10/07/2026
Seminar? ✅! Team Building? ✅! Offical na ba? CHECK NA CHECK! ✅
Sa loob lamang ng dalawang araw (Hulyo 10-11, 2026) sa PLT College Inc. High School Department ay hindi lamang seminar at team building ang naganap. Kundi, nabuo ang pagkakaibigan. Napatatag ang paninindigan at nahubog ang mga lider ng bukas. Nagsama-sama ang ating mga estudyante para sa mga talakayan, pagsasanay, at team building activities na naglalayong hubugin ang kanilang kaalaman, kasanayan, at puso para sa paglilingkod.
Sa pamamagitan ng Programang " Youth Volunteer Formation Course " ay natutunan ng ating mga estudyante ang tunay na diwa ng pagboboluntaryo, ang maglingkod nang walang hinihintay na kapalit. Hindi lang basta naka upo at nakinig. Naranasan nila ang pagpawisan sa team building at sumubok sa bawat challenges o paghihirap na kanilang dinanas May tawanan. May iyakan. Pero higit sa lahat, natuto pa rin ang bawat isa na alamin at kung paano pahalagahan ang VALUEs ng bawat tao sa mundo, ang Boundaries, Respeto, Tiwala, Pagkakaisa at siyempre, ang Pagtutulungan.
Taos puso po kaming nagpapasalamat sa mga facilitators, staff, volunteers at sa lahat ng naging bahagi ng 2-Day Youth Volunteer Formation Course at Team Building ng Philippine Red Cross. Na walang sawang sumuporta't handang mag turo sa kabataan.
Sa ating mga bagong Red Cross Youth, ito ang simula. Maglingkod tayo nang may puso. ❤️
Muli, matagumpay na natapos ang programa, at ngayon ay dala na nila ang pangalang hindi lang basta pangalan o titulo na ating naririnig. Kundi, Ito ay pangako. Na kung saan man, kailan man, handang tumulong.
Always Remember!
Always First, Always Ready, Always There
✍️Andrea Mendoza, SSLG JHS Peace Officer