27/08/2022
Isang makabuluhang paggunita sa Buwan ng Wika!
Sa patuloy na paglawig ng kaalaman ng bawat isa sa wika, mas nadaragdagan ang ating kaalaman sa kung gaano ito kabuhay, at buhay. Ang mga katutubong wika, bilang dagdag, ang siyang naging pundasyon ng kung ano ang mayroon sa kasalukuyan, kaya nararapat na linangin upang maipakilala natin sa hinaharap.
Samakatuwid, mahihinuha na sa tulong nito ay mas nabibigyang-pagkakataon ang bawat isa upang mas mapahalagahan ang pagiging Pilipino sapagkat ang wika ay nakalilok na sa ating pagkakakilanlan bilang isang indibidwal, at bilang bansang nagkakaisa.
Ating tuklasin, at lubos na pagyamanin ang Filipino at ang mga Katutubong Wika upang tayong lahat ay makalikha ng mas matatag, at mas nagkakabuklod na bansang Pilipinas sa isip, salita, at sa gawa.
Caption by Carlo Panganiban
Layout by Keila Zionne Amihan