15/07/2026
Maraming Salamat po Barangay Haligue Silangan ❤️
Mula sa mga magulang, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mahal na Barangay lalong Lalo na sa ating Pangulo, sa inyong mapagkawanggawang donasyon ng air conditioner para sa ating Child Development Center.
Malaking tulong po ito upang maging mas komportable, ligtas, at kaaya-aya ang kapaligiran ng ating mga munting mag-aaral habang sila ay natututo at naglalaro. Ang inyong kabutihan at malasakit sa edukasyon at kapakanan ng mga bata ay tunay na inspirasyon sa aming lahat.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pagmamahal sa ating komunidad. Nawa'y pagpalain pa po kayo at ang buong barangay ng masaganang biyaya.
Muli, maraming maraming salamat po! 💙🙏