21/12/2023
Mapagpalang Araw po.
Ako po si Jane Khristine Cardano at ang aking asawa na si Vincent Cardano, isang alumni ng SPSHS 1, taga Brgy. Sto. Nino San Pascual Batangas ay lumalapit sa inyo upang hingin ang inyong mga dasal at tulong pinansyal para sa aming baby na si JAN JAVIN CARDANO. Kasalukuyang nasa ICU (nakaintubated) na may sakit na severe pneumonia dito sa SAN ANTONIO LIFE CARE HOSPITAL ng halos 9 days
Two months old palang po ang aming baby at ganitong karamdaman na ang kanyang nararanasan. Kami po ay kumakatok sa inyong mabubuting puso para sa patuloy niyang paggaling. Wala po kami sapat na trabaho upang masuportahan ang patuloy na paglaki ng bill na umabot na ngayon sa 275k hindi pa kasama ang professional fee ng kanyang 3 doctor.
Ano man po ang inyong makayanan mula sa inyong puso sa kahit anong halaga maliit man ito o malaki ay kapag napagsama sama ay isang malaking tulong po para sa aming baby at amin pong lubos na pinagpapasalamat sa inyo. Ang ating Poong Maykapal na po ang siyang magbabalik sa inyo ng gantimpala.
Para po sa gustong magabot ng tulong mula sa inyong mabubuting puso maaari nyo po akong kontakin sa numero na ito 09091213470
Maraming Salamat po. ๐ฅบ