Deped Tayo Tubigan Elementary School - Biñan City

Deped Tayo Tubigan Elementary School - Biñan City

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Deped Tayo Tubigan Elementary School - Biñan City, School, Binãn.

07/05/2026

Warmest Welcome to Tubigan Elementary School

The Tubigan Elementary School community warmly welcomes Ma’am Marietta B. Mañeja, Head Teacher I / Officer in Charge. We look forward to your leadership and guidance as we continue our commitment to excellence in education.

Kagalingan! Kahusayan! Dumadaloy sa Tubigan.

05/05/2026

Warmest Welcome to Tubigan Elementary School

The Tubigan Elementary School community warmly welcomes Sir Sonny L. Atanacio, Public Schools District Supervisor, to our school.

With great respect and enthusiasm, the teachers, learners, parents, and valued stakeholders of Tubigan Elementary School extend our sincere greetings. We look forward to your leadership and guidance as we continue our shared commitment to quality and excellence in education.

Kagalingan! Kahusayan! Dumadaloy sa Tubigan.

04/05/2026

With heartfelt thanks, we honor Ma’am Rowena K. Ramos, PhD, for her exemplary leadership, unwavering support, and compassionate guidance. Your service has made a lasting impact on Tubigan Elementary School and District V.

As you embark on the next chapter of your journey, may it be marked by continued success as you lead the communities entrusted to you with compassion.

Kagalingan! Kahusayan! Dumadaloy sa Tubigan.

04/05/2026

Thank you so much, Ma’am Roann T. Padua, for your dedicated leadership and guidance that have truly shaped Tubigan Elementary School.

We wish you continued success and fulfillment as you begin a new chapter. You will always be held with gratitude and respect.

Kagalingan! Kahusayan! Dumadaloy sa Tubigan.

08/04/2026

𝗕𝗜Ñ𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧𝗦 𝗖𝗔𝗠𝗣 𝟮𝟬𝟮𝟲
April 20-24, 2026

Handa ka na bang paunlarin ang iyong galing at dalhin sa susunod na antas ang iyong husay sa napiling isport? Ito na ang sandaling hinihintay mo para mas umangat at mas makilala ang iyong kakayahan!

Ang Youth and Sports Development Office (YASDO) ay muling magbibigay ng libreng sports training sa 24 barangay ng Biñan sa mga batang may edad 14 taong gulang pababa na mahahati sa limang(5) cluster. Makakasama natin ang mga bihasang coaches na magtuturo ng tamang teknik, estratehiya, at disiplina upang mas lalo kang maging mahusay at handa sa kompetisyon.

Maaring mong palawakin ang iyong kaalaman sa Athletics, basketball, volleyball, chess, table tennis, karatedo, o taekwondo! Anuman ang iyong pinili, may lugar ka rito para sumubok, matuto, at magningning sa mundo ng palakasan!

Narito ang schedule at cluster ng bawat barangay:
Cluster 1 - April 20
- Loma, Malamig, Biñan, Timbao, at Langkiwa
Cluster 2 - April 21
- Bungahan, Sto Tomas, Zapote, Ganado, at Mamplasan
Cluster 3 - April 22
- Malaban, Casile, San Antonio, at Platero
Cluster 4 - April 23
- Dela Paz, San Jose, Poblacion, Sto Domingo, at Canlalay
Cluster 5 - April 24
- Tubigan, Soro-Soro, San Vicente, San Francisco, at Sto Niño

Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito! I-scan ang QR code o i-click ang link para makapagrehistro at mapasama sa inaabangang Summer Sports Camp 2026—isang programang magbibigay-lakas sa talento at potensyal ng kabataang Biñanense.

https://forms.gle/NtjvyXTiNBEBckUeA
https://forms.gle/NtjvyXTiNBEBckUeA
https://forms.gle/NtjvyXTiNBEBckUeA

Halika na! Sabay-sabay nating hubugin ang galing, tiyaga, at disiplina sa larangan ng sports!










Photos from Deped Tayo Tubigan Elementary School - Biñan City's post 26/03/2026

Congratulations on the approval of your research proposal! Wishing you great success as you embark on this exciting project. Your approved proposal is a testament to your expertise and commitment. Looking forward to seeing your innovative ideas come to life.

