18/06/2026
SCHOOL ADVISORY | Sinisian Elementary School
In compliance with DepEd Order No. 007, s. 2026 (Media Management Guidelines), Sinisian Elementary School officially announces the re-naming of its page to align with standardized naming conventions and strengthen institutional identity.
🔄 Previous Page Name: DepEd Tayo Sinisian Elementary School-SDO Calaca City
âś… New Official Page Name: DepEd Sinisian Elementary School-SDO Calaca City
Effective Immediately
This update supports the national directive to promote uniform branding, enhance credibility, and ensure consistency in official communication channels.
All personnel, schools, stakeholders, learners, and partners are advised to take note of this change. Moving forward, all official announcements and updates will be posted under the new page name.
âś… Please follow, like, and share our official page: DepEd Sinisian Elementary School-SDO Calaca City
18/06/2026
Today, June 18, 2026, at exactly 9:00 AM, Sinisian Elementary School (School ID: 107307) actively participated in the 2nd Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED).
This activity aims to strengthen disaster preparedness and promote awareness on proper earthquake response through the "Duck, Cover, and Hold" procedure. Together, we build a safer and more resilient school community.
18/06/2026
Hunyo 18, 2024
Ika-apat na Araw
18/06/2026
Hunyo 17, 2026
Isang produktibong araw ang naganap kahapon nang bumisita sina SDS Dr. Gregg T. Mueco at ang ating Chief-CID Dr. Anabel Rosales Marasigan sa feeding area ng paaralan upang personal na kamustahin at suriin ang pagpapatupad ng School-Based Feeding Program (SBFP). Kasama rin ang ama ng Sangguniang Panglungsod Mayor Nas Ona at ang kanyang kabiyak na si Dra. Sharon V. Ona. Ito ay pagkatapos magsagawa ng pagkakaloob ng kagamitang pang-edukasyon mula sa Sangguniang Panglungsod.
Sa naturang pagbisita, masiglang nakipag-ugnayan ang mga opisyal kay Gng. Day Landicho Abitan at sa mga magulang na nakatalagang maghanda at magluto ng pagkain sa menu. Tinalakay nila ang kasalukuyang sitwasyon ng pagpapakain sa mga bata at kung paano pa lalong mapagbubutihan ang programa.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng paaralan at ng mga magulang sa patuloy na suporta at gabay ng ating Division Office upang matiyak na malusog, masigla, at handang matuto ang bawat batang Sinisenyo!
18/06/2026
Personal na binisita nina Scouter Rodel D. Gutierrez, Council Scout Executive at Scouter Teddy L. Agquiz, Field Scout Executive ng Boy Scouts of the Philippines ang Sinisian Elementary School upang alamin ang estado ng registration ng mga mag-aaral para sa libreng uniform at registration fee. Masusing ipinaliwanag nila kay Scouter Day Landicho Abitan ang mainam na proseso upang mas mabilis ang pagpapa-rehistro.
17/06/2026
Kasabay ng pamamahagi ng mga kagamitang pang-edukasyon para sa mga g**o at mag-aaral, personal na nirebisa ni Mayor Nas Ona ang buong Sinisian Elementary School. Kasama niya sina Dra. Sharon V. Ona, SDS Gregg T. Mueco, CID Chief Dr. Anabel Rosales Marasigan, at Gng. Day Landicho Abitan upang tukuyin ang mga prayoridad na imprastraktura na kailangang ipagawa. Kasama rin sa nasabing needs assessment ang City Engineering Office upang matiyak ang mabilis at selyadong pagtugon sa mga pangangailangan ng paaralan.
17/06/2026
Ang pamunuan ng Sinisian Elementary School, Punungg**o Day Landicho Abitan, Faculty Pres. Leony Alaraz at 11 g**o ay lubos na nagpapasalamat at nagpupugay sa Pamahalaang Lungsod ng Calaca sa matagumpay na pagsasagawa ng programang “Nasa Husay School Supplies Distribution!” ito ay sa pangunguna ni Mayor Nas Ona kasama si Dra. Sharon V. Ona at Sangguniang Panglungsod Members. Katuwang ang SDO Calaca City sa pamumuno ni SDS Dr. Gregorio T. Mueco, kasama sina Dr. Anabel Rosales Marasigan CID-Chief, Kawani ng Calaca City LGU, Sangguniang Barangay Hon. ABC Pres. Generoso D. Garcia, Educ. Committee Gng. Racquel Magnaye, SPTA Pres. Herlee Magnaye Flores , mga magulang at Calacazen taxpayers!
Dahil sa inyong malasakit at suporta, ang mga batang Calacazen ng Sinisian Elementary School ay nakatanggap ng iba’t ibang kagamitan sa pag-aaral na tiyak na malaking tulong sa kanilang pag-aaral at paghubog ng kanilang kinabukasan. Ang inyong pagbibigay ay hindi lamang mga gamit ang ibinigay, kundi pati na rin ang pag-asa at inspirasyon sa bawat mag-aaral na mas pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral.
Ang inyong dedikasyon para sa kapakanan at edukasyon ng ating mga kabataan ay tunay na kahanga-hanga. Maraming salamat sa pagiging katuwang namin sa pagtataguyod ng de-kalidad na edukasyon para sa lahat. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa lahat ng inyong mga adhikain at programa para sa bayan.
Mabuhay po kayo at ang Pamahalaang Lungsod ng Calaca! ❤️
17/06/2026
Ang pamunuan ng Sinisian Elementary School, Punungg**o Day Landicho Abitan , Faculty Pres. Leony Alaraz at 11 g**o ay lubos na nagpapasalamat at nagpupugay sa Pamahalaang Lungsod ng Calaca sa matagumpay na pagsasagawa ng programang “Nasa Husay School Supplies Distribution!” ito ay sa pangunguna ni Mayor Nas Ona kasama si Dra. Sharon V. Ona at Sangguniang Panglungsod Members. Katuwang ang SDO Calaca City sa pamumuno ni SDS Dr. Gregorio T. Mueco, kasama sina Dr. Anabel Rosales Marasigan CID-Chief, Kawani ng Calaca City LGU, Sangguniang Barangay Hon. ABC Pres. Generoso D. Garcia, Educ. Committee Gng. Racquel Magnaye, SPTA Pres. Herlee Magnaye Flores , mga magulang at Calacazen taxpayers!
Dahil sa inyong malasakit at suporta, ang mga batang Calacazen ng Sinisian Elementary School ay nakatanggap ng iba’t ibang kagamitan sa pag-aaral na tiyak na malaking tulong sa kanilang pag-aaral at paghubog ng kanilang kinabukasan. Ang inyong pagbibigay ay hindi lamang mga gamit ang ibinigay, kundi pati na rin ang pag-asa at inspirasyon sa bawat mag-aaral na mas pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral.
Ang inyong dedikasyon para sa kapakanan at edukasyon ng ating mga kabataan ay tunay na kahanga-hanga. Maraming salamat sa pagiging katuwang namin sa pagtataguyod ng de-kalidad na edukasyon para sa lahat. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa lahat ng inyong mga adhikain at programa para sa bayan.
Mabuhay po kayo at ang Pamahalaang Lungsod ng Calaca! ❤️