10/07/2026
BIÑAN CITY, Laguna — Sinuspinde ngayong araw, Hulyo 10, ang face-to-face na klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa Lungsod ng Biñan bunsod ng epekto ng Bagyong Inday at ng patuloy na malalakas na pag-ulan na dulot ng pinalakas na habagat. Layunin ng hakbang na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at iba pang kawani ng paaralan.
Kasunod ng anunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Biñan, agad na ipinatupad sa lahat ng pampublikong paaralan ang Alternative Delivery Mode (ADM) upang matiyak na hindi maaantala ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng kani-kanilang class group chats (GCs) at iba pang online communication platforms.
Ipinadala rin ang mga panuto at iskedyul ng mga gawain upang magabayan ang mga mag-aaral at mga magulang sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral habang nananatili sa kani-kanilang tahanan.
Hinimok ng mga g**o ang mga mag-aaral na aktibong makilahok sa mga nakatalagang gawain at panatilihin ang komunikasyon sa kanilang mga adviser kung may mga katanungan o suliraning may kaugnayan sa kanilang mga aralin.
Pinapayuhan din ang lahat na manatiling handa at sumunod sa mga paalala ng mga kinauukulan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.
Sa pamamagitan ng agarang pagpapatupad ng Alternative Delivery Mode at ng mabilis na koordinasyon ng mga g**o, naipag- papatuloy ang paghahatid ng dekalidad na edukasyon kahit sa gitna ng masa- mang panahon, habang nananatiling pangu- nahing prayoridad ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral.
GANADO ELEMENTARY SCHOOL
"Tagapanday ng Kabataan, Tulay ng Kinabukasan"