09/07/2026
๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ง๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐จ๐ -๐๐ข๐ฒ๐๐ฒ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐๐ฌ๐ค๐จ๐ฅ๐๐ซ ๐ง๐ ๐๐๐
Isinagawa ang pamamahagi ng T-shirt at paggawad ng scholarship sa 150 piling mag-aaral ng Bugayong Integrated School sa ilalim ng Project ABOT PANGARAP, sa pagtataguyod ng Magday Sisters, sa pangunguna ng kanilang panganay na kapatid na si Ms. Corazon M. Nera.
Nasa ikalawang taon na ng pagpapatupad ng programa sa paaralan.
Mula sa 120 iskolar noong nakaraang taon, naging 150 iskolar ngayong taon upang mas maraming mag-aaral ang mabigyan ng tulong at pagkakataong maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Sinimulan ang programa sa isang panalangin na pinangunahan ni G. Victor A. Castro.
Sinundan ito ng mensahe mula sa kawaksing punongguro, na si Madam Jenifer Soriano at nagpasalamat sa mga sponsor sa kanilang patuloy na malasakit at suporta sa mga mag-aaral ng Bugayong Integrated School.
Matapos ang mensahe, ipinamahagi ang mga T-shirt sa mga iskolar na sinamahan ng kanilang mga magulang.
Naging makabuluhan ang bahaging ito ng programa dahil nasaksihan mismo ng mga magulang ang tulong na ipinagkaloob sa kanilang mga anak.
Naging tampok ng aktibidad ang paggawad ng scholarship sa 150 iskolar.
Layunin ng scholarship na makatulong sa mga pangangailangang pang-edukasyon ng mga mag-aaral at mabawasan ang gastusin ng kanilang mga pamilya sa pag-aaral.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga iskolar, magulang, at pamunuan ng paaralan sa Magday Sisters, higit kay Ms. Corazon M. Nera, sa kanilang patuloy na pagtulong sa mga batang nangangarap na makapagtapos at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.