Timbugan NHS AP Department

Timbugan  NHS AP Department

Share

AP Department updates

17/09/2022
Photos from BSP Balayan NHS Official's post 23/07/2022
18/07/2022

The National Historical Commission of the Philippines - Museo ni Apolinario Mabini, Tanauan and the City Government of Tanauan will be commemorating the 158th Birth Anniversary of Apolinario Mabini with the theme, β€œApolinario Mabini: Dangal ng Pilipino, Tibay ng Paninindigan, Inspirasyon ng Progresibong Bayan” on 23 July 2022, Saturday, 8:00 in the morning at the Museo ni Apolinario Mabini, Tanauan, Brgy. Talaga, Tanauan City, Batangas.



18/07/2022

On July 14, 1906, General Macario Sakay surrendered to the United States. He would be among the last of the Filipino generals fighting since the Philippine Revolution to lay down their arms. The Tondo-born revolutionary entered various jobs in his early years, including being a barber, a tailor, a kalesa (cart) manufacturing apprentice, and even a stage actor. He joined the Katipunan in 1894 with the codename Tagausig (Prosecutor).

Organizing for the Revolution in the Manila area, he would later be imprisoned by the time of the Filipino-American War. During the advent of American rule in the Philippines, Sakay was granted amnesty and became a founding member of the Partido Nacionalista in 1901, which campaigned for Philippine independence through legal means. The 1901 Sedition Law (Act No. 292), however, prohibited advocating for independence, whether through "peaceable or forcible means." Disenchanted with the new setup provided by the United States, Sakay took up arms once more, assuming the presidency of the Republika ng Katagalugan (Tagalog Republic) in May 1902.

Establishing his center of operations in Morong (now Rizal Province, Dimasalang in Sakay's documents), Sakay organized his forces and awarded ranks to integrees who would be able to contribute weapons to the republic. It was also by this time when Sakay decided to keep his hair long, which became an iconic theme for the revolutionary leader. It was said that Sakay was once ambushed while taking a bath. While he survived the incident, he was convinced that personal care would be detrimental to the cause of attaining freedom. He would maintain a long hair until his death. The American government, meanwhile, took every opportunity to put Sakay in bad light, designating him as a bandit, among others.

In 1905, union leader Dominador Gomez was tasked to negotiate with Sakay in exchange for his freedom. Gomez's organization, the Union Obrera Democratica Filipina (UOD), was known to have conducted the first May Day commemoration in the Philippines for labor. The union, however, was also accused of supporting Sakay's activities, leading to arrests which forced members to dissolve the union.

Upon meeting with Sakay, Gomez argued that continued resistance was blocking the way towards the creation of a Filipino national assembly, the next legal step towards independence. Persuaded that a constitutional means was now available for Filipinos, Sakay agreed to end his struggle on the condition that amnesty was granted for all of his troops. Warm reception for Sakay in Manila, however, proved to be a conveniently concealed trap.

On July 17 of the same year (1906), a party supposedly hosted by Cavite Governor Louis J. Van Shaick (a Medal of Honor recipient) led to the disarming and the arrest of Sakay and the revolutionary leaders with him. While the Philippine Assembly was indeed organized and inaugurated in 1907, as provided for by the Philippine Organic Act, Sakay would have no opportunity to participate in the new body.

On September 13, 1907, Sakay was executed by American authorities. His recorded last words would be as follows:

"Death comes to all of us sooner or later, so I will face the LORD Almighty calmly. But I want to tell you that we are not bandits and robbers, as the Americans have accused us, but members of the revolutionary force that defended our mother country, the Philippines! Farewell! Long live the Republic and may our independence be born in the future! Long live the Philippines!"

Learn more about the Philippine Revolution: https://history-ph.blogspot.com/2017/05/bonifacio.html

Follow on Facebook, Twitter, and Tiktok:



Photo (from left to right): Julian Montalan - a Magdalo captain operating in Cavite during the early days of the Philippine Revolution, he would emerge as one of Sakay's leading generals; Francisco Carreon - born in Cotabato and joined the Katipunan with his relative Emilio Jacinto, he would serve as Sakay's vice president; Macario Sakay - president of the Tagalog Republic; Leon Villafuerte - also one of Sakay's generals and was among the planners to kidnap President Theodore Roosevelt's daughter, Alice Roosevelt Longworth.

20/06/2022

Maligayang Kaarawan, Dr. Jose Rizal!

Kaisa ang buong Kagawaran ng Edukasyon sa paggunita ng buong bansa ngayong araw, Hunyo 19, sa ika-161 kaarawan ng isa sa mga bayani ng bansa, Dr. Jose Rizal.

Ngayong araw ng kanyang kapanganakan, ating balikan at ipagbunyi ang kanyang mga aral at kabayanihan at gawin itong inspirasyon sa pagharap sa mga hamon ng kasalukuyang panahon, para sa sarili at sa bansa.

13/05/2022

Today, we commemorate the 119th death anniversary of Apolinario Mabini.

He was a Filipino revolutionary leader, educator, lawyer, and statesman who served first as a legal and constitutional adviser to the Revolutionary Government, and then as the first Prime Minister of the Philippines upon the establishment of the First Philippine Republic. He is regarded as the "utak ng himagsikan" or "brain of the revolution" and is also considered as a national hero in the Philippines. Mabini's work and thoughts on the government shaped the Philippines' fight for independence over the next century.


09/04/2022

Ating gunitain ang katapangan na pinamalas ng ating mga kababayan noong World War II ngayong .

26/02/2022

KAALAMAN: BAGO TAYO MAKISAWSAW SA ISYU NG UKRAINE AT RUSSIA AY ALAMIN MUNA ANG KASAYSAYAN NG KANILANG BANSA

Kahit malayo sa Pilipinas ang bansang Ukraine at Russia ngunit nais natin makialam sa pangyayari pagkat ito ay may kaugnayan at epekto sa buong mundo na pinangangambahang World War III.

Maraming mga balita ngayon na lumalabas patungkol sa invasion ng Russia laban sa Ukraine ngunit ano nga ba ang dahilan kung bakit ito nangyari at totoo ba na nais sakupin ng Russia ang Ukraine?

Balikan muna ang kasaysayan bago natin isipin kung masama ba ang desisyon ng pangulo ng Russia na President Vladimir Putin o may basehan ang kanyang ginagawang hakbang.

Ito ang kanyang speech noong Lunes Feb. 21:
β€œI would like to emphasise again that Ukriane is not just a neighbouring country to us. It is a inalienable part of our own history, culture and spiritual space” "Since time immemorial, the people living in the south-west of what has historically been Russian land have called themselves Russians and Orthodox Christians".

Ayon kasi sa kasaysayan may katotohanan ang pahayag ni Pres. Putin pagkat ang mga lahi ngayon na tinawag na Russian kasama ang Ukrainians at pati ang Belarusians ay pawang nagmumula sa iisang lahi na tinawag noon bilang 'Kievan Rus" o ang "Ancient Rus". Katunayan mula 9th century ang Kyiv na sentrong lugar ngayon sa Ukraine ay ang unang kapital o seat power ng sinaunang lahi ng mga Rus o Ruso na kung saan ang pinagmulan ng pangalang Russian. Kaya tama si Putin sa kanyang pahayag na ang Ukrainian at Russian ay "One people - a single whole".

Noong 1900's ang Ukraine ay nasa ilalim ng Russian Rule hanggang sa pagkabuo ng Soviet Republics o ang USSR (Union of Soviet Socialist Republics) na kung saan ay nagkaroon ng hiwalay na pamamahala ang Ukraine bilang isang rebublika. Ang Moscow na noon ay kapital ng USSR ay naging kapital na ng Russia.

Bakit naging isyu ito ngayon at naging ugat pa ng sigalot na tila mauuwi sa giyera ng Russia laban sa Ukraine. Nagsimula ito sa mga naging presidente ng Ukraine na dahil sa kanilang mga foreign policy. Ang dating mga presidente nito ay pro-moscow o pro-russian government at hindi nakikipaganib sa European Union dahil hindi naman talaga sila European kundi mga lahing Russian. Subalit noong 1993 nagkaroon ng pagaklas ang ilang mga Ukrainian sa sariling nitong gobyerno pabor sa pakikipagsundo sa European Union at napatalsik ng pangulo nito at lumipad patungong Russia. Ngunit marami ang Ukrainian na dismayado sa pangyayaring ito pagkat marami sa kanila ang pro-Russia dahil sila naman talaga ay Russian speaking people at katunayan marami sa kanilang kamag-anak ay mga Russian.

Ngayon sa pamumuno ni Pres. Vladimir Putin ay napansin niya na tila ang dating bahagi ng kanilang bansa na Ukraine ay unti-unti ng nakukuha ng European Union na bahagi naman ng NATO (North Atlantic Treaty Organization). Dito na umaalma ang Russia at ang nais niya mapanatili ang ugnayan ng Russia at Ukraine hindi lamang magkapitbahay na bansa kundi bilang bansang magkaugnay sa layunin. Kung kaya ang nagaganap na military operation ng Russia ay hindi para sakupin ang Ukraine kundi pangalagaan ang kanilang relasyon na nagugat pa sa kanilang lahi at para balaan ang Ukraine government na huwag itong sumali sa NATO na kung saan ang namumuno nito ay ang US. Dahilan ito upang protekahan ng Russia ang sariling bansa laban sa western powers sa anomang panganib pagkat ang Ukraine ang border ng Russia at Europe.


03/12/2021

December 2, 1899. Higit isang siglo na ang nakararaan nang maganap ang Labanan sa Pasong Tirad (Battle of Tirad Pass) sa Ilocos Sur, kung saan nasawi ang 'Batang heneral' na si Gen. Gregorio del Pilar.

Kasunod ng pagkakapaslang kay Gen. Antonio Luna, humina ang puwersa ng mga Filipino, dahilan upang sumuko ang iilan sa mga Amerikano. Ito rin ang naging dahilan kung bakit kinakailangang magtago at tumakas ni Pangulong Emilio Aguinaldo mula sa mga kaaway. Narating nina Aguinaldo ang Pasong Tirad, Ilocos Sur noong November 23, 1899. Upang tuluyang makatakas sa hilagang Luzon si Aguinaldo at ang Unang Republika ng Pilipinas, pinamunuan ni Gen. del Pilar ang 60 mga sundalo sa labanan sa Pasong Tirad sa Ilocos Sur. Nakasagupa nila ang U.S. 33rd Infantry Regiment sa ilalim ng pamumuno ni Maj. Peyton C. March. Isang kasapi ng grupong Tingguian, si Januario Galut, ang nagturo ng daan sa mga Amerikano sa kinaroroonan ng tropa ni del Pilar. Nasawi si del Pilar matapos tamaan ng bala sa leeg. 52 sa 60 mga sundalong Filipino naman ang nasawi sa digmaan.

Ang labanan sa Tirad Pass ay inihalintulad sa pakikipaglaban ni King Leonidas, kasama ang 300 Spartans, sa higit 5,000 mga Persian sa Thermopylae Pass noong Persian War. Dahil dito, binansagan ang Battle of Tirad Pass bilang 'the Philippine Thermopylae'.

18/11/2021

π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—•π—¨π—•π—¨π—žπ—”π—¦ π—‘π—š π—¦π—¨π—˜π—­ π—–π—”π—‘π—”π—Ÿ

Ang Suez Canal ay isang artipisyal na daluyan na matatagpuan sa hilagang-silangang bahagi ng kontinente ng Afrika. Ito ang kumokonekta sa Mediterranean Sea at Indian Ocean sa pamamagitan ng Red Sea. Sa pagbubukas ng kanal na ito, nagkaroon ng direktang ruta para sa pakikipagkalakan sa pagitan ng Europa at Asya. Mas napabilis din nito ang paglalakbay mula Asya patungong Europa dahil hindi na kinakailangan pang umikot ng mga barko sa buong kontinente ng Africa para lamang marating ang Atlantic Ocean na siyang daanan patungong Europa. May haba itong 120 milya na bumabagtas pa-timog mula Port Said sa Mediterranean Sea sa Egypt hanggang sa lungsod ng Suez. Inabot ng sampung taon ang konstruksyon sa daluyang ito bago ito pormal na binuksan noong November 1869.

Taong 1854, nakipagkasundo ang Pranses na si Ferdinand de Lesseps, dating konsul ng France sa Egypt, sa Ottoman governor ng Egypt upang lumikha ng isang kanal na may habang 100 milya na babagtas sa isthmus ng Suez. Isang pandaigdigang samahan ng mga inhinyero ang bumuo ng plano para sa gagawing Suez Canal at noong 1856, nabuo ang Suez Canal Company na siyang mangangasiwa sa paggawa ng daluyan. Sinimulan ang konstruksyon sa kanal noong April 1859. Noong una’y manu-manong hinuhukay ng mga piko at pala ang kanal sa pamamagitan ng sapilitang paggawa. Kalaunan, dumating ang mga manggagawa mula Europa na may dalang makinaryang pangbukal ng mga lupa. Naantala ang paggawa sa kanal kasunod ng sigalot sa trabaho at cholera epidemic. Matapos ang sampung taon, noong November 17, 1869, binuksan ang Suez Canal. Sa ngayon, tinatayang higit 50 barko ang tumatawid sa kanal na ito.

Malaki ang papel na ginampanan ng Suez Canal sa paghubog ng nasyonalismo ng ating bansa. Sa pagbubukas nito, mas napadali ang paglalakbay mula Pilipinas patungo sa Europa. Mas nakakaraming Filipino na rin ang nabigyan ng pagkakataong makapaglakbay at makapag-aral sa Europa, kabilang na si Jose Rizal na makailang beses dumaan sa kanal na ito (ang una niyang pagtawid rito ay noong June 1882). Napadali rin ang paglabas-masok ng mga mangangalakal at sistema ng komunikasyon sa Pilipinas. Ang pinakamahalaga sa lahat, mas napadali ang pagpasok ng mga liberal na kaisipan mula sa Europa dulot gaya ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, pagkakapatiran at kapayaan sa Pilipinas dahil upang lalong yumabong ang diwang-nasyonalismo sa bansa. Ang mga liberal na kaisipang ito sa Europa ay bunga ng Rebolusyong Pranses, at mga akda nina Voltaire, John Locke at Jean Jacques Rousseau.

Photos from National Quincentennial Committee, Republic of the Philippines's post 21/10/2021
Want your school to be the top-listed School/college in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Timbugan Rosario Batangas
Batangas City