Laiyanolohiya
Ang pahinang ito ay repleksyon ng mas malalim na pagtalakay sa mga disiplina ng Araling Panlipunan
10/11/2022
Title: Kung anong bigkas ay siyang baybay
Pictures credited to: Crystal Mae Lumbo
Caption by: Shiena Dimaunahan, Jaero Bernadas
Ang baybayín (baybayin) ay isang makalumang paraan ng pagsulat sa Pilipinas na nanggaling sa eskriptong Brahmi na mula raw pa sa India. Ginagamit ang baybayin ng mga Tagalog, ilang grupo ng Kapampangan, at mga Ilokano(dahil sa impluwensiya ng mga nilathalang dokumento ng mga Espanyol na nasa baybayin). Ang baybayin ay ginagamit ng mga tao noon upang magsulat ng dokumento, para sa tatu, calligraphy, at iba pa.
Maraming ebidensiya ang nagpapatunay na mula pa noong panahon ng mga kastila ay nagagamit na ang baybayin. Isa sa mga halimbawa nito ay ang "Laguna Copperplate inscription" na tinaguriang isa sa mga pinakaunang naisulat na dokumento sa Pilipinas. Sa mahabang panahon na nasakop ng Espanya ang Pilipinas ay sinuportahan nila ang paggamit ng alpabetong baybayin, ngunit ito ay napatigil dahil sa pagpapatupad ng mga kastila sa paggamit ng alpabetong Latin. Mula noon, ay tila naitakwil ang alpabetong baybayín hanggang tuluyan itong hindi nagamit.
Sa kasalukuyan ay nagkaroon ng paghahain sa pagpapabalik ng baybayin bilang pambansang sistema ng pagsulat, sa ilalim ng House Bill no. 4395 o National Script Act 2011 na huling naihain noong taong 2016. Sa kabila naman ng maraming hadlang upang ito ay mapalaganap at mapagaralan ay hindi nito naapektuhan ang maraming tao sa Pilipinas lalo na ang mga estudyante na nagtuturo ng baybayin sa iba't ibang plataporma sa social media kagaya ng Facebook at TikTok. Isa na ang aking kaibigan na si Crystal Mae Lumbo sa maraming interesado sa pagaaral at pagpapalaganap ng baybayin. Ayon sa kanya, ang baybayin ay naisipan niyang pagaralan sa gitna ng pandemya, dahil siya ay naudyok pagkatapos makakita ng post sa Facebook tungkol dito. Base sa kanyang karanasan, ang pagaaral ng baybayin ay hindi madali, pero ito ay unti unti niyang natutuhan sa pamamagitan ng kanyang tiyaga at pagpupursigi.
Malawak na ang kaalaman ni Crystal sa baybayin dahil ito ay nagagamit na niya sa paggawa ng talata. Ang baybayín rin ay nakakapagbigay sa kanya ng kasiyahan dahil yumayabong ang kanyang kaalaman ukol dito. Bukod pa rito, ang pagaaral niya ng baybayin ay parang paglalakbay pabalik sa nakaraan, at isa si Crystal sa maraming estudyante na interesado sa pagsasama ng baybayin sa asignaturang Filipino upang ito ay mapagaralan, "dahil ang baybayin ay isa sa mga sumisimbolo sa ating pagkapilipino at ito'y isang yaman ng bansa na dapat pagaralan at pagyabungin nang sa gayon ay di tuluyang mabaon sa limot." Dagdag pa niya.
"Knowing our ancestors writing system feels great." (Crystal Mae Lumbo)
Mga sanggunian:
https://alioshabielenberg.com/baybayin-and-nationalism/
https://varsitarian.net/filipino/20170831/muling-paggamit-ng-baybayin-dapat-bang-pag-ibayuhin
09/11/2022
POLITICAL SCIENCE
TITLE : I CAN HANDLE THIS!