Photos from Deped Tayo Tubigan Elementary School - Biñan City's post 24/03/2026

Congratulations! 🎉🎉🎉

Binabati namin si Gng. Regine Y. Bernal at G. Ronnierex G. Esmeria sa matagumpay na pagkakaapruba ng kanilang reclassification sa ilalim ng DepEd Expanded Career Progression (ECP).

Ang inyong sipag, dedikasyon, at pagmamahal sa pagtuturo ay tunay na inspirasyon sa lahat.

Nawa'y magbukas ang bagong tagumpay na ito ng mas marami pang pagkakataon upang patuloy ninyong mahubog ang isipan ng mga kabataan at makapagbigay ng positibong pagbabago sa komunidad.

Ipinagmamalaki namin kayo!

ROANN T. PADUA
Punongg**o I

ROWENA K. RAMOS, EdD.
Pandistritong Superbisor ng Publikong Paaralan
District V

Photos from Deped Tayo Tubigan Elementary School - Biñan City's post 17/03/2026

🔥 PAGDIRIWANG NG FIRE PREVENTION MONTH 2026
“Sa Pag‑iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag‑iisa”
📅Marso 17, 2026
📍Barangay Tubigan Covered Court
Bilang bahagi ng kanilang pangako sa kaligtasan at kahandaan, ang Tubigan Elementary School ang nanguna sa pag-organisa ng isang makabuluhang programa para sa Fire Prevention Month 2026. Sa layuning maipaabot sa mga mag-aaral ang tamang kaalaman ukol sa pag-iwas sa sunog, ang paaralan ay humingi ng tulong at pakikipagtulungan sa Sangguniang Barangay Tubigan, Biñan City, Laguna upang magsagawa ng pormal na talakayan at praktikal na demonstrasyon.
Pinangunahan ng pamunuan ng paaralan ang programa sa pangunguna nina:
Roann T. Padua, School Principal / SDRRM Chief
James Earl Santelices, SDRRM Coordinator
Ronnierex G. Esmeria, Alternate SDRRM Coordinator

Lubos namang tinugunan ng barangay sa pamumuno ni Barangay Chairman Ernesto “Nestie” D. Facundo ang kahilingan ng paaralan sa pamamagitan ng pagdalo ni:
Barangay Kagawad Elmer L. Junio, mula sa Barangay Disaster Risk Reduction Management Committee (BDRRMC)

Aktibong lumahok ang mga mag-aaral ng Tubigan Elementary School sa bawat gawain at pagsasanay.

🧯 MGA PAKSANG TINALAKAY
1. Ang Fire Triangle (Fuel, Heat, Oxygen)
Ipinaliwanag sa mga bata ang tatlong pangunahing elementong nagdudulot ng apoy at kung paano maiiwasan ang sunog sa pamamagitan ng pagkontrol o pag-alis sa alinman sa mga ito.
2. PASS Method sa Paggamit ng Fire Extinguisher
Itinuro at ipinaliwanag ang wastong proseso ng paggamit ng fire extinguisher:

P – Pull (Hilahin ang pin)
A – Aim (Itutok sa base ng apoy)
S – Squeeze (Pisilín ang handle)
S – Sweep (I-sweep nang pakaliwa‑pakanan)

🔥 DEMONSTRATION NG PAG‑APULA NG APOY
Isa sa mga pangunahing bahagi ng programa ang aktwal na demonstration ng tamang pag-apula ng apoy na pinangunahan ni Barangay Kagawad Elmer L. Junio. Ipinakita niya ang tamang paggamit ng fire extinguisher gamit ang PASS Method, na nagbigay ng malinaw at praktikal na kaalaman sa mga mag-aaral tungkol sa tamang pagresponde sa sitwasyon ng sunog.

🤝 PAGTUTULUNGAN PARA SA LIGTAS NA KOMUNIDAD
Ang matagumpay na programang ito ay patunay ng matibay na ugnayan ng Tubigan Elementary School at Barangay Tubigan sa pagpapaigting ng kaalaman at kahandaan ng kabataan. Tunay na naipamalas dito ang diwa ng tema ngayong taon: “Sa Pag‑iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag‑iisa.”













