15/08/2026
107208-SCHOOL ID
15/08/2026
10/08/2026
Isang taos-pusong pasasalamat at pagbati sa ating mga magigiting na batang lumahok sa 2026 Sub-Office Search for Singing Kid & Thatโs My KAB! ๐
๐ถ
๐ Singing Kid Participant โ Elijah Xadiel R. Casapao
Maraming salamat sa iyong tapang, talento, at buong pusong pag-awit! Ipinakita mo na ang tunay na husay ay hindi lamang nasusukat sa resulta, kundi sa lakas ng loob na humarap, mangarap, at ibahagi ang iyong talento. ๐ค๐
๐ Thatโs My KAB Participant โ Dylan Andrew C. Vergara
Saludo kami sa iyong confidence, energy, at husay! Ipagpatuloy mo ang pagiging isang batang may talento, disiplina, at magandang halimbawa sa kapwa Kab Scout. โ๏ธ๐ถ
๐ท Maraming salamat din sa ating mga magulang na walang sawang sumuporta, naghatid-sundo, nag-encourage, at naging sandigan ng ating mga bata. Ang inyong oras, pagod, at pagmamahal ay malaking bahagi ng kanilang tagumpay. โค๏ธ
๐ Isang espesyal na pasasalamat at pagkilala sa mga g**ong naging gabay at katuwang:
๐ถ Mam Dorotie Magsino โ Kid Leader
๐ถ Mam Belle Villanueva โ Gurong Tagapayo
โ๏ธ Mam Maricel Manalo โ Kawan Leader
โ๏ธ Mam Sevilla H. Endaya โ Gurong Tagapayo
At higit sa lahat, maraming salamat sa ating mga magulang, g**o, at buong school community na patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kakayahan ng ating mga bata. ๐๐
Elijah at Dylan, you may be young, but you have already shown us something bigโCOURAGE, TALENT, and HEART. ๐
Patuloy kayong umawit, mangarap, matuto, at magningning! โจ
Proud kami sa inyo! ๐ฅฐ๐๐คโ๏ธ
10/08/2026
Sa gitna ng patuloy na pag-ulan ๐ง๏ธ
Isinagawa ngayong araw, Agosto 10, 2026, ang inspeksyon sa bawat bahagi ng Coral na Munti Elementary School upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani.
Habang patuloy na minomonitor ang kalagayan ng ating paaralan, nananatili muna sa kanilang mga tahanan ang ating mga mag-aaral at ipinagpapatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng Modular Distance Learning.
Sa kabila ng hamon ng masamang panahon, nananatiling matatag ang ating adhikain: Ituloy ang edukasyon, unahin ang kaligtasan.
Dahil sa dedikasyon ng ating mga g**o, suporta ng mga magulang, at determinasyon ng bawat mag-aaral, patuloy nating naipahatid ang makabuluhan at de-kalidad na pagkatuto saan man naroroon.
Ang kaligtasan ng bawat isa ang ating pangunahing prayoridad. ๐
07/08/2026
Ang DepEd Coral na Munti ES - Batangas Province ay buong pusong nakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 sa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Sa temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," ating ipinapakita na kayang magsabay ang ating sariling wika at makabagong teknolohiya tungo sa mas makabuluhang pagkatuto, mas malawak na pananaliksik, at mas mabilis na pagbabahagi ng kaalaman.
Patuloy nating mahalin, gamitin, at pagyamanin ang ating wikang Filipinoโang wikang nagbubuklod sa ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
๐โค๏ธ Wika natin, Kinabukasan natin!
Maligayang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 mula sa buong pamilya ng Coral na Munti Elementary School.
31/07/2026
Thank you so much Zumba Mabini -๐
Pawis, ngiti, at positive vibes lang! See you sa next session ๐ฅฐ
Thank you po sa mga organizers at sa lahat ng nakisayaw๐ซถ
17/07/2026
โ
SPTA ELECTION S. Y. 2026-2027
Congratulations to the newly elected officers of the School Parents-Teachers Association (SPTA) for the School Year 2026โ2027!
We look forward to your meaningful contributions and successful initiatives in the years ahead.
May God bless you with wisdom, strength, and compassion as you serve our school community. Once again, congratulations to all and we wish you a fruitful, productive, and successful term of service.
13/07/2026
The Agoncillo PNP joined the Flag Raising Ceremony at Coral Na Munti ES, strengthening partnership, unity, and shared commitment to nation-building.
10/07/2026
๐ Congratulations! ๐
Warmest congratulations to Maโam Dorotie Magsino on her promotion from Teacher I to Teacher III.
Your hard work, dedication, and commitment to teaching truly inspire many. Wishing you continued success as you guide and shape the minds of your learners.
We are proud of you Ma'am Do๐ซถ.
24/06/2026
DONATE A UNIFORM, HELP A SCOUT PROJECT INILUNSAD NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG AGONCILLO, GIRL SCOUT OF THE PHILIPPINES AT BOY SCOUTS OF THE PHILIPPINES ๐ต๐ญโจ
Ilulunsad po natin ang proyektong ito para mas dumami pa ang girl scouts at boy scouts sa ating bayan.
Yung mga nakatago lang po sa aparador at tampipi na mga uniform po ng scouts, pede na po yang mapakinabangan ng ating mga bata. ๐
Yan man po ay medyas, neckerchief, kalabaw, sumbrero, tshirt, formal, o kung alin man pong gamit ng scout ay malugod po naming tatanggapin, sana lang po ay yung talagang magagamit pa. ๐
Bawat school po ay maglalagay ng boxes para sa inyong donations. Kasabay na din po ang pag identify sa potential beneficiaries.
Yan po ay isosort po namin at mayroong ceremony para sa turn over sa benes.
2 weeks lang po ito magru-run simula po bukas June 22 hanggang July 3, 2026.
Kaya, umpisahan na po natin ang paghalungkat sa ating gamit.๐
Base sa aking personal na karanasan, napakalaki po ng impact ng scouting sa buhay ng kabataan, kaya tulungan po natin sila.๐โค๏ธ