03/08/2026
📚✨ State of the School Address ng Bato North Central School ✨📚
Matagumpay na naisagawa ang State of the School Address (SOSA) ng Bato North Central School, isang mahalagang gawain na naglalayong ibahagi ang mga tagumpay, programa, at patuloy na pag-unlad ng paaralan para sa kapakanan ng mga mag-aaral at buong komunidad.
Sa isinagawang pagtalakay, ipinakita ang iba’t ibang tagumpay at pagkilala na natamo ng paaralan sa iba’t ibang patimpalak at kompetisyon. Ipinagmalaki rin ang mga natatanging kontribusyon ng mga g**o at mag-aaral na nagbigay karangalan sa paaralan sa pamamagitan ng kanilang sipag, dedikasyon, at kahusayan.
Binigyang-pugay din ang mga g**o na nakamit ang kanilang promotion bilang pagkilala sa kanilang propesyonalismo at walang sawang paglilingkod, gayundin ang mga g**o na matagumpay na pumasa sa NASH Examination na patunay ng kanilang pagsisikap at pagpupursige
Tinalakay rin sa programa ang transparency sa paggamit ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng paaralan. Ipinaliwanag ang wastong pamamahala at paggamit ng pondo upang masuportahan ang mga mahahalagang school programs and projects, pagbili at pagpapaunlad ng ICT equipment, gayundin ang kinakailangang pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga pasilidad ng paaralan.
Ang State of the School Address ay nagsilbing patunay ng patuloy na pagtutulungan ng pamunuan ng paaralan, mga g**o, magulang, mag-aaral, at mga katuwang sa komunidad tungo sa mas maunlad at de-kalidad na edukasyon.
Bato North Central School — patuloy na umaangat, patuloy na naglilingkod, at patuloy na nagbibigay inspirasyon! 💙💚