Bay Municipal Sigma Council

Bay Municipal Sigma Council

Share

Community service , Events , Promotion etc.

Photos from Bay Municipal Sigma Council's post 18/05/2026

Isang matagumpay na courtesy call kay Vice Mayor Julian Rod Padrid upang personal na ipaabot ang aming pagbati sa kanyang bagong tungkulin bilang Vice Mayor ng Bayan ng Bay.

Kasabay nito ay naipresenta rin ng Bay Municipal Sigma Council ang mga nakaplanong aktibidad at proyekto para sa mga nalalabing buwan ng 2026 na nakatuon sa patuloy na paglilingkod at pakikiisa sa komunidad.

Maraming salamat po sa inyong mainit na pagtanggap at suporta. Nawa’y magpatuloy ang maayos na ugnayan para sa kapakanan ng mamamayan ng Bay.

Photos from Bay Municipal Sigma Council's post 18/05/2026

Isang pagpupugay at pagbati kay Mayor Michael Punzalan sa kanyang bagong tungkulin bilang Punong Bayan ng Bay.

Isinagawa ng Bay Municipal Sigma Council ang isang courtesy call upang personal na ipaabot ang aming suporta at maipresenta ang mga nakaplanong aktibidad at proyekto para sa mga nalalabing buwan ng 2026.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta sa konseho mula pa noon bago kayo pumasok sa politika. Ang inyong malasakit at pakikiisa ay malaking inspirasyon sa patuloy naming paglilingkod sa komunidad.

Maraming salamat po at mabuhay ang Bayan ng Bay!

06/05/2026

Hindi lahat ng bayani naka-cape—
minsan, ready lang mag-donate ng dugo! 💪❤️Ito na ang pagkakataon mo para maging TOTOO at ASTIG na BAYANI! 💪

Ang Tau Gamma Phi /Sigma
Triskelion Grand Fraternity/Sorority
Bay Municipal Sigma Council kasama ang EL Bae Community Cares & Calamba Medical Center
ay maghahandog ng:

💉 BLOODLETTING PROJECT 2026 💉
“Your Blood is Precious — Donate It, Don’t Waste It.”

📅 May 24, 2026
⏰ 8:00 AM – 1:00 PM
📍 Tanghalang Bayeño, Bay, Laguna
🩸 Isang tusok lang… buhay ang kapalit!
🩸 Hindi ka lang donor—ISA KANG TAGAPAGLIGTAS!
‼️ Tara na! Dalhin ang tropa, pamilya, at barkada!
Mag-volunteer, makiisa, at mag-iwan ng marka sa komunidad!

🔥 MAGING BAYANI. MAGBIGAY NG DUGO. MAGBIGAY NG BUHAY. 🔥

Salute 🫡

Photos from Bay Municipal Sigma Council's post 12/04/2026

Isang simpleng pagdiriwang ng pagpupugay sa April 11, 2011, ang araw na nagsilbing simula ng isang adhikaing patuloy nating isinasabuhay.

Hindi lang taon ang binibilang, kundi ang mga alaala, sakripisyo, at samahang patuloy na tumitibay.

Maligayang Anibersaryo, Bay Municipal Sigma Council! 🖤💛

10/04/2026

Maligayang ika-15 Anibersaryo, Bay Municipal Sigma Council! 🎉

Labinlimang taon ng pagkakaisa, paglilingkod, at tunay na kapatiran sa komunidad. Sa bawat proyektong naipatupad, bawat tulong na naibigay, at bawat hamon na nalagpasan, patuloy nating pinapatunayan ang lakas ng ating samahan.

Nawa’y magpatuloy pa ang ating adhikain na maglingkod, magbigay inspirasyon, at maging gabay sa ating kapwa. Sama-sama nating ipagdiwang ang ating mga tagumpay at ipagpatuloy ang magandang layunin para sa susunod pang mga taon.

Mabuhay ang Bay Municipal Sigma Council!
Arriba Tau Gamma Sigma! 🖤💛

Photos from Bay Municipal Sigma Council's post 22/02/2026

❤️🩸 SUCCESSFUL BLOODLETTING! 🩸❤️

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa! 🎉
Na-hit po natin ang ating target number of donors!

Taos-pusong pasasalamat mula sa Bay Municipal Sigma Council (BMSC) – Tau Gamma Sigma sa ating volunteer donors, medical team, at

sponsors:

• Mayor Jose Padrid
• Vice Mayor Sir. Brod. Michael Dabang Punzalan
• Kap. Brod. Fher Camalate ( Dila )
• Cm Ryan Sulit
• Brod. Marllon Cepeda
• Former Cm Winston Ferrangcollo

Salamat sa inyong malasakit at suporta!

🩸 One blood donation can save lives. ❤️

Salute 🫡🫡🫡

19/02/2026

🩸 Dugo Mo, Buhay Ko!🩸

Isang patak ng dugo, isang buhay ang maliligtas. 🙌
Makiisa sa Bloodletting Activity na inorganisa ng Bay Municipal Sigma Council (BMSC) Tau Gamma Sigma Bay Laguna , Sama-sama tayong magbigay ng pag-asa at kaligtasan sa ating kapwa! ❤️

Venue: Bay Municipal Parking Area, Bay Laguna
Date; February 22, 2026 (Sunday)
⏰ 8:00 AM – 5:00 PM

👉 Sino ang maaaring mag-donate?

Malusog at nasa tamang timbang

Edad 16–60 taong gulang

Walang iniinom na gamot o sakit na nakakahawa

💡 Tandaan: Ang dugo mo ay maaaring maging tulay sa panibagong buhay ng iba.
🌟 Maging bayani sa simpleng paraan — mag-donate ng dugo at magligtas ng buhay! 💪


Photos from Bay Municipal Sigma Council's post 29/01/2026

Sigmaganda Triskelion Spotted On the Board , Proud to Announce and Share 🥰🥰🥰

More to post, pag spotted sa Wall ko post yarnnn...

Salute 🫡🫡🫡

Photos from Bay Municipal Sigma Council's post 28/01/2026

Sigmaganda Triskelion Spotted , Proud to Announce 🥰🥰🥰

More to post , pag spotted sa Wall ko post yan ..

Salute 🫡🫡🫡

Want your school to be the top-listed School/college in Bay?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Bay

Website

Address


Brgy. Dila
Bay
4033