BSEd Filipino : Wika, Diwa, at Panitikan: Sining ng Pagtuturo - BISU BILAR

BSEd Filipino : Wika, Diwa, at Panitikan: Sining ng Pagtuturo - BISU BILAR Mga kabataang tagapagtaguyod ng wika at panitikan — alab ng Filipino, pintig ng kultura.” ��

🎉 Pagpupugay sa Ating mga Pinunong Mag-aaral! 🎉Isang taos-pusong pagbati kina Divine Grace Arañez, na nahalal bilang Pan...
23/07/2026

🎉 Pagpupugay sa Ating mga Pinunong Mag-aaral! 🎉

Isang taos-pusong pagbati kina Divine Grace Arañez, na nahalal bilang Pangalawang Pangulo (Vice President) ng Multi-Faith Organization; Mary Ann Juarez, na nahalal bilang Auditor ng Multi-Faith Organization; Jay Ayop, na nahalal bilang Pambansang Auditor (National Auditor) ng Campus Student Organizations; at Ramerez, na nahalal bilang Kalihim (Secretary) ng United Sevilliahanons Brotherhood of Brotherhood Citizenry (USBBC) Town Organization.

Ang inyong pagkakahalal ay patunay ng tiwala at kumpiyansang ipinagkaloob sa inyong kakayahan, dedikasyon, at pamumuno. Higit pa sa isang tagumpay, ito ay isang panibagong pagkakataon upang maglingkod nang may integridad, pananagutan, at malasakit sa kapwa.

Buong pagmamalaking ipinapaabot ng pamilya ng BSEd Filipino 2 ang aming taos-pusong pagbati at suporta sa inyong apat. Ang inyong mga tagumpay ay tagumpay rin ng aming klase. Nawa'y patuloy kayong maging huwaran ng mahusay na pamumuno at magsilbing inspirasyon sa kapwa mag-aaral.

Muli, binabati namin kayo sa inyong karapat-dapat na tagumpay. Nawa'y pagpalain at gabayan kayo ng Diyos sa inyong panunungkulan.

Ang BSEd Filipino 2 ay lubos na ipinagmamalaki kayo! 💙✨

𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒚 𝒃𝒐𝒔𝒆𝒔 𝒂𝒚 𝒉𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒖𝒏𝒂, 𝒏𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒏𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒍𝒊𝒅𝒆𝒓 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒑𝒖𝒔𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒓𝒖𝒏𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒏𝒊𝒈, 𝒎𝒂𝒈𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅, 𝒂𝒕 𝒎𝒂...
18/07/2026

𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒚 𝒃𝒐𝒔𝒆𝒔 𝒂𝒚 𝒉𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒏𝒈𝒖𝒏𝒂, 𝒏𝒈𝒖𝒏𝒊𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒕𝒖𝒏𝒂𝒚 𝒏𝒂 𝒍𝒊𝒅𝒆𝒓 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒑𝒖𝒔𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒓𝒖𝒏𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒌𝒊𝒏𝒊𝒈, 𝒎𝒂𝒈𝒍𝒊𝒏𝒈𝒌𝒐𝒅, 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒈𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚-𝒊𝒏𝒔𝒑𝒊𝒓𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏.

Sa bawat boto ay may kaakibat na tiwala, at sa bawat tiwala ay may pananagutang dapat tuparin. Bilang bagong halal na mga opisyal, dala namin ang pangakong maging katuwang ng bawat kasapi sa pagbuo ng isang mas aktibo, mas nagkakaisa, at mas makabuluhang SaMaFil.

𝐈𝐩𝐢𝐧𝐚𝐤𝐢𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐥𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐌𝐠𝐚 𝐎𝐩𝐢𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐌𝐚𝐅𝐢𝐥.

Nawa'y maging simula ito ng isang pamumunong bukas sa bawat mungkahi, tapat sa tungkulin, at nakatuon sa kapakanan ng buong samahan.

Mabuhay ang SaMaFil. Tapat na paglilingkod, buong pusong pamumuno. 🇵🇭

✍️: Jenilyn Jamisola
🖼️: Kathlene Lagare



Tinig, Iisang Layunin

𝕄𝕒𝕝𝕒𝕡𝕚𝕥 𝕟𝕒 𝕒𝕟𝕘 𝔹𝕦𝕨𝕒𝕟 𝕟𝕘 𝕎𝕚𝕜𝕒 2026!Sa nalalapit na pagpasok ng buwan ng Agosto, muli nating gugunitain ang kahalagahan ng...
17/07/2026

𝕄𝕒𝕝𝕒𝕡𝕚𝕥 𝕟𝕒 𝕒𝕟𝕘 𝔹𝕦𝕨𝕒𝕟 𝕟𝕘 𝕎𝕚𝕜𝕒 2026!

