darating ang oras na kailangan nating bumaba. Hindi dahil tapos na ang lahat, kundi dahil may panibagong daang kailangang tahakin. Marahil, iyon ang pinakamagandang aral na maibibigay ng isang simpleng pagsakay sa Dyip: ang buhay ay hindi tungkol sa kung gaano kabilis tayong makarating. Ito ay tungkol sa mga tanong na tinanong natin habang naglalakbay, sa mga taong nakasabay natin, sa mga kuwentong narinig natin, at sa mga kaalamang dinala natin pagdating sa ating destinasyon.
โ
โKaya sa susunod na marinig natin ang โJan lang po sa tulay,โ huwag lamang natin itong isipin bilang hudyat ng pagbaba. Isipin natin itong paalala โ na sa bawat paghinto, may pagkakataong magnilay; sa bawat pagtawid, may bagong mundong maaaring matuklasan; sa bawat salita, may kaalamang maaaring maipasa; at sa bawat tanong, may daang maaaring mabuksan. Sapagkat sa mundong pinapabilis ng artipisyal na intelihensiya ang paglalakbay patungo sa impormasyon, ang wikang Filipino ang nagpapaalala kung sino tayo habang tayo ay naglalakbay.
โ
โ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐โ๐๐ ๐๐๐ก๐๐, โ๐ฝ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ ๐ ๐ก๐ข๐๐๐ฆ,โ ๐๐๐ค๐โ๐ฆ โ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐๐ฆ๐ ๐๐ข๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐ก, ๐๐ข๐๐๐ ๐๐๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ โ๐ข๐๐ข๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐ก๐๐, ๐๐ก ๐ค๐๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐ข๐๐๐ฆ ๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐ขโ๐๐ฆ ๐ ๐ ๐๐ก๐๐. Sapagkat ang tulay ay hindi lamang lugar ng paghinto, kundi paalala na sa bawat pagtawid, may bagong yugto tayong haharapin. Sa bawat โbayad po,โ โpara po,โ at โsalamat po,โ nabubuo ang ugnayang naglalapit sa atin bilang mga Pilipino. Marahil, ang โJan lang po sa tulayโ ay hindi lamang pahayag ng isang pasaherong nais bumaba, kundi paalala na ang wika at AI ay magkabilang dulo ng tulay na nag-uugnay sa atin sa mas malawak na kaalaman. Sa pagtawid sa pagitan ng dalawa, nagiging mas masusi ang ating pananaliksik โ sapagkat ang wika ang nagbibigay-konteksto at kahulugan, habang ang AI ay kasangkapang tumutulong sa paghahanap, pagsusuri, at pag-unawa sa impormasyon. Sa bawat pagtawid, hindi lamang tayo nakararating sa sagot; natututo rin tayong suriin kung alin ang tama, makabuluhan, at karapat-dapat baunin sa susunod nating paglalakbay.
โ
Article by G. Johann Dan C. Sabelo
Article Arrangement: Publication Committee
Layout: Social Media Committee