Bahay Sining at Kultura Supreme Secondary Learner Government

Bahay Sining at Kultura Supreme Secondary Learner Government

Share

School Government Organization

06/03/2026

Maligayang Kaarawan sa aming masipag na lider, Masangcay Thea ng Supreme Secondary Learner Government. Ang iyong sipag ay tunay ngang kahanga-hanga at inspirasyon sa mga susunod na lider ng paaralan. Maraming salamat sa iyong serbisyong tapat sa bawat iskolar ng BPHSCA. 🥳🎉

- BPHSCA Fam 💚

Photos from Bahay Sining at Kultura Supreme Secondary Learner Government's post 06/02/2026

Pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ng
Bahay Sining at Kultura: Pagsasakodigo ng
Kulay

Sa pagdiriwang ng araw ng mga puso sa gaganaping ika-12 ng Pebrero, narito ang inyong magiging gabay sa pagpili ng kulay at disenyo na magpapahayag ng inyong katayuan at nararamdaman!

📌PAALALA: Ang damit ay nararapat na angkop pa rin sa paaralan. Bawal ang pagsuot ng mga damit na crop top, punit na maong, at shorts.

Maligayang Araw ng mga Puso ! Kita-kits, Iskolars!

07/01/2026

Masining at maligayang kaarawan sa ating SSLG Vice President, Meera Kendra !

Nawa’y batid mo na hanga kami sa iyong talino’t husay na taglay hindi lamang sa usaping akademiko, kundi pati na rin sa mahalagang papel na ibinigay sa iyo upang mamuno sa iyong mga kapwa mag-aaral.

Lubos ka naming mahal !

— Pagbati mula sa BPHSCA SSLG! 💚

18/09/2025

Maligayang Kaarawan Sir Dop! 🎨🖌️

Sa bawat paghagod ng pinta’t pagpunas sa kanbas, isang kaalaman ang iyong ibinabahagi sa aming magaaral. Hindi lamang hugis at kulay ang iyong naituro, kundi pati na rin ang pagtuklas sa taglay naming talento.

Sa espesyal na araw na ito, nais naming iparating ang taos pusong pagpasalamat sa mga obra na hindi lamang tumatak sa aming mata, kundi umukit na rin sa puso ng bawat isa sa amin.

Tunay ngang Anak ng Bahay Sining at Kultura — isang patunay na hindi lang ito minamana, kundi nililikha.

Muli, Maligayang Kaarawan po Sir Dop!

—Pagbati mula sa BPHSCA SSLG💚

03/09/2025

Maligayang kaarawan sa tinaguriang Ina ng Bahay Sining at Kultura, Ma’am Ethel!

Nawa po ay batid ninyo na lubos ang aming pasasalamat sa mahabang panahon ng inyong pagtuturo kasabay ng pagpapadama ng pagkalinga sa amin. Hiling po namin na pagkalooban pa kayo ng marami pang biyaya kasabay ng malakas na pangangatawan at mga araw na punong puno ng pagmamahal.

— Pagbati mula sa BPHSCA SSLG 💚

Photos from Bahay Sining at Kultura Supreme Secondary Learner Government's post 30/08/2025

Masining na pagbati sa inyong kaarawan, Ma’am Eden at Angel!

Sa aming minamahal na ina ng Baitang Sampu, sana po’y batid ninyo kung gaano kami nagpapasalamat sa pagbabahagi ninyo ng kaalaman pagdating sa matematika kasabay ng pagiging maunawain sa lahat ng oras na nagpapakitang para na rin namin kayong tunay na ina.

Sa amin namang tagapaghatid ng impormasyon, tunay na ang tinig ang iyong natatanging sandata. Nawa’y gaya ng husay mo sa larangan ng musika ay maipabatid mo ang mga impormasyon at kaalaman nang maayos at wasto sa lahat ng pagkakataon.

Muli, maligayang kaarawan po!

— Pagbati mula sa BPHSCA SSLG 💚

13/08/2025

Maligayang Kaarawan, Ma'am Gladys Gutierrez!

Ang iyong pagiging masigasig sa pagtuturo ng musika ay tunay na kahanga-hanga at inspirasyon para sa amin. Sa bawat nota at bawat awit na iyong itinuturo, hindi mo lamang naipapasa ang iyong kaalaman kundi pati na rin ang iyong pagmamahal sa sining sa bawat mag-aaral na may angking husay sa musika. Nawa’y maging puno ng himig ng kaligayahan ang iyong espesyal na araw, kasingganda ng simponiya ng iyong buhay.

- Pagbati mula sa BPHSCA SSLG 💚

11/08/2025

Masining na pagbati sa inyong kaarawan, Sir Jefferson Reyes!

Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa mga aral na inyong naibahagi. Tunay na ang inyong pagmamahal at determinasyon sa pagtuturo sa larang ng musika at midya ay nagsisilbing inspirasyon sa amin.

- Pagbati mula sa BPHSCA SSLG

10/08/2025

Maligaya at mapagpalang kaarawan sa ating SSLG Auditor, Zaijhen Limpiada!

Nawa'y ang iyong araw ay mapuno ng pagmamahal at maging kasing saya ng bawat ngiti mo sa amin!

- Pagbati mula sa BPHSCA SSLG

05/08/2025

Isang maligayang kaarawan, Sir Ryan. Mula po sa aming puso at ngalan ng Bahay Sining at Kultura, kami po ay taos-pusong bumabati at nagpupugay sa inyo bilang aming butihing Ulong-g**o. Kayo po ay inspirasyon hindi lamang sa larangan ng edukasyon, kundi maging sa sining at kulturang Batangan.

Ang inyong pamumuno ay patunay ng matatag na dedikasyon, tunay na malasakit, at walang sawang paggabay sa bawat g**o at mag-aaral ng ating paaralan. Sa bawat hakbang tungo sa kaunlaran, ang inyong suporta at pagkalinga ay patuloy naming nadarama.

Maraming salamat sa pagtangkilik at pagbibigay halaga sa Bahay Sining at Kultura. Kaisa po ninyo kami sa hangaring itaguyod at ipagmalaki ang ating makulay na paaralan.

Photos from DepEd Tayo Batangas Province High School for Culture and Arts - Calabarzon's post 01/08/2025

Masining na pagbati sa lahat ng alagad ng sining, mga g**o, at kagalang galang na ulong-g**o na nagpamalas ng husay, talino, at talento sa unang markahan ng taong panuruan. Isang pasasalamat sa mga indibidwal na may malaking kontribusyon sa pagkamit ng nga karangalang ito. Mabuhay ang Bahay Sining at Kultura!

Want your school to be the top-listed School/college in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Batangas City
4200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm