Binagbag NHS - Values Education Club

Binagbag NHS - Values Education Club "Itinataguyod ang mabuting asal, disiplina, at malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng mga gawain sa paaralan at komunidad.

Sama-sama para sa respeto, kapayapaan, at kabutihan. đź’™ Values in Action, Change in Motion!"

Magandang buhay, mabuting tao.Sa bawat aral na pinaghihirapan mo, sa bawat gawain at responsibilidad na ginagawa mo araw...
15/03/2026

Magandang buhay, mabuting tao.

Sa bawat aral na pinaghihirapan mo, sa bawat gawain at responsibilidad na ginagawa mo araw-araw, alalahanin mo na ang lahat ng ito ay may layunin. Gawin natin ang lahat nang buong puso, na para bang ginagawa natin ito para sa Diyos at hindi lamang para sa papuri o pagkilala ng tao.

Bilang mga mag-aaral, ang ating sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-aaral ay hindi lang tungkol sa pagkuha ng mataas na marka, kundi tungkol sa pagpapakita ng magandang pagpapahalaga sa bawat pagkakataong ibinigay sa atin.

Patuloy tayong magsikap, mag-aral nang mabuti, at gawin ang lahat nang may puso at pananampalataya. Sa ganitong paraan, ang bawat hakbang natin ay nagiging bahagi ng pag-abot sa ating mga pangarap.





Magandang Buhay! ✨Matapos ang flag ceremony, buong husay na ipinaliwanag ng mga piling mag-aaral mula Grade 7, Grade 9, ...
09/03/2026

Magandang Buhay! ✨

Matapos ang flag ceremony, buong husay na ipinaliwanag ng mga piling mag-aaral mula Grade 7, Grade 9, at Grade 10 ang kahulugan ng A Value A Month (AVAM) na may temang “Discipline and Order, Good Faith in Dealing with Others, and Gender Equity.”

Ibinahagi nila sa kanilang kapwa mag-aaral na ang disiplina at kaayusan ay nagsisimula sa sarili sa pagsunod sa mga alituntunin at paggawa ng tama kahit walang nakatingin. Samantala, ang good faith sa pakikitungo sa iba ay nagpapakita ng katapatan, respeto, at malasakit sa bawat kapwa. At higit sa lahat, ang gender equity ay nagpapaalala na ang bawat isa, anuman ang kasarian, ay nararapat igalang at bigyan ng pantay na pagkakataon.

Sa mensaheng ito, pinaalalahanan ang kabataan na:
✨ Ang disiplina ay pundasyon ng tagumpay,
✨ Ang tapat na pakikitungo ay susi sa mabuting samahan,
✨ At ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ay tanda ng tunay na malasakit sa kapwa.

Nawa’y magsilbing gabay ang mga pagpapahalagang ito upang patuloy nating maisabuhay ang pagiging responsable, makatarungan, at mapagmalasakit na mamamayan.

Maging disiplinadi. Maging tapat. Igalang ang bawat isa.
Iyan ang diwa ng ating A Value A Month.






Ash Wednesday | Binagbag National High SchoolNgayong umaga, sama-sama tayong nagsimula ng Kuwaresma sa pamamagitan ng pa...
18/02/2026

Ash Wednesday | Binagbag National High School

Ngayong umaga, sama-sama tayong nagsimula ng Kuwaresma sa pamamagitan ng pagpapalagay ng abo sa ating noo—isang paalala ng pagpapakumbaba, pagsisisi, at panibagong pag-asa. 🤍

Sa bawat estudyanteng tumanggap ng abo, dala natin ang mensaheng: “Mula sa abo tayo nanggaling at sa abo rin tayo babalik.” Ngunit higit pa rito, ito ay paalala na habang may buhay, may pagkakataong magbago, magmahal, at gumawa ng tama.

Sa ating mga mag-aaral, nawa’y maging simula ito ng mas malalim na pananampalataya, pagrespeto sa kapwa, at pagiging mas mabuting anak, kaibigan, at estudyante. Hindi lamang sa loob ng silid-aralan, kundi sa araw-araw na pamumuhay.

Ang Kuwaresma ay hindi lang pag-aayuno—ito ay panahon ng pagninilay, pagpapatawad, at pagbabalik-loob.

Patuloy tayong maglakad nang may kababaang-loob at malasakit sa isa’t isa. 💜






Magandang buhay, mabuting tao!Isang mapagpalang araw aa ating lahat. Ang ating naranasan sa pagdiriwang ng Banal na Misa...
12/02/2026

Magandang buhay, mabuting tao!
Isang mapagpalang araw aa ating lahat. Ang ating naranasan sa pagdiriwang ng Banal na Misa ngayong araw.

