06/06/2024
Sa lahat po na naging bahagi ng PaglaHOME Recital 2024, muli, kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa inyong lahat.
Sa aming mga sponsors na walang sawang sumusuporta sa amin sa lahat ng aming proyekto at programa, maraming salamat po. Salamat po palagi sa tiwala at pagmamahal. Makakaasa po kayo na ang lahat ng perang nalikom ay pahahalagahan at ilalaan sa maayos at makabuluhang programa ng organisasyon.
Sa lahat po ng nanuod at bumili ng tickets, salamat po sa parating pagtangkilik sa aming mga likha. Mapakumbaba po kaming nagpapasalamat sa inyong napalaking suporta.
Sa pagsara ng libro ng PaglaHOME, maiiwan po sa amin lahat ng alaala sa gabing iyon. Ang inyong palakpakan, kasiyahan, at appreciation ay mananatili sa aming puso't isipan. Nawa'y nabigyan din po namin kayo ng isang produksyong hindi ninyo makakalimutan.
Baunin po natin lahat ng inspirasyon sa bawat kwento ng PaglaHOME. Hangad namin ang kapayapaan at pagmahahalan ng bawat pamilya sa mundo. Nawa'y hindi natin makalimutan ang totoong pamilyang nagmamahal sa atin. Bumalik, umuwi, magpatawad, magmahal. Hanggang sa muli!