20/09/2026
Batang Scouts ng Banaba East ES, Nagningning sa Patrol Leader Training Course 2026; Overall Champion 3RD PLACE
Setyembre 18โ20, 2026 โ Isang kahanga-hangang tagumpay ang ipinamalas ng pitong batang Scout matapos makamit ang iba't ibang parangal sa katatapos lamang na Patrol Leader Training Course (PLTC) na ginanap noong Setyembre 18โ20, 2026.
Pinangunahan ng Patrol Baboy ang matagumpay na paglahok ng ating mga batang Scout at kinilala bilang OVERALL CHAMPION 3rd placee .
Bukod dito, nag-uwi rin sila ng iba't ibang parangal na nagpapakita ng kanilang husay, determinasyon, pagkamalikhain, at pagtutulungan.
Mga Natamong Parangal:
๐ OVERALL CHAMPION 3rd Place โ Patrol Baboy
๐ฅ 1st Place โ Best in Display
๐ฅ 1st Place โ Figure of Eight Knot
๐ฅ 2nd Place โ Best in Layout
๐ฅ 3rd Place โ Meeting Plan and Timeline
๐ฅ 3rd Place โ Best in Skit Performance
๐ฅ 3rd Place โ Square Knot Tying
๐ฅ 3rd Place โ Bandaging Application
๐
Most Active in Bandaging
Ang mga parangal na ito ay patunay sa aktibong pakikilahok at kahusayan ng ating mga batang Scout sa iba't ibang larangan ng Scouting.
Ipinakita nila ang kanilang kakayahan sa pagpaplano, pagbuo ng mga gawain, knot tying, first aid at bandaging, pagkamalikhain, pagtatanghal, at pagtutulungan bilang isang pangkat.
Ang pitong mag-aaral mula sa Ikalima at Ikaanim na Baitang na lumahok sa pagsasanay ay sina Brent Luke Biscocho, Alden Bernard Medrano, Jhared Aguila, Rhazel Reiver Gonzales, Rad Josep Velasquez, Kenjie Clemeno, at Bonrich Delos Reyes.
Sa loob ng tatlong araw na pagsasanay, nagkaroon sila ng pagkakataong malinang ang kanilang mga kasanayan sa pamumuno, disiplina, pagiging responsable, pakikipagtulungan, paglilingkod, at pagiging handa.
Higit pa sa mga parangal na kanilang natanggap, naging mahalagang bahagi ng kanilang karanasan ang mga aral at pagpapahalagang maaari nilang dalhin sa kanilang buhay bilang mga mag-aaral at batang lider.
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot kay Dr. Angelina M. Acorda, School Principal, sa kanyang walang sawang suporta at tiwala sa kakayahan ng ating mga batang Scout. Ang kanyang suporta sa Scouting ay malaking tulong upang mabigyan ng pagkakataon ang ating mga mag-aaral na matuto, makilahok, at higit pang malinang ang kanilang kakayahan sa pamumuno.
Lubos ding pinasasalamatan ang mga g**o sa pangunguna ng ating Boy Scout Coordinator, Ma'am Filomena Amparo, at ang lahat ng g**ong naglaan ng kanilang oras, nagbantay, gumabay, at patuloy na sumama sa ating mga batang Scout. Ang kanilang dedikasyon at malasakit ay naging mahalagang bahagi ng tagumpay ng buong delegasyon.
Maraming salamat din sa ating SPTA Officers, lalo na kay Mrs. Raquel Matriano, SPTA President, na nakibahagi at sumama sa mga g**o upang samahan at gabayan ang mga batang Scout sa kanilang pagsasanay. Ang inyong pakikiisa ay nagpapakita ng matibay na ugnayan at pagtutulungan ng paaralan at mga magulang para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.
Higit sa lahat, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang na nagbigay ng pahintulot, suporta, at buong tiwala sa kakayahan ng kanilang mga anak. Ang inyong pagtitiwala ang isa sa mga naging inspirasyon ng ating mga batang Scout upang ibigay ang kanilang makakaya at harapin ang bawat hamon nang may tapang at determinasyon.
Binabati natin ang ating pitong batang Scout sa kanilang matagumpay na pagtatapos at kahanga-hangang tagumpay! Ang inyong pagkamit ng Overall Champion 3rd place at iba't ibang parangal ay isang karangalang hindi lamang para sa inyong sarili kundi para sa inyong pamilya, mga g**o, at buong BEES family
Nawa'y ang lahat ng inyong natutunan at karanasan sa Patrol Leader Training Course ay magsilbing gabay sa inyong patuloy na pag-unlad bilang mga batang lider. Higit sa lahat, nawa'y masaya ninyong maibahagi sa inyong mga kapwa Scout at kamag-aral ang inyong mga natutunan, kasanayan, at magandang halimbawa.
Congratulations, Patrol Baboy! Congratulations, Batang Scouts! ๐โ๏ธ๐
Mabuhay ang diwa ng ScoutingโPamumuno, Paglilingkod, Pagkakaisa, at Pagiging Handa!