Sa homiliya, binigyang-diin ang Mabuting Balita mula sa Marcos 7:24–30 ang pananampalataya at kababaang-loob na tunay na pinakikinggan ng Diyos. Isang paalala na ang taos-pusong pananalig at pagtitiwala sa Kanya ay may kapangyarihang magdala ng pagbabago at pagpapagaling.

Ibinahagi rin ni Father ang isang malinaw at napapanahong mensahe lalo na para sa ating mga mag-aaral: mag-aral nang mabuti, maging mabuti sa kapwa, at umiwas sa mga masasamang bisyo. Simpleng payo ngunit napakalalim ng kahulugan dahil ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa talino, kundi sa mabuting asal at tamang pagpili sa araw-araw.

Nawa’y baunin natin ang mga aral na ito hindi lamang sa loob ng paaralan kundi pati sa ating pang-araw-araw na buhay.

Patuloy tayong maglakad sa tamang landas, may pananampalataya at
pagpapahalaga.







Matapos ang flag ceremony, buong husay na ipinaliwanag ng mga piling Values Education Club Officers ang kahulugan ng A V...
02/02/2026

Matapos ang flag ceremony, buong husay na ipinaliwanag ng mga piling Values Education Club Officers ang kahulugan ng A Value A Month (AVAM) para sa buwan ng Pebrero na may temang “Perseverance.”

Ipinabatid nila sa mga mag-aaral na ang pagtitiyaga ay hindi lang tungkol sa pagtitiis, kundi sa pagpapatuloy kahit mahirap, kahit napapagod, at kahit nadadapa. Na sa bawat pagkakamali ay may aral, at sa bawat pagsubok ay may pagkakataong mas maging matatag.

Sa mensaheng ito, pinaalalahanan ang kabataan na:
✨ Hindi sukatan ng lakas ang hindi mapagod,
✨ kundi ang pagpiling bumangon at magpatuloy.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ito sa bawat mag-aaral na huwag agad sumuko sa pangarap, magtiwala sa sarili, at patuloy na magsikap—para sa sarili, sa pamilya, at sa kinabukasan ng komunidad.

đź’› Magtiyaga. Magpatuloy. Manalig sa sarili.
Iyan ang tunay na diwa ng Perseverance.







Magandang buhay, mabuting taoSa bawat aral na pinaghihirapan mo, sa bawat gawain na tinatapos mo kahit mahirap alalahani...
28/01/2026

Magandang buhay, mabuting tao

Sa bawat aral na pinaghihirapan mo, sa bawat gawain na tinatapos mo kahit mahirap alalahanin mo na hindi lang ito para sa grado o papuri ng tao. Gawin mo ito nang buong puso, may sipag at may pananampalataya. Dahil kapag sinikap mo ang lahat ng iyong ginagawa, nagiging mas makahulugan ang iyong paglalakbay bilang isang mag-aaral. Patuloy lang may magandang layunin ang bawat pagsusumikap.





Magandang Buhay, Mabuting Tao!Nitong ikalabindalawa sa ikadalawang linggo ng enero ay ginanap ang AVAM o A Value A Month...
15/01/2026

Magandang Buhay, Mabuting Tao!

Nitong ikalabindalawa sa ikadalawang linggo ng enero ay ginanap ang AVAM o A Value A Month na may temang CARING FOR ONESELF.

"CARING FOR ONESELF"

Ito ay ang pag-aalaga sa sarili. Kabilang na rin dito ang tamang pagkain, sapat na pahinga, personal na kalinisan, pag-iwas sa masasamang bisyo, at pag-aalaga sa sariling damdamin at isipan. Kaya kung maaari pahalagahan natin ang ating sarili sa pamamagitan ng wastong pag-aalaga sa ating katawan at isipan. Simulan natin sa tamang pagkain, sapat na pahinga, at pagpapanatili ng mabuting kalinisan. Alagaan din natin ang ating damdamin at iwasan ang mga gawain na nakasasama sa ating kalusugan.







"CARING FOR ONESELF"Ang pag-aalaga sa sarili ay ang pagbibigay-halaga at pagtiyak sa sariling kalusugan pisikal, emosyon...
04/01/2026

"CARING FOR ONESELF"

Ang pag-aalaga sa sarili ay ang pagbibigay-halaga at pagtiyak sa sariling kalusugan pisikal, emosyonal, mental, at sosyal. Kabilang dito ang tamang pagkain, sapat na pahinga, personal na kalinisan, pag-iwas sa masasamang bisyo, at pag-aalaga sa sariling damdamin at isipan. Kaya kung maaari pahalagahan natin ang ating sarili sa pamamagitan ng wastong pag-aalaga sa ating katawan at isipan. Simulan natin sa tamang pagkain, sapat na pahinga, at pagpapanatili ng mabuting kalinisan. Alagaan din natin ang ating damdamin at iwasan ang mga gawain na nakasasama sa ating kalusugan.🩷🤎







