Project Karunungan

Project Karunungan

Share

Sulat ni Ren Borce

Ang Project Karunungan ay binubuo ng Sangguniang Kabataan ng Dila at iba pang mga kabataan kung saan ang pangunahing layunin nito ay tulungan ang mga batang nais pa rin makapag-aral sa kabila ng pandemyang kinahaharap natin ngayon.

Photos from PIA Laguna's post 28/11/2022
Photos from The Sangguniang Kabataan of Dila's post 27/11/2022

Maraming salamat sa mga tumulong at nakiisa! 💡📚

Photos from The Sangguniang Kabataan of Dila's post 27/11/2022

Sa pagpapatuloy ng Project Karunungan, nailunsad natin ang Aklatang Tambayan sa Sitio Oliva, kasama ang The Book Nook Los Baños Laguna upang magkwentuhan kasama ang komunidad ng Sitio. Kasama ang mga volunteers mula sa Artist Inc. at youth volunteers mula sa Bae at Los Baños nakapagsagawa tayo ng talakayan at experiencial learning ukol sa kahalagan ng pagbabasa at paghawak ng libro.

Nakasama rin natin si Binibining Leren Mae Bautista na nakapagbigay ng mga aral tungkol kahalagahan ng pagbabasa.

Ang Aklatang Tambayan ay isang research and development activity ng Project Karunungan at Book Nook Los Baños, layuning nitong ipayakap sa komunidad ang pagbabasa at kahalagahan ng aklatan bilang bukal ng kaalaman at pakikipagkapwa.

Bukas ang Project Karunungan at Book Nook Los Baños para sa mga nais mag volunteer sa proyekto. Mag message lamang sa page ng Project Karunungan at The Book Nook Los Baños.

Pasasalamat sa mga taong nasa likod upang maisakatuparan ang aktibidad na ito:
Bay Central Elementary School Teachers
Mayor Jose O. Padrid
Office of Barangay Dila

Maraming salamat sa pakiki-isa sa ating bayanihan, kabataan.

Magpapatuloy ang proyektong ito kasama ang ating komunidad, para sa komunidad!

13/08/2021

Pagpupugay sa lahat ng Kabataang kaisa ng Project Karunungan!

Nagkamit tayo ng Outstanding SK Project Award ngayong taon sa National Search for Outstanding SK Project Award ng Positive Youth Development Network.

Salamat sa pagbabaynihan para sa ating komunidad, tagumpay ito ng isang data driven governance kasama mismo ang lakas ng kabataan!

Magpapatuloy ang proyekto para sa ligtas balik eskwela ngayong school year 2021-2022.

08/08/2021

Panawagan para sa mga donasyon!

Sa pagbubukas ng klase sa Setyembre patuloy na nangangailangan ang mga kabataang mag-aaral, mga g**o at paaralan para sa ibat-ibang klase ng tulong pang edukasyon.

Maaaring mag donate ng cash o in-kind tulad ng bond papers, ink, printers, notebooks, envelope, second hand gadgets, load cards, flash drives at iba pang maaring gamitin para sa distance learning set-up ng mga mag-aaral.

Para sa cash donation maaaring mag donate sa mga sumusunod na platforms:

Gcash:
09056560145
John Christian Curibot

Landbank:
1896444642
Justine Olaes

Paymaya:
09056560145
John Christian Curibot

Paypal:
paypal.me/jdolaes

Maaring i-contact si John sa 09056560145 o mag message lamang sa pahinang ito.

Photos 06/08/2021

Mula sa Project Karunungan team at Sangguniang Kabataan ng Dila, taos pusong pasasalamat sa lahat ng sumoporta sa Project Karunungan.

Kabilang ang Project Karunungan sa grand finalists ng National Search For Outstanding SK Project Award!

Ang tagumpay na ito hindi lamang tagumpay ng SK Dila, kundi tagumpay ng mga lider-kabataan at mag-aaral nagtaguyod ng proyektong ito.

Salamat sa inyong bayanihan sa panahon ng pandemya!