Sa nalalapit na pagpasok ng buwan ng Agosto, muli nating gugunitain ang kahalagahan ng Wikang Filipino bilang puso ng ating pagkakakilanlan, kultura, at kasaysayan. Ang ating wika ay hindi lamang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, kundi isa ring tulay na nag-uugnay sa bawat Pilipino saan mang panig ng mundo.
Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” ipinapakita natin na maaaring magsabay ang makabagong teknolohiya at ang pagpapayabong ng ating sariling wika. Sa wastong paggamit ng AI, mas mapapalawak ang ating kaalaman at mas mapapalakas ang pananaliksik nang hindi isinasantabi ang pagpapahalaga sa Wikang Filipino.
Nawa'y magsilbing paalala ang pagdiriwang na ito na ang ating wika ay isang pamana na dapat gamitin, pagyamanin, at ipagmalaki sa bawat henerasyon. Sama-sama nating ipagdiwang ang diwa ng pagiging Pilipino sa pamamagitan ng patuloy na pagmamahal at pagpapahalaga sa ating pambansang wika.
Ang wikang Filipino ay ating pagkakakilanlan—ingatan, gamitin, at ipagmalaki. 🇵🇭✨

📣 PANGKALAHATANG PAGPUPULONG | SamaFilIsang matagumpay na pangkalahatang pagpupulong ang dinaluhan ng lahat ng mag-aaral...
14/07/2026

📣 PANGKALAHATANG PAGPUPULONG | SamaFil
Isang matagumpay na pangkalahatang pagpupulong ang dinaluhan ng lahat ng mag-aaral ng BSEd Filipino mula Unang Taon hanggang Ikaapat na Taon, kasama ang aming SamaFil Adviser Ma'am Evelyn at si Ma'am Quiza.
Sa pagpupulong na ito, masaya nating tinanggap at winelcome ang ating mga First Year students bilang bagong bahagi ng pamilyang SamaFil. Tinalakay rin ang mga nakatakdang proyekto at mga plano ng organisasyon para sa taong panuruan. Bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at tapat na paglilingkod, iginawad din ang mga sertipiko sa ating mga Outgoing Officers bilang pasasalamat sa kanilang mahalagang ambag sa organisasyon.
Patuloy tayong magkaisa sa iisang tinig at iisang layunin para sa mas matatag at masiglang SamaFil. 💙💛

Sa bawat pahina ng ating kasaysayan ay nakaukit ang mga pangalan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan at k...
11/07/2026

Sa bawat pahina ng ating kasaysayan ay nakaukit ang mga pangalan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan at kinabukasan ng sambayanang Pilipino. Ang kanilang tapang, talino, at pagmamahal sa bayan ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat Pilipino na mahalin at paglingkuran ang ating bansa.

Bawat kulay ay may kuwento, at bawat kultura ay may pusong nagbubuklod sa ating lahat. Sa kabila ng ating pagkakaiba sa ...
11/07/2026

Bawat kulay ay may kuwento, at bawat kultura ay may pusong nagbubuklod sa ating lahat. Sa kabila ng ating pagkakaiba sa wika, tradisyon, kasuotan, at pinagmulan, iisa ang ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Ang Kulay at Kultura ay pagpupugay sa mayamang pamana ng ating bansa—isang paalala na ang tunay na kagandahan ng Pilipinas ay makikita sa pagkakaisa, paggalang sa pagkakaiba, at pagmamalaki sa ating sariling kultura.
"Magkakaiba man ang kulay, iisa ang puso—Pilipino. 🇵🇭💛

Kilalanin ang mga Opisyal ng Klase ng BSEd Filipino 2 ✨Taóng Panuruan 2026–2027Kilalanin ang mga mag-aaral na buong puso...
03/07/2026

Kilalanin ang mga Opisyal ng Klase ng BSEd Filipino 2 ✨
Taóng Panuruan 2026–2027
Kilalanin ang mga mag-aaral na buong pusong tumanggap sa pananagutang mamuno at maglingkod sa ating klase nang may integridad, dedikasyon, at diwa ng pagtutulungan. Nawa'y maging makabuluhan ang ating taon sa pamamagitan ng pagkakaisa, kooperasyon, at sama-samang pagkamit ng ating mga mithiin.
Binabati namin ang ating mga bagong halal na Opisyal ng Klase! 🎉
Mamuno nang may puso. Maglingkod nang may dangal. 💙💛

20/06/2026

𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐅𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫'𝐬 𝐃𝐚𝐲! 💙
Hindi man lahat ay lumaki kasama ang kanilang ama, pero may mga taong piniling punan ang papel na iyon sa pamamagitan ng pagmamahal, pag-aaruga, at gabay.
Sa lahat ng tatay at father figures na nanatili, nagsakripisyo, at walang sawang sumuporta—maraming salamat. You are appreciated more than words can express. 🫶✨

Sana maging malaya kana💔
12/06/2026

Sana maging malaya kana💔

✨ 𝟏𝟐8ᵗʰ 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐀𝐍 ✨Ngayong ika-128 taon ng ating kalayaan, ating alalahanin ang katapangan, sakripisyo, at pagmam...
12/06/2026

✨ 𝟏𝟐8ᵗʰ 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐀𝐍 ✨
Ngayong ika-128 taon ng ating kalayaan, ating alalahanin ang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa ating kinabukasan. Nawa’y patuloy nating pahalagahan ang kalayaang kanilang ipinaglaban sa pamamagitan ng pagkakaisa, paggalang sa kasaysayan, at pagmamalasakit sa kapwa.
Ang tunay na kalayaan ay hindi lamang paggunita sa nakaraan kundi pagtupad din sa ating tungkulin bilang mamamayan para sa mas maunlad at mas matatag na Pilipinas.
✨ Kalayaan. Kasaysayan. Kinabukasan.
🇵🇭 Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino! 🇵🇭

Address

Zamora, Bilar
Bilar
6317

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BSEd Filipino : Wika, Diwa, at Panitikan: Sining ng Pagtuturo - BISU BILAR posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share