07/03/2026

Malugod na pagbati sa Gurong Manunulat ng Tubigan Elementary School, na isa sa mga kumakatawan sa SDO Biñan City, sa inyong mga natamong tagumpay sa 2025 National Gawad Teodora Alonso Awards.

Isang taus-pusong pagbati kay Teacher Angelo R. Liloc sa kanyang natatanging pagkilala sa Category 1.1 – Chapter Books (Grade 7–8) kung saan niya nasungkit ang Ika 4 na Gantimpala para sa kanyang akdang “Key to Correction.”

Ang pagkilalang ito ay tunay na patunay ng kanyang malikhaing husay, dedikasyon sa panitikan, at malasakit sa edukasyon.
Noong ika 4 ng Pebrero 2025, dumalo sa Gawad Teodora Alonso 2025 Recognition Rites and Reading Exhibit na ginanap sa Bohol Tropics Resort, Tagbilaran City ang Gurong Manunulat na si G. Angelo R. Liloc, kasama ang kanyang lubos na sumusuporta at mapagtaguyod na punungg**o na si Gng. Roann T. Padua, bilang kinatawan ng paaralan at ng buong dibisyon.

Ang akdang “Key to Correction”, isang chapter book para sa young adults, ay patunay ng patuloy na pagtataguyod sa kulturang mapanlikha, makahulugan, at nagbibigay-inspirasyon sa kabataang Pilipino. Sa kanyang dedikasyon bilang g**o at manunulat, si Sir Angelo ay nagsisilbing huwaran ng propesyonalismo, malasakit, at pagmamahal sa pagtuturo—isang inspirasyon para sa mga mag-aaral, kasamahang g**o, at buong komunidad.

Mabuhay ka, Sir Gelo!
Ipinagmamalaki ka ng Tubigan Elementary School, ng SDO Biñan City, at ng buong DepEd Region IV-A CALABARZON.

Bilang pagkilala, ipinaaabot ng Tubigan Elementary School ang taos pusong pasasalamat sa walang sawang suporta at patnubay ng SDO Biñan City sa pamumuno nina Schools Division Superintendent Dr. Arlene S. Ricasata, CESO VI, Assistant Schools Division Superintendent Christian Mespher A. Hernandez, CESE, Administrative Officer V Ariel M. Cabantog, Curriculum and Implementation Division Chief Dr. Mary Ann L. Tatlongmaria, ang Learning Resource Management Section na pinangungunahan ni Division Education Program Supervisor Evelyn P. De Castro, kasama sina PDO II Marilyn E. Macababbad at Librarian II Gretchen R. Ragual.

Ipinapaabot din ang pasasalamat sa aming Public Schools District Supervisor Rowena K. Ramos, PhD, at sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Biñan sa pangunguna nina City Mayor Angelo B. Alonte, Congressman Walfredo R. Dimaguila Jr., Vice Mayor Jonalina R. Reyes, at City Education Officer Dr. Edmil L. Recibe, na patuloy na sumusuporta sa mga programang pang-edukasyon ng lungsod.

Sama-sama nating ipagdiwang ang husay, imahinasyon, at malikhaing ambag ng mga g**ong Pilipino sa Kuwento ng Bayan Ko sa Gawad Teodora Alonso 2025!









Photos from Deped Tayo Tubigan Elementary School - Biñan City's post 07/02/2026

ABISO SA LAHAT NG MAGULANG AT MAG-AARAL

Bukas na muli ang paaralan para sa pagpapatala ng mga mag-aaral na papasok sa Kinder, Grade 1, SNED, at Balik-Aral.

📅 Oras ng pagpapatala:
🕘 9:00 AM – 3:00 PM

Inaanyayahan ang lahat ng mga magulang na samantalahin ang pagkakataong ito at magpatala na ang inyong mga anak.

Edukasyon ay puhunan para sa kinabukasan!

Want your school to be the top-listed School/college in Binãn?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


Biñan
4024