SMNHS SSG Reunion

SMNHS SSG Reunion

Share

LEADERS

19/11/2022
13/04/2020

CONGRATULATIONS GRADUATES !
“Go confidently in the direction of your dreams. Live the life you have imagined.”
—Henry David Thoreau

Photos from SMNHS SSG Reunion's post 04/02/2019
01/10/2016

October 01 na kamusta na mga Leaders ?
Nalalapit na ang December .. 😊

Photos from SMNHS SSG Reunion's post 15/08/2016

those were the days.....

Photos 22/07/2016

See You later Leaders 🙂

21/07/2016

Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
DISTRICT OF SAN LUIS
STA. MONICA NATIONAL HIGH SCHOOL
______________________________________________________________________________________________________________________

Attend Po Kayo ha!....
Hulyo 22, 2016

Mahal naming Student Leaders,

Isang Pagbati mula sa Supreme Student Government!

Kumusta na? Matagal na din tayong di nagkikita at nagkakasama-sama. Maraming taon na ang lumipas na halos di na natin alam kung anu-ano na nga ba ang mga nangyari at pangyayari sa buhay ng bawat isa.

Bilang isang kaibigan, kaklase, ka-batchmate ,kapwa alumni at kapwa opisyal ng Student Government Organization ng ating Alma Mater –STA. MONICA NATIONAL HIGH SCHOOL (SMNHS), tayo ay may tungkulin para sa bawat isa, ang iparamdam ang ating pagmamahal at pagmamalasakit,, pagtulong kung kinakailangan at alamin kung ano na ba ang nangyari sa bawat isa.

Kailangan din tayo ng ating Sintang Paaralan. Isang malaking kagalakan sa amin na ibahagi na sa kasalukuyan patuloy na umuunlad ang paaralan kaalinsabay ng pag-angat ng galing at talino ng mga mag-aaral. Ngunit sa bawat pag-angat di maiwasan na mayroon pa ring kakulangan sa mga episyenteng pasilidad tungo sa pagpapanatili ng kalinisan, kaayusan , kapayapaan at seguridad sa paaralan kung kaya’t ang Supreme Student Government ay naglunsad ng proyektong SGO/SSG GRAND HOMECOMING sa temang "LEADERS OF YESTERDAY AND TODAY UNITING FOR A CAUSE" na lalahukan ng lahat ng mga naging Student Leaders mula Batch 2000-2016. Ito po ay upang makalikom ng pondo para sa instilasyon ng karagdagang cctv cameras sa loob ng paaralan, pagpapatiles ng stage at iba pang mga kailangan at mahalagang pasilidad. Alalahanin natin na ang tagumpay ng paaralan ay tagumpay ng bawat isa at nating lahat.

Hahayaan ba natin na lumipas ang panahon na hindi tayo nakapagbahagi ng mumunting biyaya para sa ating paaralan at gayundin hindi natin nakikita ang ating mga kaibigan, mga kaklase , ka-opisyal at mga gurong nagsumikap na mabigyan tayo ng tamang edukasyon ? Sila ang ilan sa mga naging instrumento upang marating natin ang tagumpay at kung ano tayo ngayon. Mga taong naging kabahagi at nagsilbing inspirasyon sa ating buhay. Kaya sa darating na Disyembre 2016, tayo ay muling dadalaw sa ating Alma Mater. Sama-sama nating babalikan ang mga nakaraan at saglit nating bigyang daan ang mga lumipas. Ito ay para sa ating lahat. Pasimula pa lamang ito ng muli nating pagsasama-sama.

Kaibigan, dapat nandon ka sa nabanggit na petsa.. Magkita kita tayong muli. Mabuhay ang SGO/ SSG Batch 2000-2016!

Maraming salamat,

ALVIN B. MANCILLA
SSG ADVISER

GEMMA M. HERNANDEZ
Former SSG Adviser

Binigyang pansin ni:

MARITES C. BONIFACIO
Principal II

03/07/2016

Next Meeting:
July 22 (Friday, 2:00 pm)

02/07/2016

Road to REUNION (December 2016)

Want your school to be the top-listed School/college in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Batangas City
4200