Dell Memento

Dell Memento

Share

Divergent and Empowered Logical Leaders

17/05/2025

❤️

Sa mga pahina ng katahimikan, may mga kwentong hindi nabuo ngunit humihingi ng kasagutan. Mga alaala na aking tinatakbuhan, mga damdaming pilit kong kinalimutan. Ngunit sa bawat akda, tila may mga nagbabalik, aninong humihiling ng pansin, at ang nakaraan na hindi ko kayang kalimutan.

Labindalawang araw bago ang pinakahihintay na pagbabalik, dala ang anunsyo ng bagong akdang magpapasiklab sa isang madilim na kwento. At ngayon makikilala n’yo na rin si Crisostomo Reyes, isang manunulat na tinatahak ang kanyang tadhana sa bawat pahina. Abangan siya sa Sapantaha: Isang Musikal na gaganapin sa GSB Amphitheater sa Mayo 16, 2025.

Nagmamahal,
Ako

Caption by: Nicole Dane Buenaflor
Edited by: Antonio Miguel Briones

14/05/2025

Ako ang tunay na umiibig. Kailanman ba'y hindi mo ako matitingnan sa mata? Nakikita kita, nakikita ko ang iyong pusong hindi kailanman magiging akin. Patuloy kong nilalaro ang tadhana, ipinagdarasal na ang iyong mga ngiti ay para sa aking mga mata lamang, na ang iyong paghinga ay ako lamang. Mahirap bang makita na ako lamang ang tunay na nagmamahal sa'yo?

Ang puso ko iniaalay ko sa'yo. Kilalanin si Amor, ang babaeng handang ialay ang kanyang puso at kaluluwa sa ngalan ng pag-ibig niyang walang hanggan, magpakailanman. Abangan siya sa Sapantaha: Isang Musikal, gaganapin sa GSB Amphitheater sa May 16, 2025.

Nagmamahal,
Ako

Caption by: Clare Lian Roxanne Martinez
Edited by: Antonio Miguel Briones

14/05/2025

🪭

Isang mithiin na hindi na natupad—tungo sa simbahan, tungo sa altar, tungo sa “oo” na hindi kailanman nasambit. Ngunit minsa’y ikaw ang panalangin, ikaw ang tahanan, ikaw ang kinabukasan kong inasam. Ngunit ngayon, sapat na ang alaala. Sapat na ang minsan.

Sa darating na Sapantaha: Isang Musikal, makikilala n’yo na si Leonora — at sabay nating muling balikan ang mga pusong umaasang sana’y pwede pa. Tatlong araw na lamang. Mayo 16, GSB Amphitheater. Abangan.

Nagmamahal,
Ako

Caption by: Allynah Macatangay
Edited by: Antonio Miguel Briones

14/05/2025

Pangarap na magkasama, tungo sa Pransiya, tungo sa walang hanggan. Ang mundong inaasam nating buoin—ang luningning ng kinabukasang naghihintay para sa atin. Iniintay na nila ang pagkalathala ng ating kwento, mahal ko. At sa pagkakataong ito, isusulat natin ang mga natitirang pahina ng ating buhay nang walang pahimakas.

Apat na araw na lamang, aking mga iniirog. Makikilala niyo na sina Nelia at Julia, ang matamis na harana sa nanahimik mong puso. Tila’y darating na ang araw ng pagsayaw natin tungo sa alapaap na ating pangarap abutin. Abangan sila sa Sapantaha: Isang Musikal, sa ika-16 ng Mayo sa GSB Amphitheater.

Nagmamahal,
Ako.

Caption by: Maria Paula Mendoza
Edited by: Antonio Miguel Briones

14/05/2025

👒

Sa ilalim ng mga bituin, sa gitna ng katahimikan ng gabi, ang puso ko'y sinisigaw ang iyong ngalan. Tila ang aking paghihintay ay walang katapusan. Ang puso ko'y nababalot ng kadiliman, ngunit ang iyong alaala ang tanging liwanag na natitira sa akin.

Limang araw na lamang, mga saksi ko. Makikilala n’yo rin si Sabel, ang pag-ibig na kailanman ay hindi na babalik sa'yo. Tanging isang alaala na lamang na patuloy na kumakatok sa puso't isipan mo. Abangan siya sa Sapantaha: Isang Musikal, sa ika-16 ng Mayo sa GSB Amphitheater.

Nagmamahal,
Ako

Caption by: Nicole Dane Buenaflor
Edited by: Antonio Miguel Briones

14/05/2025

🌼

Ako ang nauna, ngunit kailan ba naging sapat ang pagiging una? Sa pagitan ng mga salita mong hindi mo nasabi, at mga sulyap mong hindi mo alam na ako ang pinagmulan. Ako ang araw na sumilay sa puso mo. Kaya, paano mo makakalimutan ang araw, kung siya ang dahilan ng lahat ng pag-usbong?

Anim na araw na lamang, mga minamahal. Makikilala na ninyo si Solene—ang liwanag sa mundong hindi kailanman nabigyang kulay. Darating na ang araw na magpapakitang hindi lahat ng liwanag ay gabay. Abangan siya sa Sapantaha: Isang Musikal, sa ika-16 ng Mayo sa GSB Amphitheater.

Nagmamahal,
Ako

Caption by: Reign Elizandra Balitaan
Edited by: Antonio Miguel Briones

09/05/2025

ABANGAN ❤️‍🔥

Hindi nagkulang, walang sumugal. Tanging puso ang naglalaman ng katotohanan. Ako ay ikaw, ikaw ay ako—sa mata ng madla tayo ay magkaibigan, ngunit sa iyong mga mata, kaibigan lamang ba? Ang paglalathalang ito ang mga hindi maaaring sabihin, sapagkat malinaw na hindi ka kailanman makapipili. Sino s'ya? Sino sa kanila?

Pitong araw na lamang, mga minamahal ko. Makikilala n'yo na sina Celeste at Geraldine, na kailanman ay hindi magiging sa'yo. Sasapit na'ng takdang panahon, sa isang mundong kahit ang katotohana'y hindi solusyon. Abangan sila sa Sapantaha: Isang Musikal, sa ika-16 ng Mayo sa GSB Amphitheater.

Photos 09/05/2025

SAPANTAHA 🪶💋

Glory lies just beyond his reach. The announcement of Crisostomo Reyes’ new novel has been heard by the masses. Clamouring citizens have anticipated the newest release, which will be published at Christmas, a year after his hiatus. Amidst the fame, the renowned writer has chosen to stay hidden amongst the crowds, crafting his novels without the spotlight. But as the countdown to its release begins, the pages of his own life unravel in ways he never intended to write.

Twelve letters. Twelve days. One final chapter he never saw coming.

08/05/2025

💌

Sa bawat liham na dumating nang walang lagda, isang damdamin ang isinilang.

I am [Name] from [Section], isa sa mga tinig sa likod ng Sapantaha: Isang Musikal. Isang pagtatanghal na sumisilip sa puso ng isang manunulat na ’di kilala—ngunit pilit kumakatha, umaasa, at nagtatanong: “Sino ka ba… at bakit mo ako kilala?”

Abangan at tuklasin ang lihim–damhin ang bigat ng bawat titik sa Sapantaha: Isang Musikal ngayong Mayo 16, 2025 sa GSB Amphitheater.

Dp Blast Link: https://twibbo.nz/sapantaha-isang-musikal

Caption by: Allynah Macatangay
Edited by: Mary Athena Hernandez

Want your school to be the top-listed School/college in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Batangas City
Batangas City
4200