12/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐๐ฎ๐ -๐๐๐ฆ๐๐ข๐ฌ๐จ๐ , ๐ง๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฒ๐๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ค๐๐ฌ
Napuno ng sigla at pagkakaisa ang Mailhi National High School sa opisyal na pagbubukas ng MAILHIUSA 2026: Daug-Lambisog, na ginanap sa Brgy. Higuloan Gymnasium noong Setyembre 7, 2026, ganap na alas-8:00 ng umaga.
Nagkaisa ang mga g**o, mag-aaral, school staff, at mga opisyal ng barangay upang saksihan ang pagsisimula ng taunang paligsahan na naglalayong paigtingin ang sportsmanship, disiplina, at pagkakaisa ng buong paaralan. Sinimulan ito sa pamamagitan ng parada, kung saan buong siglang ipinakita ng bawat faction ang kanilang kulay, enerhiya, at determinasyon.
Sa pambungad na programa tampok ang pagpapakilala ng bawat pangkat, pambungad na mensahe ng punong-g**o na si Gng. Patricia P. Santiago, tagisan ng mga muse at es**rt, pagtaas ng Banner, pag-ilaw sa simbolikong sulo, panunumpa ng mga atleta at mga opisyal na tagapamagitan ng laro, at ang opisyal na deklarasyon ng pagbubukas ng MAILHIUSA 2026: Daug-Lambisog.
Higit pa sa medalya at tropeo, ang MAILHIUSA ay nagsisilbing pagkakataon upang malinang ng mga mag-aaral ang pakikiisa, disiplina, respeto, responsibilidad, at sportsmanship. Sa bawat laro, naipakikita hindi lamang ang husay at talento kundi pati ang kakayahang makipagtulungan at tanggapin ang panalo at pagkatalo nang may dangal.
Sa MAILHIUSA 2026: Daug-Lambisog, hindi lamang puntos ang ipinaglaban; puso, lakas, pagkakaisa, at diwang palaban ng bawat Mailhinian ang tunay na namamayani.
Isinulat ni: Jessa Camandona