PICTURES CREDITED TO: Sangguniang kabataan Ng Laiya ibabao, San Juan Batangas
Author by: DONDON DIMAANO & LINDSAY INDICIO
The barangay of Laiya Ibabao elected a new leader, or, as it is called, the captain of our barangay. This was done so that someone would take the lead in matters related to politics. The new captain of our barangay is Mr. Maximo Rosales, who was the first councilor of the barangay, so he was elected as the new captain because our former captain, Jong Ada, was one of the full councilors of our town. That's why Captain Maximo Rosales stepped in as the new captain. Our new captain has the ability or experience when it comes to politics and the management of our barangay, so that's why the people trust that he or they can maintain the order of our barangay, and with the help of other barangay staff, our barangay is getting better and better.
09/11/2022
TITLE: The admiring Captain
Picture/s by: M-jay Orias
Author: Mjay Orias
Essay:
Si Kapitan Felix (elis) Babao ay Kapitan Mula sa Barangay ng Bataan, San Juan, Batangas. Sya ay nagsimula sa pagiging konsehal ng Barangay, Ngunit ng yumao Ang minamahal na dating Kapitan na si Emy Dala ay sya na Ang pumalit dito.
Ngayon ay ating alamin Kung Sino nga ba si Kapitan Emy ng Bataan, si kapitan Emy ay isang Babaeng may pagpapahalaga sa mga kabataan, kababaihan at nakakatanda. Katunayan ay Naipagawa nya ang Barangay hall ng Bataan at maging Ang covered court ng Bataan, lingid sa kaalaman ng nakakarami ay Ang pagiging magaling na Kapitana ni Kapitan Emy Dala Ngunit taong 2020 ng Yumao Ang Minamahal na Kapitan ng Bataan at karamihan sa lahat ay nalungkot sa nabalita na nangyari sa Kapitan ng Bataan.
Ng Yumao Ang Kapitana Emy ay Pinaltan ito ng Pinaka mataas na Konsehal na si Konsehal Felix (Elis) Babao at ngayon ay Kapitan Hindi Hindi man sing galing ng pamumuno ni Kapitan Eme si Kapitan Elis Ang Kapitan ngayon NG Bataan, Maayus nmn syang mamuno at naipapanukala Ang mga batas na meron si Kapitan Elis. Napanatili nya Ang katahimikan ng Bataan sa pamamagitan nya at sa ngayon ay maayus at malinis Ang Barangay Bataan sa Panunungkulan ni Kapitan Felix (Elis) Manalo.
04/11/2022
LINGWISTIKA
Title: Bekimon: Wikang Bahaghari
Picture/s by: Marcuz James Candelaria, Clark Ivan Garcia
Caption by: Marcuz James Candelaria, Margie Del Mundo, Jervil Domingo
Lahat ng lugar, bayan, bansa at maging ang mga barangay ay may kani kaniyang lingwahe at dayalekto. Pero lingid sa kaalaman ng marami ay pati ang mga miyembro ng komunidad na bahaghari na bakla/bading/beki kung kilalanin ay may sariliing dayalekto din na malimit mag bago. Kilala ang dayalektong ito sa tawag na “BEKIMON” o “GAY LINGO”.
Isa sa mga gumagamit ng dayalektong ito ay kaming mga taga rito sa barangay laiya aplaya. Ang lingwaheng ito ay tunay na kwela at napaka malikhain. Ang mga halimbawa nito ay ang salitang “jowa” na ang kahulugan sa ating lingwahe ay “kabiyak ng puso”, “otati” na ang kahulugan sa ating wika ay “bata”, “merlat” na ang katumbas sa ating wika ay “babae”. Kadalasan rin nag dadagdag ng “chi” sa dulo ng salita kapag nakikipag talakayan, halimbawa, “wit ka naman dara chi” ang ibig sabihin ay “hindi ka naman maganda”. Pinaka kwelang parte ng pag gamit ng dayalektong ito ay ang pag gamit nila sa pangalan ng mga kilalang personalidad at bigyan ng ibang kahulugan, halimbawa, ay ang salitang “Stress Drillon” na ang ibig sabihin ay “stress”, “julanis morisette” ang ibig sabihin ay “ulan”, “Anak ni Janice” na ang ibig sabihin ay “anak ng Demonyo”, “Tom Jones” na ang ibig sabihin ay “gutom”.
