16/08/2026
📣 𝐋𝐀𝐊𝐄𝐒𝐇𝐎𝐑𝐄𝐀𝐍𝐒,
Handa na ba kayong isuot ang ating kultura at ipagdiwang ang ating pamana?
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐖𝐢𝐤𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔 na may temang “𝙒𝙞𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙁𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤 𝙖𝙩 𝘼𝙄: 𝙆𝙖𝙨𝙖𝙣𝙜𝙠𝙖𝙥𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙋𝙖𝙣𝙖𝙣𝙖𝙡𝙞𝙠𝙨𝙞𝙠 𝙖𝙩 𝙏𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙔𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙄𝙢𝙥𝙤𝙧𝙢𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣”, inaanyayahan ang lahat ng Lakeshoreans na magsuot ng itinakdang katutubong kasuotan na kumakatawan sa mayaman at makulay na kultura ng ating bansa.
𝐈𝐓𝐈𝐍𝐀𝐊𝐃𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐒𝐔𝐎𝐓𝐀𝐍:
🟠 𝐁𝐚𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝟕 𝐚𝐭 𝟖 – 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐬𝐮𝐨𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐚-𝐋𝐮𝐳𝐨𝐧
🟡 𝐁𝐚𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝟗 𝐚𝐭 𝟏𝟎 – 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐬𝐮𝐨𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐚-𝐕𝐢𝐬𝐚𝐲𝐚𝐬
🟢 𝐁𝐚𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝟏𝟏 𝐚𝐭 𝟏𝟐 – 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐬𝐮𝐨𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐚-𝐌𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨
Sama-sama nating gawing makabuluhan ang pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating pagka-Pilipino, pagpapahalaga sa kultura, at pagmamalaki sa ating pamanang lahi.
Isuot ang kultura. Ipagmalaki ang pagiging Lakeshorean!
🖼️: Tyra Cissnei Boteja & Elijah Sebastian Atienza