Maraming maraming salamat po sa lahat ng nakiisa, nakinig, nanood at nag live sa ating SECOND SEMESTER BARANGAY DAY. Asahan po ninyo na patuloy akong tutulong at maglilingkod sa inyo sa abot ng akingvmakakaya. I AM VERY HAPPY TO SERVE, AND PROTECT FOR THE WELFARE OF THE GENERAL PUBLIC
Barangay Balagtas, Batangas City
Public Service
BARANGAY AT KALINISAN DAY (BarKaDa) - Barangay Clean Up Day
Tema: Buhayin ang Diwa ng Bayanihan: Magvolunteer Tayong Lahat para sa Kalikasan
Mga ka-barangay,
Kayo po ay inaanyayahan naming makilahok sa isasagawang "Barangay Clean Up Day" bukas, SABADO, September 16, 2023, ganap na ikaapat ng hapon (4:00PM).
Ang inyo pong pakikiisa at pakikipagtulungan ay malaking tulong para sa ating kalikasan at kapaligiran.
14/09/2023
08/09/2023
📌NATIONAL ID REGISTRATION
Para sa mga: limang taong gulang at pataas (5 years old & above)
📌PRINTING OF ePHIL ID
Dalhin lamang ang transaction slip o QR code.
Petsa at Oras: SEPTEMBER 10, 2023, Linggo (9:00AM-3:00PM)
Lugar: AMY MACATANGAY LOMI HOUSE (Katapat ng SITIO 7 CHAPEL)
Hangad po namin na mailapit sa inyo ang serbisyong ito upang masiguro na ang lahat ay mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng Philippine Identification Card na mas kilala bilang NATIONAL ID. Sana po ay mapaglaanan ninyo ito panahon. Maaari pong magpunta dito kahit hindi taga-Sitio 7.
PAUNAWA: Ang ePhil ID po ay maaari ninyong gamitin bilang VALID ID. Ito lamang po ay nakaprint sa papel na maaaring ipa-laminate upang mapakinabangan ng mas matagal.
Maraming salamat po!
08/09/2023
ANNOUNCEMENT📢📢
Para sa mga kakandidato sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) 2023:
Sang-ayon sa sulat na ipinadala ng kapulisan sa aming tanggan, ipinababatid po namin sa inyo ang mga sumusunod;
1.Fill out the Complete Background Information (CBI) Form.
Punan ang mga impormasyon na kinakailangan at isumite sa Police Community Relation (PCR)-Batangas City. Kanya-kanya o per candidate ang pagpapasa nito.
2.Sagutan online ang google form “PERSONAL DATA”. Ang mga tanong dito ay katulad din sa CBI.
https://docs.google.com/forms/d/1xNqg7u0XzVVb5CgUVGrcZyvdkB57zrRvKyRygGpsa70/edit?usp=forms_home&ths=true
Note: Kung may “date of birth” na hindi angkop sa iyo ay ilagay na lamang ang petsa ng araw ng iyong pag-fifill out ng form.
30/08/2023
!!
Mga ka-kabarangay, punta na po kayo!
Ang venue po ay napalipat sa Lomian ni Amy Macatangay. Katapat lang po ito ng Sitio 7 Chapel
Maraming salamat po!
📌NATIONAL ID REGISTRATION
Para sa mga: limang taong gulang at pataas (5 years old & above)
📌PRINTING OF ePHIL ID
Dalhin lamang ang transaction slip o QR code.
Petsa at Oras: AUGUST 27, 2023, Linggo (9:00AM-3:00PM)
Lugar: SITIO 7 CHAPEL
Hangad po namin na mailapit sa inyo ang serbisyong ito upang masiguro na ang lahat ay mabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng Philippine Identification Card na mas kilala bilang NATIONAL ID.
Sana po ay mapaglaanan ninyo ito panahon.
Maaari pong magpunta dito kahit hindi taga-Sitio 7.
Maraming salamat po!
Mabuhay! Sa patuloy na pagganap at pagpapatupad ng serbisyong pang-edukasyon, ang Alternative Learning System (ALS) sa Lungsod ng Batangas ay muling mangangalap ng bagong grupo ng mga mag-aaral para sa taong kasalukuyan 2023.
Kaya naman, lahat po ng OUT-OF-SCHOOL YOUTH (OSY) undergraduate o dropout ng elementarya na may edad na 13 pataas at sekondarya na may edad na 16 pataas na nagnanais makapagpatuloy ng pag-aaral sa ALS ay hinihikayat na makapagpalista at makipag-ugnayan kay ALS Mobile Teacher Jenicah Leynes-Bondad o magtext/tumawag sa numerong 09482509508.
Maraming salamat po.
27/07/2023
📌DONATE BLOOD and SAVE LIVES🩸
A project of Hon. MINDA A. UNTIVEROS in partnership with City Health Office-Batangas City and Barangay Balagtas, Batangas City.
WHAT: Blood Letting Activity
WHEN: August 19, 2023, Saturday (8:00AM)
WHERE: Balagtas Health Center, Sitio 4 Balagtas, Batangas City
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Website
Address
BARANGAY BALAGTAS
Batangas City
4200
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 12pm |