Marahil marami sa atin ang hindi nakaka pansin ngunit halos lahat tayong miyembro ng makabagong panahon ay gumagamit ng salitang pambakla. Para sa kaalaman ng lahat ang mga salitang “jowa, charot, lafang, chos, pudra, echosera, junakis, anek, keri, mhiema, daks, juts, ditey, keber, wit, pak, ” ay ilan lamang sa dayalektong Bekimon na madalas nating gamitin.
Tunay ngang napaka malikhain at talentado ng mga miyembro ng “rainbow community” para maka likha ng sariling dayalekto na tinatangkilik nating mga miyembro ng maka bagong panahon. Sana kung gaano karami ang tumatangkilik ng kanilang dayalekto ay singtumbas rin nakukuha nilang respeto.
03/11/2022
SIKOLOHIYA
Title: Personalidad bilang pagkakaiba at pagkakatulad
Pictures credited to: Angelica Ramirez, Christine Angel Ramos, Dianna Mendiola, Shaira Dimaunahan
Caption by: Shiena Dimaunahan
Ang mga sikolohikal na tanong o malalim na talakayan ay pumapatok kamakailan lamang. Samakatuwid, ang mga tanong na ito ay pwedeng gamitin ng mga magkakaibigan para sa isa sa isang paguusap upang mas makilala nila ang isa't isa, at upang magkaroon ng mas epektibong komunikasyon.
Kaya naman, kumuha ako sa barangay Imelda ng tatlong kaibigang babae kasama na ang aking kapatid na babae upang sila ay bigyan ng isang sikolohikal na tanong na maaari nilang sagutin batay sa kanilang iba't ibang personalidad. Ang tanong na ito ay malaya nilang nasagutan base sa kanilang opinyon at personalidad.
Bakit tayo nangangarap?
Angelica Ramirez:
Ang pangarap ay pagnanais ng isang bagay o pangyayari na nagmumula sa tuloy-tuloy na daloy ang ating damdamin at isipan. Para sakin ay nangangarap tayo dahil sa ating mga nararananasan sa buhay, mayroong pangarap na masaya at mayroon din malungkot. Ang pagkakaroon ng pangarap ay nakakatulong upang magpatuloy sa buhay dahil hindi tayo maaaring sumuko kung may pangarap tayo na nais matupad. Nangangarap tayo para sa ating sarili, pamilya, at kapwa na sila ring humuhubog at nagiging inspirasyon natin para sa higit na paghahangad pa ng ating pangarap.
Christine Angel Ramos:
Ang pagkakaroon ng pangarap ay mahalagang bagay para sa isang indibidwal dahil ito ang nagbibigay ng direksyon sa buhay ng isang tao. Bata pa lang tayo ay tinatanong na tayo kung ano ang pangarap natin, kung ano ang gusto natin kapag tayo ay tumanda? Bakit nga ba ito ang palaging tanong sa atin? Nangangarap ang isang tao dahil gusto nyang mag grow, gusto niyang umalis, mag step out mula sa dati or kasalukuyan nyang kalagayan. Sa pagkamit natin sa ating pangarap ay mas napapaunlad natin ang ating mga kakayanan at mas nakikilala natin ang ating sarili.
Dianna Mendiola:
Nangangarap ako dahil may goal at may gusto akong i-achieve sa buhay ko na hindi ko nararanasan ngayon. Nangangarap ako para masuklian ko ang hirap na napagdaanan ng mga magulang ko ngayon. At bilang isang kabataan gusto kong maging inspirasyon sa pagkamit nila ng mga nais nilang marating sa kanilang buhay.
Shaira Dimaunahan:
Nangangarap ako dahil mayroon akong mga bagay na gusto kong makamit at maranasan na hindi ko magawa ngayon. Sa oras na makamit ko na ang mga ito, magagawa ko nang matulungan ang aking magulang na naghirap at nagtaguyod sa amin. Bilang isang magaaral gusto kong maipahayag ang aking kagustuhan upang maging inspirasyon ako ng mga katulad kong kabataan na maraming gustong maabot at maging successful sa buhay.
Ang salitang "pagkatao" ay nagmula sa Latin na persona, na nangangahulugang maskara, o sinusuot ng tao bilang kanilang papel sa buhay. Ang ating personalidad ay maaaring tukuyin bilang isang dinamiko at organisadong hanay ng mga katangian na taglay ng isang tao na kakaibang nakakaimpluwensya sa kanyang mga kaalaman, motibasyon, at pag-uugali sa iba't ibang sitwasyon.
