18/06/2026
Lubos po naming ipinapahatid ang aming taos-pusong pasasalamat kay Hon. Dahlia A. Loyola, Punong Lungsod ng Carmona City, sa kanyang kabutihang-loob at pagkakaloob ng freezer para sa Tinga Itaas Elementary School.
Ang kagamitang ito ay malaking tulong sa aming paaralan upang mapanatili ang maayos na pag-iimbak ng mga pagkain at iba pang mahahalagang pangangailangan ng aming mga mag-aaral. Ang inyong suporta ay nagpapakita ng tunay na malasakit sa kapakanan at kapakanan ng sektor ng edukasyon.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtulong at pakikiisa sa mga programang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng aming paaralan at mga mag-aaral. Nawa’y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa inyong paglilingkod sa bayan.
18/06/2026
Matagumpay na isinagawa ng Tinga Itaas Elementary School ang isang earthquake drill ngayong araw, Hunyo 18, 2026, ganap na alas-9:00 ng umaga. Layunin ng gawaing ito na ihanda ang mga mag-aaral, g**o, at kawani ng paaralan sa tamang pagtugon sa oras ng lindol at iba pang sakuna upang mapanatili ang kanilang kaligtasan.
Sa pagsisimula ng drill, maayos na isinagawa ng mga mag-aaral at g**o ang tamang “Duck, Cover, and Hold” bilang unang hakbang sa panahon ng lindol. Matapos ang itinakdang oras, mahinahon at organisadong lumikas ang lahat patungo sa mga nakatalagang evacuation area sa loob ng paaralan. Sinig**o ng mga g**o ang maayos na paglabas ng kanilang mga mag-aaral habang isinagawa rin ang mabilis na pagbilang upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Pinangunahan ni Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Coordinator na si Mrs Imee T. Intac ang aktibidad. Ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang kooperasyon at disiplina sa buong pagsasagawa ng drill.
Sa pamamagitan ng regular na earthquake drill, patuloy na pinalalakas ng Tinga Itaas Elementary School ang kultura ng kahandaan at kaligtasan sa paaralan. Ang gawaing ito ay patunay ng sama-samang pagsisikap ng buong komunidad ng paaralan upang matiyak ang seguridad at kapakanan ng bawat mag-aaral at kawani sa panahon ng sakuna.
16/06/2026
Lubos na pasasalamat ang ipinapaabot ng pamunuan ng Tinga Itaas Elementary School sa Sangguniang Barangay ng Tinga Itaas sa pangunguna ni Pangulong Michael R. Untiveros sa matagumpay na pamamahagi ng school supplies para sa ating mga mag-aaral.
Ang inyong suporta at malasakit ay malaking tulong upang maging handa at masigla ang ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtulong at pakikiisa para sa kapakanan at kinabukasan ng kabataang Tinga Itaas. 💙📚✏️
14/06/2026
Happy Birthday, Ma'am Rosalinda Comia!
May this day bring you happiness and many blessings. We wish you good health and continued success in all that you do.
Happy Birthday, Ma'am, and may God bless you always.
10/06/2026
Ang Tinga Itaas Elementary School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month bilang pagpapakita ng paggalang, pagkakapantay-pantay, at pagtanggap sa bawat isa. Naniniwala kami na ang paaralan ay isang ligtas at inklusibong lugar kung saan ang bawat mag-aaral ay may karapatang matuto, mangarap, at maging tunay sa kanilang sarili.
Sama-sama nating itaguyod ang pagmamahal, pag-unawa, at pagrespeto sa pagkakaiba-iba ng bawat tao.
🌈 Happy Pride Month! 🌈
10/06/2026
District Supervisor, Bumisita sa Tinga Itaas Elementary School sa Unang Linggo ng Pasukan
Nagsagawa ng pagbisita si Dr. Rosalinda P. Comia, Public Schools District Supervisor ng District VI, sa Tinga Itaas Elementary School ngayong araw bilang bahagi ng kanyang monitoring sa pagbubukas ng klase para sa Taong Panuruan 2026–2027.
Sa kanyang pagbisita, sinuri ni Dr. Comia ang class program ng paaralan upang matiyak ang maayos na implementasyon ng mga iskedyul at gawain sa bawat baitang. Inikot din niya ang mga silid-aralan upang makita ang kalagayan ng mga pasilidad at ang kahandaan ng mga g**o at mag-aaral.
Bukod dito, kanyang inusisa ang naging takbo ng opening block at ang mga naging paghahanda ng paaralan para sa pagbubukas ng klase.
Nagpasalamat naman ang pamunuan ng Tinga Itaas Elementary School sa pangunguna ni School Head Mr. Dennis D. Arcega sa patuloy na paggabay at suporta ni Dr. Comia upang matiyak ang kalidad ng edukasyon at matagumpay na pagsisimula ng panibagong taong panuruan.
09/06/2026
PARENTS ORIENTATION TUNGKOL SA THREE-TERM SCHOOL CALENDAR, ISINAGAWA SA TIES
Isinagawa ngayong araw sa Stage Hall ng Tinga Itaas Elementary School ang Parents Orientation na pinangunahan ni School Head Mr. Dennis D. Arcega. Pangunahing tinalakay sa pagpupulong ang pagpapatupad ng Three-Term School Calendar para sa School Year 2026–2027.
Ipinaliwanag sa mga magulang ang iskedyul ng bawat termino, mga bakasyon, at iba pang mahahalagang petsa upang maging handa sila sa mga pagbabago sa school calendar. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pakikiisa ng mga magulang upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng bagong sistema.
Nagpahayag naman ng suporta ang mga dumalong magulang sa mga programang isasagawa ng paaralan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
08/06/2026
Taos-pusong pasasalamat sa COVERWRAP, sa pangunguna nina Sir Kim at Ma’am Whendy Bautista, sa kanilang kabutihang-loob na pag-donate ng sticker para sa service vehicle ng Tinga Itaas Elementary School.
Ang inyong suporta ay malaking tulong sa pagpapaganda at pagkakaroon ng maayos na pagkakakilanlan ng sasakyan ng paaralan. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pagmamalasakit sa aming paaralan at sa kapakanan ng mga mag-aaral.
08/06/2026
Lubos na pasasalamat kay Dr. Aurelia Vivas sa kanyang pagbisita at pagsasagawa ng monitoring sa Tinga Itaas Elementary School noong unang araw ng pasukan, Hunyo 8, 2026.
Ikinagagalak naming ibahagi na nakamit ng paaralan ang 95.35% o Highly Ready na marka sa School Readiness Assessment, na nagpapatunay sa kahandaan ng buong komunidad ng paaralan para sa matagumpay na pagbubukas ng klase.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at pakikiisa ng mga g**o, magulang, stakeholders, at mga katuwang ng paaralan. Maraming salamat po sa inyong suporta at gabay tungo sa de-kalidad na edukasyon para sa ating mga mag-aaral.
06/06/2026
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang, alumni, at stakeholders na nakiisa sa One Time, Big Time Bayanihan sa Paaralan para sa paghahanda ng ating paaralan sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Ang inyong malasakit at pakikiisa ay patunay na ang edukasyon ay tunay na responsibilidad ng buong komunidad. Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta sa Tinga Itaas Elementary School!