06/07/2026
Ang iyong kwento ay maaaring maging simula ng bagong pag-asa para sa iba.
Isa ka bang ALS A&E Passer ng ALS SDO Biñan? Panahon na upang ibahagi ang iyong inspirasyonal na paglalakbay!
Ang bawat tagumpay ay may kuwento—mga hamon na nalampasan, mga pangarap na muling nabuhay, at mga oportunidad na nabuksan dahil sa Alternative Learning System (ALS). Ang iyong testimonya ay maaaring magbigay ng lakas ng loob sa mga Out-of-School Children, Youth, and Adults (OSCYA) na muling bumalik sa pag-aaral at ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap.
📩 Paano makikibahagi?
✅ Magpadala ng maikling video (45 segundo–1 minuto) o
✅ Nakasulat na salaysay (150–200 salita)
📷 Kalakip ang isang malinaw na larawan (kung mayroon).
Sagutin lamang ang mga gabay na tanong sa infographic at ibahagi ang iyong ALS journey.
Maging inspirasyon. Magbahagi ng pag-asa. Magbigay ng pangalawang pagkakataon sa iba sa pamamagitan ng iyong kwento.
📍 Isumite ang inyong testimonya sa pamamagitan ng ppagme-messagesa official Facebook Ppageng ALS SDO Biñan o sa inyong ALS Tteacher
Walang huli sa pag-aaral. May ALS para sa bawat pangarap. 💙🎓