Sa ilalim ng teorya ng katangian, iminungkahi ni Carl Jung, isang Swiss psychiatrist na dating estudyante ni Freud, at nagmungkahi ng teorya na tayong mga tao ay may dalawang klase ng personalidad:
Introvert: isang tao na ang enerhiya ng buhay ay nakadirekta sa loob. Siya ay lantaran na hindi nagpapakita ng emosyon, hindi madalas nagpapahayag ng saloobin at damdamin.
Extrovert: ay isang uri ng pagkatao na may pagtuon sa mahalagang enerhiya sa labas ng mundo. Siya ay interesado sa mga bagay, kaganapan at koneksyon ng mundo sa paligid sa kanya, kaibahan sa isang introvert na nahuhulog sa kanyang sariling panloob na puwang ng mga saloobin at karanasan.
Dahil sa teoryang ito ay nahahati rin ang interes ng mga tao, na siyang dahilan kung kaya't iba't iba rin ang pagtugon natin sa mga sitwsyon. Ang teorya ni Jung tungkol sa personalidad ay masasabing isang gabay sa pagkakakilanlan ng isang tao.
Mga Sanggunian:
https://www.slideshare.net/zainsukhera9/personality-theories-29044082
03/11/2022
topic: history
title: ANG PUNO NG BAYABAS
author: mary grace isabela
picture/ caption: mary grace isabela
essay:
Ayon sa aking lola Pancing Taong 1997 nang ilipat sila dito sa site ay maliit pa lamang ang puno ng bayabas sa pagitan ng aming bahay. At makikitang hanggang ngayon ay nakatayo parin ito at patuloy na bumubunga ng matatamis na bayabas.
Maging ako ay saksi sa tatag ng punong ito dahil sa dami ng bagyong dumaan ay wala manlang nakapag patumba dito. Nasaksihan ko narin ang paglagas at pagtuyo ng mga dahon nito maging ang pag bulok ng mga bunga nito. Karaniwan ding makikita tuwing tanghali ang mga ibon na naglalaro at kumakain sa taas ng puno ng bayabas.
Sa katunayan ang isa naming kapitbahay ay sobrang hilig sa bunga ng bayabas sa pagkat ito ay matamis at masarap. Kaya't maging siya ay bilib sa tibay ng punong ito lalo't isa rin siya sa nakasaksi nang lahat ng nangyari sa puno.
02/11/2022
PSYCHOLOGY
TITLE: I have a problem!
Picture by: John Joseph Samarita
Author by: Dondon Dimaano
Lindsay Indicio
ESSAY:
We know that in this day and age we are facing many problems, so some of us are depressed and the only thing that makes us happy is using gadgets. But what they don't know is that we are already facing trials that disturb our thoughts, causing us to lose our sanity. Just like being alone in life, we have no one to lean on when there is a problem. There are also others who are with each other every day but have problems, just like others who lack parental care, so their lives are turned upside down, and because of family problems, because of problems we get diseases. An example here is the loss of sanity.
02/11/2022
Title: Worst thing that I encountered
Author/s: M-jay Orias & Mary Anne Campang
Picture/s by: M-jay Orias/Jillanne Campang/Albert Harina
What is Psychology?
Psychology, scientific discipline that studies mental states and processes and behaviour in humans and other animals.The discipline of psychology is broadly divisible into two parts: a large profession of practitioners and a smaller but growing science of mind, brain, and social behaviour. The two have distinctive goals, training, and practices, but some psychologists integrate the two.
Cellphone is one of the important things that we had, even when we wake up in the morning cellphone is the thing that we need to find, for example, checking notifications, checking time and even playing mobile games.
In most of the world's cases,many children are having back pain,neck pain,eye problem and headache due to the overuse of gadgets. Excessive use of gadgets can also cause mental damage that affects our brain to function normally. It can also cause physical damage that can lead to decreasing social skills and increasing laziness. And this is one of the discipline of psychology, a smaller but growing science of mind, brain and social behavior.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Laiya, San Juan
Batangas City