30/03/2026
Sa bawat hakbang na ating tinahak nung simula pa lang, hindi naging madali ang paglalakbay --- ngunit pinili nating magpatuloy.
Tulad ng mensahe sa “The Road Not Taken,” may mga landas tayong tinahak na hindi sigurado, may mga desisyong kinailangan nating gawin nang may tapang, at may mga pagkakataong tayo’y napagod ngunit hindi sumuko.
Pinili natin ang landas na may hamon, at doon natin natagpuan ang ating paglago.
Sa bawat alaala --- tawa, luha, tagumpay, at pagkabigo, nabuo ang ating kwento. Isang kwentong hindi lamang tungkol sa pagtatapos, kundi sa kung paano tayo naging mas matatag, mas matalino, at mas handa sa susunod pang yugto ng ating buhay.
Maraming salamat sa bawat g**o na naging ilaw sa aming landas, sa bawat kaklase na naging kasama namin sa laban, at sa bawat karanasang humubog sa amin.
At ngayon, sa pagtatapos ng kabanatang ito, dala natin ang aral at alaala na magsisilbing gabay sa mga susunod pang landas na tatahakin.
Maraming salamat… at hanggang sa muli.