22/11/2025
OPISYAL NA NAGKAKAISANG PAHAYAG NG
MGA ORGANISASYONG PANGMAG-AARAL NG UP RURAL HIGH SCHOOL
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Samahang Diwa at Panitik, Education, Paciano Rizal, Bay.
Ang Samahang Diwa at Panitik (SDP) ang itinuturing na pinakamatandang organisasyong pangmag-aaral sa Mataas na Paaralang Rural ng Unibersidad ng Pilipinas (UPRHS).
22/11/2025
OPISYAL NA NAGKAKAISANG PAHAYAG NG
MGA ORGANISASYONG PANGMAG-AARAL NG UP RURAL HIGH SCHOOL
13/11/2025
17/10/2025
A N U N S I Y O
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo ngayong Oktubre, narito na ang mga sagot sa ikalawang batch ng QRunungan kaugnay ng mga wikang katutubo ng ating bansa!
Hindi lang 'yan! Mababasa rin ang pangalan ng mga nagsipagwagi sa gawaing ito na inilunsad noong Buwan ng Wika 2025 sa UPRHS. May kakilala ka ba? Dali! I-tag na sila!
PARA SA MGA NAGSIPAGWAGI: Abangan ang susunod naming anunsiyo para sa pagkuha ng cash prize.
26/09/2025
Binisita ng mga Mangyan-Iraya mula sa Sitio Malatabako, Abra de Ilog, Occidental Mindoro ang UP Rural High School kahapon, Setyembre 24, 2025.
Ibinahagi ng mga katutubo ang kanilang kasalukuyang kalagayan sa harap ng higit sa isang taon nang mga pandarahas, pagbakod sa lupang ninuno, pagsira sa mga pananim at kabahayan, at pagharang sa suplay ng mga pagkain. Ang ganitong karanasan ng mga katutubo ay nagdulot ng kagutuman, sakit, at labis na takot sa hanay ng mga kabataan at nakatatandang Mangyan-Iraya lalong-lalo na ang mga naiwan sa loob ng binakurang lupain.
Bilang paunang suporta, nagpaabot ng tulong pinansyal ang paaralan mula sa kinita sa solidarity shirt na pinangunahan ng UPRHS Departamento ng Filipino bilang bahagi ng pinalawig na pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2025.
Panawagan ng mga Mangyan-Iraya sa mga Ruralite at sa buong sambayanan, suportahan ang kanilang kampanya at ipagtanggol ang Sitio Malatabako upang matigil na ang iba’t ibang atake sa hanay ng mga katutubo!
21/09/2025
OPISYAL NA PAHAYAG NG SAMAHANG DIWA AT PANITIK SA IKA-53 ANIBERSARYO NG BATAS MILITAR AT MALAWAKANG KORAPSYON SA PAMAHALAAN
Ngayong Setyembre 21, 2025 ang ika-53 anibersaryo ng pagdedeklara ni Ferdinand Marcos Sr. ng Batas Militar sa Pilipinas. Nakikiisa ang Samahang Diwa at Panitik sa komemorasyong ito para sa mga naging biktima ng diktaduryang Marcos Sr. pati na sa kolektibong pagkilos ng sambayanan kontra malawakang korapsyon sa pamahalaan. Patunay ito na parating makabuluhan ang nasabing taunang paggunita dahil sa hindi nagbagong kalagayan ng bansa mula pa noong rehimeng Marcos Sr. hanggang sa walang habas na pagnanakaw ng mga politiko sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ng kaniyang anak na si Marcos Jr.
Bilang mga artista ng bayan para sa bayan, tayo ay patuloy na lumalaban para sa karapatang pantao, serbisyong panlipunan, at malayang pagtatanghal!
Gaya ng taon-taon nating panata: ‘di na tayo makalilimot, ‘di na muli!
- - - - -
Ang mga larawan ay nakuha sa mga link na ito:
(1) https://www.wsws.org/en/articles/2020/09/23/mart-s23.html
(2) https://gulfnews.com/photos/news/49-years-after-martial-law-in-the-philippines-why-many-filipinos-choose-not-to-forget-1.1632415152450
(3) https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Marcos_Declares_Martial_Law.jpg
12/09/2025
A N U N S I Y O
Inihahandog ng SDP ang pagbabalik ng Tawag ng Tanghalan sa Rural 2025 🎤🎙️🎶 sa ikalawa nitong taon!
Narito na ang Gabay para sa inisiyal na pagsasala: https://docs.google.com/document/d/1pHAzPF5Jm9QPtcYUvtDLEDVEZYc0GQrc/edit?usp=sharing&ouid=108467846119768766144&rtpof=true&sd=true
Basahin at unawain. Kung may tanong, magpadala lamang ng mensahe sa aming FB page.
Sino ang magtatagisan? Sino ang hihiranging kampeon? Ang bagong kampeon o ang dating kampeon? A B A NG A N!
11/09/2025
M A H A L A G A
Kumusta, Ruralites?
Posted na sa bawat Google Classroom ng bawat seksyon ang Gabay sa Patimpalak sa Pagbuo ng Infoposter (WIKAsaysayan, WIKAbayanihan, at WIKAlinangan)!
Sa gawaing ito, inatasan ang bawat seksyon ng isang wika ng Pilipinas upang pumili ng isang salita mula rito na nagtatampok ng kultura, kasaysayan, o kabayanihan ng komunidad na pinanggalingan nito. Ang gawaing ito ay bahagi ng pagdiriwang ng apat na selebrasyon: Araw ng mga Bayani (Agosto), Buwan ng Kasaysayan (Agosto), Buwan ng Wika (Agosto), at Buwan ng Katutubo (Oktubre).
Pipili ang mga hurado ng tatlong pinakamahusay na infoposter at ang mga seksyon na bumuo ng mga ito ay makatatanggap ng cash prize!
Para sa higit pang detalye, basahin ang binuong gabay ng SDP.
Muli, isang mapagpalayang Buwan ng Wika 2025!
11/09/2025
A N U N S I Y O
Kumusta, Ruralites! Nahuli lang nang onti pero available at aksesable na ang mga QR na nakapaskil sa iba't ibang parte ng UPRHS para sa QRunungan.
Tingnan ang mga larawan sa ibaba para malaman kung saan eksaktong matatagpuan ang mga QR. Muli, narito ang ilang mga paalala para sa gawaing ito:
1. Ito ay isang trivia/quiz bee game na inihanda ng SDP para sa pagdiriwang ng pinalawig na Buwan ng Wika 2025 sa UPRHS.
2. Simple lang ang laro! I-scan ang QR. Ire-rediret kayo nito sa Google Forms na naglalaman ng tanong. Sagutin ito.
3. Sa linggong ito, sa Lunes na iaanunsiyo sa SDP page at IG account ang sagot sa mga tanong at ang limang nagsipagwagi sa bawat tanong upang mabigyan ng ekstensyon ang ibang nais makibahagi sa gawain.
4. Ang mga magwawagi (limang PINAKAUNANG makakakuha ng tamang sagot sa BAWAT tanong) ay makakatanggap ng CASH PRIZE! Ibig sabihin, kada linggo, may 25 magwawagi!
Kaya ano pang hinihintay ninyo? Subukin ang inyong galing, tanong ay sagutin! Matuto at manalo ng papremyo!
Scan na!
08/09/2025
A N U N S I Y O
Narito na ang mga sagot sa unang batch ng QRunungan pati na ang mga nagsipagwagi! May kakilala ka ba? Dali! I-tag na sila!
ABANGAN sa Miyerkoles (10 Setyembre 2025) ang sunod at huling batch ng QRunungan! Subukin ang inyong galing, tanong ay sagutin! Matuto at manalo ng papremyo!
PARASA MGA NAGSIPAGWAGI: maaaring simulan ang pagkuha ng inyong premyo (P20.00 sa bawat tamang sagot) mula bukas (09 Setyembre 2025), 1:00 n.h. hanggang 4:00 n.h. Magtungo lamang sa MB 202 at hanapin si G. Lexter A. Castro. Muli, pagbati!
04/09/2025
Org Orie Na Bukas!
Inihahandog ng SDP ang 100 Liham Handog para sa Ü sa darating na Org Orie bukas sa UPRHS. Sa pamamagitan nito, bibigyan ng pagkakataon ang mga Ruralites na makapagpahayag ng mga nais nilang sabihin tungkol sa buhay pag-ibig, pagkakaibigan, acads, at marami pang iba WITH A TWIST: ang mga confession ay dapat na nasa anyo ng maiikling tula at dagling sanaysay/flash essay (Oo, tama ka! Katulad ng Facebook post o caption ninyo sa mga IG post).
Kung may naitabi (o bubuohin pa lang) kang maikling tula, notes, at iba pa, chance mo na para maibahagi sila sa iba. Punan lamang ang form na ito: https://forms.gle/rUgVWmA38J3ydLHs7 Tatanggap kami ng entri hanggang bukas, 10:00 n.u.
Bukod pa riyan, pwedeng mapili ang entri mo para bigyang-buhay ng SDP sa pamamagitan ng isang Spoken Word Poetry at Dagliang Pag-arte/Pagtatanghal (Impromptu Performance).
G? Pasa na!
03/09/2025
NASA’N NA ANG MGA QR???
What’s up, Ruralites!
Nakapaskil na sa iba’t ibang bahagi ng UP Rural High School ang mga QR para sa QRunungan! Tingnan ang mga larawan sa ibaba para makakuha ng hint kung saan eksaktong matatagpuan ang mga ito.
Para magabayan kayo sa palarong ito, basahin ang sumusunod:
1. Ito ay isang trivia/quiz bee game na inihanda ng SDP para sa pagdiriwang ng pinalawig na Buwan ng Wika 2025 sa UPRHS.
2. Simple lang ang laro! I-scan ang QR. Ire-rediret kayo nito sa Google Forms na naglalaman ng tanong. Sagutin ito.
3. Tuwing Biyernes, iaanunsiyo sa SDP page at IG account ang sagot sa mga tanong at ang limang nagsipagwagi sa bawat tanong.
4. Ang mga magwawagi (limang PINAKAUNANG makakakuha ng tamang sagot sa BAWAT tanong) ay makakatanggap ng CASH PRIZE! Ibig sabihin, kada linggo, may 25 magwawagi!
Kaya ano pang hinihintay ninyo? Subukin ang inyong galing, tanong ay sagutin! Matuto at manalo ng papremyo!