23/06/2026
๐๐๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ-๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐๐ง ๐๐๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ค๐๐ญ ๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐, ๐๐๐๐
23/06/2026
๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฐ๐๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ง๐๐ข๐ฌ ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฅ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐๐จ ๐๐จ๐ข๐ซ ๐๐๐๐ฏ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ข๐ง๐๐ซ!
Isang mapagpala at mabiyayang araw po sa lahat!
Huling Tawag para sa mga nais dumalo sa Coco Coir Weaving Seminar!
Inaanyayahan po namin ang lahat na makibahagi sa Coco Coir Weaving Seminar na gaganapin sa Office of the City Agriculturist (OCVAS Compound, OCVAS Motor Pool), Brgy. Bolbok, Batangas City mula Hunyo 23โ25, 2026, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Sa pagsasanay na ito, matututunan ang paggamit ng coconut fiber (coco coir) bilang pangunahing materyales sa paggawa ng iba't ibang produktong may pakinabang at kabuhayan, tulad ng:
Coco Pots
Plant Hangers
Plant Poles
Coco Twine (Lubog)
Coconet
โ
Tumatanggap pa rin po kami ng mga late attendees. Huwag palampasin ang pagkakataong matuto ng bagong kasanayan at makadagdag sa inyong kabuhayan.
Hatid ng Office of the City Agriculturist at Pamahalaang Lungsod ng Batangas para sa patuloy na pagpapaunlad ng agrikultura at kabuhayan ng mga Batangueรฑo.
Makilahok, matuto, at sama-sama nating paunlarin ang ating komunidad!
22/06/2026
๐๐๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ-๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐๐ง ๐๐๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ค๐๐ญ ๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐, ๐๐๐๐
22/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐-๐๐, ๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Matagumpay na naisagawa ang Training on Food Preservation noong Hunyo 17โ18, 2026 sa Mango Processing Center, OCVAS Compound, Bolbok, Batangas City. Ang pagsasanay ay pinangunahan ng ๐๐จ๐ฆ๐ ๐๐ฑ๐ญ๐๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง ng ๐๐๐๐ข๐๐ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ ๐ซ๐ข๐๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ at dinaluhan ng mga kasapi ng ๐๐๐, ๐๐๐ง๐ ๐จ ๐๐ซ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฌ, ๐๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฌ, ๐๐ญ ๐๐๐ ๐๐ญ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐จ๐ฐ๐๐ซ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ฌ ๐๐ข๐ญ๐ฒ.
Layunin ng programa na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa wastong pagpreserba ng pagkain upang mapahaba ang shelf life ng mga ani tulad ng saging, kamatis, mangga, at mushroom. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang pagkasira at pag-aaksaya ng mga produktong agrikultural habang nagkakaroon din ng dagdag na oportunidad para sa pangkabuhayan.
Bilang bahagi ng pagsasanay, sumailalim ang mga kalahok sa hands-on workshop kung saan aktuwal nilang isinagawa ang pickling o pag-aatsara, wastong sterilization ng mga lalagyan, at paggamit ng dehydrator bilang paraan ng pagtutuyo at pagpreserba ng mga pagkain. Nagbigay ng mahalagang kaalaman at gabay si ๐๐ฌ. ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐๐ฅ๐, ๐ข๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐ก๐๐ ๐๐ฑ๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐๐จ๐ง๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐๐ง๐ญ ng iba't ibang prestihiyosong pribadong kumpanya sa bansa.
Sa pagtatapos ng programa, umuwi ang mga kalahok na may dalang sariling gawang produkto at bagong kaalaman sa food preservation na maaari nilang magamit para sa pagpapalawak ng kanilang kabuhayan at pagdaragdag ng halaga sa kanilang mga ani.
22/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐ & ๐๐๐๐๐๐) & ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐, ๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Bilang bahagi ng programang pangkabuhayan ng JG Summit Olefins Corporation, nagsagawa ng livelihood training para sa mga residente ng Brgy. Pinamucan, Brgy. Pinamucan Ibaba, at Brgy. Simlong, Batangas City upang mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa mga alternatibong pagkakakitaan.
Idinaos ang pagsasanay noong Hunyo 16, 2026 sa Zilkor, Pallocan Kanluran, Batangas City. Tinalakay rito ang paggawa ng dishwashing liquid, liquid detergent, detergent powder, fabric conditioner, at meat products gaya ng tapa at tocino bilang mga produktong maaaring pagkakitaan.
Pinangunahan ang aktibidad ng ๐๐จ๐ฆ๐ ๐๐ฑ๐ญ๐๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง ๐๐ข๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐จ๐ง sa pamumuno ni ๐๐ง๐ . ๐๐ข๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ฌ๐ข๐ ๐๐ง, kasama sina ๐๐ง๐ . ๐๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฒ ๐๐๐๐ฌ๐๐ฆ๐๐ง๐, ๐๐ง๐ . ๐๐ก๐๐ซ๐ฆ๐๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐ญ๐ญ๐จ, ๐๐. ๐๐๐ซ๐ข๐ง๐๐ฅ๐ฅ ๐๐๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐ฒ, at ๐๐. ๐๐๐ฅ๐๐ง๐ข๐ ๐๐ฅ๐ฆ๐๐ซ๐๐ณ, na nagbahagi ng kanilang kaalaman at teknikal na kasanayan sa mga kalahok.
Sa pamamagitan ng programang ito, nabigyan ang mga benepisyaryo ng mga praktikal na kaalaman na makatutulong sa pagsisimula ng maliliit na kabuhayan at sa pagpapabuti ng kanilang antas ng pamumuhay.
18/06/2026
๐๐๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ-๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐๐ง ๐๐๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ค๐๐ญ ๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐, ๐๐๐๐
17/06/2026
๐๐๐ง๐ญ๐๐ฒ ๐๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ-๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐๐ง ๐๐๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ ๐๐๐ฆ๐จ๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐๐ซ๐ค๐๐ญ ๐๐ฌ ๐จ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐๐, ๐๐๐๐
16/06/2026
๐๐๐ซ๐ฏ๐๐ฌ๐ญ ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐๐ฉ๐๐๐ญ๐: ๐
๐ฎ๐๐ ๐จ ๐
๐ ๐ถ๏ธ
Silipin natin ang resulta ng unang trial (Dry Season) ng sili variety na Fuego F1 mula sa East-West Seed.
Bakit nga ba magandang abangan ang variety na ito? Bukod sa matibay ito sa bacterial wilt kahit sa mainit na panahon, konsistent na malalaki ang bunga nito hanggang matapos ang harvest season (+20% higher yield kumpara sa Red Hot!). May average production ito na 2โ3 kg kada puno, at kayang magbigay ng hanggang 380 pcs/kilo kapag maganda ang ulan.
Tapos na ang dry season test, kaya handa na tayo para sa Second Trial ngayong rainy season naman! Stay tuned!