"Sa bawat luha at pagod na hindi nakikita ng iba, nakita ito ng Diyos. Psalm 46:1 ang paalala na hindi mo kailangang mag...
09/12/2025

"Sa bawat luha at pagod na hindi nakikita ng iba, nakita ito ng Diyos. Psalm 46:1 ang paalala na hindi mo kailangang maging malakas lagi, dahil siya mismo ang aking lakas. Sa kanya ako humihinga ng panibagong pag-asa araw-araw."🤎🙏







Araw ng Huwebes, Disyembre 4, 2025Ang pananampalataya ay nararapat na patotoo sa ating mga gawa at hindi lamang sa salit...
05/12/2025

Araw ng Huwebes, Disyembre 4, 2025

Ang pananampalataya ay nararapat na patotoo sa ating mga gawa at hindi lamang sa salita.Isang makabuluhang paalala sa ating lahat sa homiliya.

Sa ating pagdiriwang ng Banal na Misa tayo ay tinatawag na magpakumbaba at magpakita ng ating pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng ating mga gawa. Hindi sapat na tayo ay nagsasalita lamang ng ating pananampalataya, kundi dapat nating ipakita ito sa ating mga kilos at desisyon.

Sa ating mga pang-araw-araw na buhay, tayo ay hinahamon na maging mga tunay na alagad ni Cristo, na naglalakbay sa landas ng pag-ibig, pag-aasawa, at pagtulong sa kapwa. Huwag nating hayaan na ang ating mga salita lamang ang magpakita ng ating pananampalataya, kundi ang ating mga gawa rin.

Nawa'y bigyan tayo ng Diyos ng lakas at inspirasyon na magpatuloy sa ating paglalakbay ng pananampalataya, at nawa'y magpakita tayo ng tunay na pagmamahal sa kanya sa ating mga gawa.

Sa ating paglalakbay ng pananampalataya, tayo ay tinatawag na magpakita ng tunay na pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng ating mga gawa. Ang ating mga kilos at desisyon ay dapat sumasalamin sa ating mga salita, at dapat nating ipakita ang ating pananampalataya sa ating mga pang-araw-araw na buhay.

Nawa'y magpatuloy tayo sa ating paglalakbay ng pananampalataya, at nawa'y magpakita tayo ng tunay na pagmamahal sa Diyos sa ating mga gawa.









Ang  salitang ito ay isang paalala na ang kabutihan ay may gantimpala, at ang pagtatanim ng mabuti ay nagbubunga ng maga...
02/12/2025

Ang salitang ito ay isang paalala na ang kabutihan ay may gantimpala, at ang pagtatanim ng mabuti ay nagbubunga ng magandang ani! Kapag ginawa natin ang mabuti, hindi lang natin tinutulungan ang iba, binubuo din natin ang isang mas magandang mundo para sa ating lahat. Huwag tayong magpatinag sa galit o sama ng loob, kundi ipakita natin ang ating kabutihan at pagmamahal sa kapwa. Tandaan, ang mundo ay nagbabago kapag tayo ay nagbabago. Maging instrumento tayo ng pag-asa at pagmamahal✨❤️🤎






✨ A VALUE A MONTH – DECEMBER: HUMAN RIGHTS ✨Sa Binagbag National High School, hindi lang kaalaman ang hinuhubog—kundi pa...
01/12/2025

✨ A VALUE A MONTH – DECEMBER: HUMAN RIGHTS ✨
Sa Binagbag National High School, hindi lang kaalaman ang hinuhubog—kundi pati puso, prinsipyo, at pagkatao ng bawat mag-aaral.

Ngayong buwan, pinangunahan ni Gng. Marivic C. Placido, our dedicated Values 10 teacher, ang pagpapaliwanag tungkol sa Human Rights, isang paalala na bawat tao—bata man o matanda—ay may karapatang igalang, pakinggan, at pahalagahan.

đź’ˇ Inspirational Message for the Youth:
"Sa isang mundong puno ng ingay at pagbabago, maging tinig ka ng kabutihan at katarungan. Matuto kang tumindig hindi lang para sa sarili mo, kundi para sa kapwa mo. Ang tunay na lakas ng kabataan ay makikita sa kanilang malasakit, respeto, at tapang na maging makatao sa bawat pagkakataon."

Patuloy nating isabuhay ang halaga ng pagkakapantay-pantay, respeto, at dignidad—sapagkat ang karapatang pantao ay para sa lahat, anumang kulay, anyo, o kalagayan.

🌟 BNHS – Where Values Are Lived, Not Just Learned.







Address

Binagbag
3012

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Binagbag NHS - Values Education Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category