08/08/2026
PAANYAYA | THE 5TH ICPRI IS RETURNING!
Conference Dates: December 2β4, 2026
Venue: Nueva Vizcaya State University, Bayombong, Nueva Vizcaya
PASUC Endorsement and CPD Units: Ongoing
Presentersβ Registration and Abstract Submission:
https://forms.office.com/r/U0n1p8s5KX
Plain Participantsβ Registration:
https://forms.office.com/r/8vztN8JRjh
Inquiry Form:
https://forms.office.com/r/PjktWEF3aD
See the official poster for more details.
07/08/2026
PINAKABAGONG BALITA | Naiuwi ni Richelle Anne Asuncion, kinatawan ng Nueva Vizcaya State University (NVSU), ang korona sa ginanap na Binibining Bayombong 2026. Ito ay isang malaking karangalan para sa buong pamayanan ng NVSU.
-Larawan mula sa Bayombong Tourism
07/08/2026
Ipagmalaki ang ganda, talino, at husay ng Nueva Vizcaya State University!
Kilalanin ang ating kinatawan sa Binibining Bayombong 2026 kasama ang iba pang kandidata na mula sa ating unibersidad, na buong pusong magdadala ng karangalan at inspirasyon sa entablado.
Sama-sama natin silang suportahan habang ipinapakita nila ang tunay na diwa ng isang NVSUan.
07/08/2026
Buong pusong nakikiisa ang Nueva Vizcaya State University (NVSU) sa Lokal na Pamahalaan ng Bayombong at sa mga mamamayan nito sa pagdiriwang ng Ika-7 Bayongyong Festival, bilang pagpupugay sa mayamang pamana, kultura, tradisyon, at natatanging pagkakakilanlan ng bayan ng Bayombong.
Para sa iba pang balita at mga bagong impormasyon, bisitahin ang: www.nvsu.edu.ph
Para naman sa mga kaganapan at anunsyo mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad, i-follow ang opisyal na page ni NVSU President Wilfredo A. Dumale, Jr.
06/08/2026
ADVISORY | Alinsunod sa Proclamation No. 1371 na ipinahayag ng MalacaΓ±ang, ang Agosto 07, 2026 (Biyernes) ay idinideklarang special (non-working) day sa Bayan ng Bayombong para sa pagdiriwang ng Bayongyong Festival.
Dahil dito, walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan at suspindido ang trabaho sa mga pampubliko at pribadong opisina kabilang ang NVSU-BAYOMBONG CAMPUS.
Para sa iba pang balita at mga bagong impormasyon, bisitahin ang: www.nvsu.edu.ph
Para sa mga kaganapan mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad, i-follow: NVSU President Wilfredo A. Dumale, Jr.
05/08/2026
TINGNAN | Opisyal na Anunsiyo mula sa Pangulo ng Unibersidad
Walang Pasok! Mag-ingat ang lahat.
05/08/2026
WALANG PASOK SA MGA TANGGAPAN NG GOBYERNO AT KLASE SA LAHAT NG ANTAS SA AGOSTO 6
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 122, suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa ilang probinsya kabilang ang Nueva Vizcaya.
Ang mga ahensyang ang tungkulin ay ang paghahatid ng basic at health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad, at/o iba pang mahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon.
04/08/2026
NAGAGANAP NGAYON | Pinangungunahan ni University President Dr. Wilfredo A. Dumale Jr. ang Ika-75 Regular na Pulong ng University Administrative Council, kung saan tinatalakay ang mahahalagang usaping akademiko at administratibo upang higit pang mapatatag ang pamamahala at operasyon ng unibersidad. Isinasagawa ang pulong sa University Mini Theater, Bayombong Campus.
Para sa balita at mga anunsyo, bumisita sa: www.nvsu.edu.ph
Para sa mga update mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad, i-follow: NVSU President Wilfredo A. Dumale, Jr.
03/08/2026
SA MGA LARAWAN | Pinangunahan ni Dr. Wilfredo A. Dumale Jr., Pangulo ng Unibersidad ang ika-60 Regular na Pagpupulong ng University Academic Council na ginanap sa Mini Theater ng Nueva Vizcaya State University (NVSU), Bayombong ngayong araw.
Para sa balita at mga anunsyo, bumisita sa: www.nvsu.edu.ph
Para sa mga update mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad, i-follow: NVSU President Wilfredo A. Dumale, Jr.
03/08/2026
BAKANTENG POSISYON | TUMATANGGAP NG MGA APLIKASYON
Makibahagi sa lumalawak na hanay ng mga kawani ng NVSU at maging bahagi ng aming paglalakbay tungo sa kahusayan sa edukasyon, inobasyon, at napapanatiling pag-unlad.
Para sa kumpletong listahan ng mga bakanteng posisyon at mga kinakailangang dokumento, bisitahin ang:
π https://www.nvsu.edu.ph/about/job-jo-cos
Huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon: Agosto 14, 2026, hanggang 5:00 PM
π ππππππππ‘π π£ππππππ
Ang lahat ng aplikante ay pinapayuhang dumaan muna sa Human Resource Management Unit (HRMU) para sa pagsusuri at beripikasyon ng kanilang mga kinakailangang dokumento bago isumite ang mga ito sa Records Unit.
Ang dalawang kampus, Bayombong at Bambang, ay may kani-kaniyang HRMU at Records Unit. Matapos ma-verify ang mga dokumento, kinakailangang isumite ng aplikante ang nakalimbag na kopya ng kanilang kumpleto at maayos na aplikasyon sa Records Unit na matatagpuan sa Administration Building ng kani-kanilang kampus.
Paalala: Ang mga aplikasyon na may kulang na dokumento ay hindi tatanggapin o ipoproseso.
Para sa balita at mga anunsyo, bumisita sa: www.nvsu.edu.ph
Para sa mga update mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Unibersidad, i-follow: NVSU President Wilfredo A. Dumale, Jr.