21/09/2026
Ang pag-alala ay bahagi ng pagkatuto.
Ngayong Setyembre 21, ginugunita natin ang mga biktima ng Batas Militar at pinararangalan ang mga nanindigan para sa ating kalayaan.
Sa Rainbow Nook, naniniwala kaming bahagi ng edukasyon ang pag-unawa sa kasaysayan, mapanuring pagtatanong, at paggalang sa karapatan ng bawat tao. Sama-sama nating gabayan ang susunod na henerasyon na matuto sa nakaraan at manindigan para sa katotohanan.
Hindi malilimutan. Hindi na mauulit.