Photos 03/08/2021

Vote on the links below:

Education Category

Project Karunungan:
facebook.com/PYDNOfficial/photos/a.2505669586118288/4557632540921972/?type=3

Vote on the links below:

Education Category

Project Karunungan:
facebook.com/PYDNOfficial/photos/a.2505669586118288/4557632540921972/?type=3

SKwelahan:
tinyurl.com/SKwelahan-SanMateo

Photos 03/08/2021

Ipakita ang inyong suporta sa ating mga kabataan para sa Project Karunungan!

Magbigay lamang ng heart reaction sa mismong larawan upang makaboto.

Sama-sama natin patunayan ang ating pagbabayanihan sa buong Pilipinas!
Mabuhay ang kabataang Bayeños!

Project Karungungan aims to bridge the gap of non-face-to-face learning in the time of pandemic for its targeted stakeholders from public schools, both elementary, junior, and senior high school. Through community consultations, the project has created responses for evolving needs of public school students in Barangay Dila.

To vote, just react ‘heart’ only in the photo until August 4, Wednesday, 11:59PM.

Kabataan, let your voices be heard through your votes!

Photos from Project Karunungan's post 03/08/2021

Ipakita ang inyong suporta sa ating mga kabataan para sa Project Karunungan!

I-click o sundan lamang ang link na ito, facebook.com/PYDNOfficial/photos/pcb.4557660600919166/4557632540921972/
magbigay lamang ng heart reaction upang makaboto.

Sama-sama natin patunayan ang ating pagbabayanihan sa buong Pilipinas!
Mabuhay ang kabataang Bayeños!

03/08/2021

Mga kabataan, kailangan namin ang inyong supporta!

Ngayong araw gaganapin ang online project-expo ng Project Karunungan bilang National Finalist sa 2nd National Search For Outstanding SK Project ng bansa. Mag sisimula ito sa ganap na alas-12 ng tanghali ngayon.

Ipakita ang inyong suporta sa pagboto-online. Bisitahin ang page ng Positve Youth Development Network (PYDN) at hanapin ang larawan ng Project Karunungan, magbigay lamang ng heart reaction upang makaboto.

Sama-sama natin patunayan ang ating pagbabayanihan sa buong Pilipinas!

Mabuhay ang kabataang Bayeños!

LOOK • Our Sangguniang Kabataan from Barangay Dila, Bay, Laguna and Barangay San Mateo, Dasmariñas, Cavite made it to the National Finals of the 2nd National Search for Outstanding SK Project Awards!

Let us support our SKs by giving our heart reactions to their initiatives in each category listed below. Your heart reacts can go a long way! ❤️

To vote, just visit Positive Youth Development Network's page.

Congratulations to our SKs! You made us proud! ✨

02/08/2021

Tinatawagan ang lahat ng nais makiisa sa Project Karunungan 2021, ang Project Karunungan sa Nagbabagong Hamon ng Panahon.

Sa darating na pagbubukas ng klase ngayong Setyembre, sa gitna parin ng Covid19 pandemic magpapatuloy ang Project Karunungan (PK) upang tulungan ang mga mag-aaral sa ating komunidad.

Kaya’t kung nais mong maging volunteer sa kahit anong paraan, hinahanap ka ng Project Karunungan Team!

Ang PK team ay nag hahanap ng mga sumusunod:
-Campus journalist na maaaring maging content writer/ cartoonist / graphic artist / socialmedia coordinator atpb.
-On-ground volunteer tutors
-Incharge for partnership, sponsorship, logistics at marami pang iba!

Kung ikaw ay may iba pang talento maaaring ibahagi para sa proyekto at interesadong mag volunteer mag fill-out lamang sa google form na ito, bit.ly/PK2021VolunteerForm
maaari ring tumawag o magmessage sa (0905) 656 0145

Tandaang hindi kailangan lumabas ng bahay upang maging volunteer, maaring maging isang remote volunteer rin gamit ang internet.

Kaya ano pang iniintay mo, mag fillout ka na ng form para matulungan natin ang ating kapwa kabataan sa darating na pasukan!

Want your school to be the top-listed School/college in Bay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Bay

Category

Telephone

Website

Address


Bay

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm