Deped Pitugo ES-Batangas

Deped Pitugo ES-Batangas Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Deped Pitugo ES-Batangas, Education, Pitugo, Bauan.

Pitugo ES is a public institution caters children from Kindergarten to Grade Six under K12 curriculum aiming the high standards in giving excellent service to our children, nurture their potentials and produce 21st century learners ready.

Noong Agosto 14, 2026, matagumpay na isinagawa sa Pitugo Elementary School ang School Intramurals 2026 na nilahukan ng m...
16/08/2026

Noong Agosto 14, 2026, matagumpay na isinagawa sa Pitugo Elementary School ang School Intramurals 2026 na nilahukan ng mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 6. Layunin ng gawaing ito na malinang ang kanilang mga kasanayan sa iba’t ibang larangan ng palakasan, mapalakas ang pagtutulungan, disiplina, sportsmanship, at pagkakaisa.

Sa buong programa, masiglang nakilahok ang mga mag-aaral sa iba’t ibang paligsahan at ipinakita ang kanilang husay, tiyaga, respeto sa kapwa manlalaro, at pagsunod sa mga alituntunin ng bawat laro. Naging pagkakataon din ito upang mapaunlad ang kanilang tiwala sa sarili at pagpapahalaga sa pagkakaisa at pagiging mabuting kasamahan.

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Pamunuan ng Pitugo Elementary School, sa pangunguna ni Ma’am Rochell R. Bandong, sa lahat ng taong tumulong at nakiisa upang maging matagumpay ang nasabing gawain. Lubos na pinasasalamatan ang ating PTA President na si Jennylyn Aguila, kasama ang mga PTA Officials, SGC Officers, mga magulang, at mga mag-aaral ng paaralan sa kanilang aktibong pakikilahok, suporta, at pakikiisa.

Lubos din ang pasasalamat sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan ng ating mga Barangay Officials, sa pangunguna ni Pangulo Anselmo Acuzar, na patuloy na nagpapakita ng malasakit at suporta sa mga programa at gawain ng paaralan.

Sa kabuuan, naging matagumpay at makabuluhan ang School Intramurals 2026 dahil sa sama-samang pagsisikap, pagkakaisa, at suporta ng buong komunidad ng Pitugo Elementary School. Ang tagumpay na ito ay patunay na sa pamamagitan ng pagtutulungan, mas nagiging makabuluhan at matagumpay ang bawat gawaing pangpaaralan.

4 na bagong smart TV para sa mga mag-aaral ng PES!Maraming salamat kay Gov. Vilma Santos-Recto, sa PSB pagkakaloob ng ap...
11/08/2026

4 na bagong smart TV para sa mga mag-aaral ng PES!

Maraming salamat kay Gov. Vilma Santos-Recto, sa PSB pagkakaloob ng apat na 55inch TV na tiyak na malaki ang maitutulong sa mga g**o at sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng Pitugo ES.

Salamat din po kay Brgy. Capt. Anselmo Acuzar sa inyong suporta at tulong upang maiahon sa Pitugo ang mga telebisyon.

Sa mga magulang, sa Punong brgy, Anselmo Acuzar ksama ang mga konsehal, sa SGC sa pamumuno ni Kon.Andy, Bantay-Bayan Man...
10/08/2026

Sa mga magulang, sa Punong brgy, Anselmo Acuzar ksama ang mga konsehal, sa SGC sa pamumuno ni Kon.Andy, Bantay-Bayan Manong Done, SPTA sa pangunguna ni Pres.Jennelyn Aguila, at sa mga g**o at mag-aaral, maraming salamat po sa inyong pagmamalasakit sa ating paaralan. Pagkatapos ng unos ay maayos at malinis na ang paraalan at handa nang muli ang mga silid-aralan para sa mga mag-aaral ng Pitugo ES.❤️

03/08/2026

𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲

Nakikiisa ang Sangay ng Batangas sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2026 na may temang, "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.”

Ito ay sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino. Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.

Ating ipagdiwang ang Wikang Pambansa 2026!

Maaring ma-download o makakuha ng kopya ng digital poster sa Buwan ng Wikang Pambansa 2026 at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1

Banal na Misa sa Pitugo Elementary SchoolJuly 14, 2026Bilang paghahanda sa panibagong araw ng paglilingkod at pagkatuto,...
17/07/2026

Banal na Misa sa Pitugo Elementary School
July 14, 2026

Bilang paghahanda sa panibagong araw ng paglilingkod at pagkatuto, buong pusong nakiisa ang komunidad ng Pitugo Elementary Schoolsa pagdiriwang ng Banal na Misa noong Hulyo 14, 2026.

Taos-puso naming pinasasalamatan si Rev. Fr. Lauro M. Abante, Mass Presider mula sa Holy Family Parish – Bolo, sa kanyang makabuluhang pangunguna sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya at sa mensaheng nagbigay ng inspirasyon at paggabay upang patuloy naming maisabuhay ang pananampalataya, pagmamahal, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod sa edukasyon.

Nawa'y magsilbing gabay ang biyayang aming natanggap upang lalo pang mapatatag ang aming dedikasyon sa paghubog ng mga mag-aaral na may takot sa Diyos, mabuting asal, at pagmamahal sa kapwa. Patuloy kaming nananalig na sa tulong at paggabay ng Panginoon, magiging matagumpay ang bawat hakbang ng aming paaralan tungo sa de-kalidad at makabuluhang edukasyon.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng banal na pagdiriwang.




08/07/2026

🎉 Happy Birthday, Ma'am Rochell 🎉🎂

Your Pitugo Elementary School family wishes you good health, happiness, and continued success. May God bless you with many more wonderful years of inspiring leadership.

Happy Birthday and God bless! 💐 🎈

First Term || First Summative ✅
06/07/2026

First Term || First Summative ✅

Nakibahagi ang Pitugo Elementary School sa Pambansang Sabayang Seremonya ng Pagtataas ng Watawat noong Hulyo 6, 2026, bi...
06/07/2026

Nakibahagi ang Pitugo Elementary School sa Pambansang Sabayang Seremonya ng Pagtataas ng Watawat noong Hulyo 6, 2026, bilang pakikiisa sa buong bansa sa paggunita sa makasaysayang 2016 South China Sea Arbitral Award, bilang paghahanda sa ika-10 anibersaryo nito.

Pinangunahan ang programa ni Assistant School Principal II Rochell R. Bandong, kasama si SK Chairman Jude Ivann Cepillo, dalawang SK Councilors, at mga opisyal ng School Parents-Teachers Association (SPTA). Ang kanilang pakikiisa ay sumasalamin sa matibay na ugnayan ng paaralan at ng komunidad sa pagsusulong ng pagmamahal sa bayan, pagkakaisa, at pagpapahalaga sa pambansang soberanya.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, muling pinagtibay ng Pitugo Elementary School ang kanyang suporta sa panawagan ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) at ang patuloy na pagtataguyod ng pagiging makabayan, responsable, at mulat na mamamayan.



🇵🇭

"May the Lord crown your year with His goodness and fill your life with joy, peace, and countless blessings. Happy Birth...
05/07/2026

"May the Lord crown your year with His goodness and fill your life with joy, peace, and countless blessings. Happy Birthday, Ma'am Misiel! 🎉 💚

Nagtatakda ang DepEd ng malinaw na kaukulang hakbang sa mga paglabag upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga p...
03/07/2026

Nagtatakda ang DepEd ng malinaw na kaukulang hakbang sa mga paglabag upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating mga paaralan.

Paalala ito sa mga magulang, mag-aaral, at paaralan: Ang disiplina ay hindi lamang pagtutuwid ng maling asal, kundi paghubog ng responsableng mamamayan.

Para sa iba pang impormasyon, basahin ang DO 006, s. 2026: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_006r.pdf

Address

Pitugo
Bauan
4201

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deped Pitugo ES-Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category