20/03/2025
Tatlong Mag-aaral ng BSES, kakatok sa Regional Schools Press Conference sa Cauayan City, Isabela.
BAYOMBONG, NUEVA VIZCAYA- Makikipagsabayan sa 2025 Schools Press Conference(RSPC) sa Cauayan City mula Abril 6-9 ang tatlong mag-aaral ng Bayombong South Elementary School matapos manalo sa Division Schools Press Conference noong Nobyembre 2024. Sila ay pinangunahan ng mga tagapagsanay na sina Gng. Ana Liza D. Sebastian, Gng. Ma Theresa V. Cabalteja at G. Melchor B. Cutaranpang hasain ang kanilang kakayahan sa larangan ng campus journalism.
Nakamit ng tatlong mag-aaral ang karapatang kumatawan sa Division of Nueva Vizcaya sa RSPC matapos silang magkamit ng mataas na posisyon sa kani kanilang kategorya; Editorial writing, Editorial cartooning at pagkuha ng Larawan. Ayon sa mga g**o, ang tagumpay sa division competition ay bunga ng mahigit isang buwan na masinsinang pagsasanay, kabilang ang mga workshop sa pagsulat, pagkuha ng larawan at pagguhit.
Binigyang -diin ni Gng. Ana Liza D. Sebastian School Paper Adviser ng Hamog sa Timog ng BSES, na ang dedikasyon ng mga mag-aaral ang susi sa kanilang pag-angat;" Kahit may academic requirements sila, hindi nila pinababayaan ang pagsasanay, ginamit namin ang mga feedback mula sa division level para lalo pa silang mapahusay."Samantala, idinagdag ni G. Melchor B. Cutaran, tagasanay sa editiorial cartooning, na hindi lamang teknikal na kasanayan ang kanilang itinuro kundi ang pagiging malikhain at etikal na pamamahayag.
para nman kay Gng. Ma Theresa V. Cabalteja. tagapayo sa Editorial Writing, ang RSPC ay oportunidad upang ipakita ng mga bata ang husay ng mga mag-aaral mula sa probinsiya: "Napatunayan na nila sa division level na kaya nilang makipagkumpitensiya. Ngayon, ipapamalas natin sa rehiyon na ang BSES ay may dekalidad na programa sa journalism."
Bukod sa mga g**o, naging aktibo rin ang suporta ng punong- g**o ng BSES, mga magulang, at lokal na pamahalaan. Ang mga magulang ay nagbigay ng motibasyon sa kanilang mga anak. " sobrang proud kami sa kanial. Alam naming magigng inspirasyon sila sa ibang kabataan," pahayag ni Gng. Lorna L. Oligo, ina ng isang kalahok.
Sa darating na RSPC, magsasagawa ng mga kompetisyon sa iba't ibang kategorya ang mga kalahok mula sa buong rehiyon. Ang mga nanalo rito ay kukuha ng puwesto sa National Schools press Conference(NSPC). Para sa BSES, ang paglahok ng tatlong mag-aaral ay hidi lamang tungkol sa pagwawagi kundi sa pagpapakita na ang mga Novo Vizcayano ay may kakayahang makoipagsabayan sa anumang larangan.
"Handa na Kaming lumban para sa Bayombong!". masigabong sabi ng isang mag-aaral. Abangan ang kanilang kwento ng katatagan at tagumpay sa Abril!