DepEd Tayo Alupay ES -Batangas Prov.

DepEd Tayo Alupay ES -Batangas Prov.

Share

Education provider

09/04/2026

HAPPY BIRTHDAY MA'AM ERIKA A. AGUILA

“Happy Birthday to a wonderful teacher! Your passion for teaching and dedication to your learners inspires us all. May your special day be filled with joy and wonderful memories.”
Again, Happy Birthday Ma'am Eka!

Greetings From:
AES Family

Photos from DepEd Tayo Alupay ES -Batangas Prov.'s post 04/04/2026

ARAW NG PAGKILALA 2026

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Alupay Elementary School sa matagumpay na pagdaraos ng Araw ng Pagkilala para sa Taong Panuruan 2025–2026.

Ang pagdiriwang na ito ay pagkilala sa sipag, tiyaga, at kahusayan ng ating mga mag-aaral. Ang tagumpay nito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan ng mga g**o, magulang, at buong pamayanan sa pangunguna ng Punong G**o III, Gng. Marissa D. De Ocampo.

Taos-puso rin naming kinikilala ang School Governance Council (SGC) at Alumni Chairperson na sina G. Crispulo H. De Castro at Gng. Flocerfida L. Roxas, ang Pangulo ng SPTA na si G. Rimcool M. Limbo, at lahat ng miyembro ng SGC at opisyal ng SPTA sa kanilang patuloy na suporta.

Mabuhay ang Alupay Elementary School!
Mabuhay ang ating mga pinarangalan!

Photos from DepEd Tayo Alupay ES -Batangas Prov.'s post 01/04/2026

ARAW NG PAG-ANGAT 2026

Isang taos-puso at marubdob na pasasalamat ang ipinapaabot ng Alupay Elementary School sa pamumuno ni Gng. Marissa D. De Ocampo, Punong G**o III sa lahat ng naging katuwang sa matagumpay na pagdiriwang ng Araw ng Pag-Angat ng mga batang Kindergarten para sa Taong Panuruan 2025–2026.

Ang tagumpay ng gawaing ito ay sumasalamin sa matibay na pagkakaisa at sama-samang pagtutulungan ng buong paaralan at pamayanan, na nakaangkla sa temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao.”

Lubos naming kinikilala at pinasasalamatan ang ating panauhing tagapagsalita, G. Jerik A. Gunay sa kanyang makabuluhang pagbabahagi ng kaalaman, inspirasyon, at mahahalagang mensahe na nagsilbing gabay at motibasyon sa ating mga mag-aaral.

Taos-puso rin ang pasasalamat sa mga iginagalang na panauhin mula sa lokal na pamahalaang Barangay, Kgg. Ysa Ponpon, Kgg. Ana Marie Solis at Kgg. Crisanta P. Lat (Barangay Education Committee); gayundin sa SGC at Alumni Chairperson Chairman, G. Crispulo H. De Castro at Gng. Flocerfia L. Rxas.. Ang inyong presensya at suporta ay naging mahalagang bahagi sa tagumpay ng pagdiriwang na ito.

Taos-puso rin naming pinasasalamatan ang mga magulang na naging katuwang sa masusing paghahanda, pag-aayos, at paglilinis ng paaralan upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagdaraos ng programa. Gayundin, lubos ang aming pasasalamat sa Wacky’s Food House, sa pamumuno ni G. Melvin Virtusio, sa kanilang kabutihang-loob na pagpapahiram ng mga electric fans upang matiyak ang maayos at preskong daloy ng programa para sa lahat ng dumalo.

Sa inyong lahat, ang Alupay Elementary School ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong patuloy na pakikiisa, malasakit, at suporta. Nawa’y magpatuloy ang ating sama-samang pagsusumikap tungo sa higit pang pag-unlad at sa paghubog ng isang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga mag-aaral.

Muli, maraming salamat po at mabuhay ang Alupay Elementary School!

Photos from DepEd Tayo Alupay ES -Batangas Prov.'s post 01/04/2026

IKA-99 NA PAGTATAPOS NG ALUPAY ELEMENTARY SCHOOL, MATAGUMPAY NA IPINAGDIWANG!

Buong galak at taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Alupay Elementary School sa matagumpay na pagdaraos ng Ika-99 na Pagtatapos para sa Taong Panuruan 2025–2026 na may temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao.”

Ang tagumpay ng makabuluhang pagdiriwang na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, pagkakaisa, at dedikasyon ng bawat isa—mula sa mga g**o sa pangunguna ng Punong G**o III, Gng. Marissa D. De Ocampo, mga magulang, mag-aaral, at buong pamayanan—na buong pusong nag-alay ng kanilang panahon, suporta, at pakikiisa.

Lubos din ang aming pasasalamat kina Education Program Supervisor, Marian L. Arias, EdD, at Public Schools District Supervisor (PSDS), Lucky May L. Pasia, EdD, sa kanilang mahalagang presensya at patuloy na paggabay. Taos-puso rin naming kinikilala ang ating mga panauhing tagapagsalita, sina G. Rembert D. Sus at PLT. Mylen E. Macaraig, sa kanilang pagbabahagi ng inspirasyon, karunungan, at mga mensaheng nagbibigay-lakas at pag-asa sa ating mga nagsipagtapos.Ang presensya nina Gng. Crispa Roallos, Gng. Myrna Rosales, Gng. Sally Mendoza at Doc Janice Mendoza na nag laan ng panahon at oras upang maging bahagi ng mahalagang okasyon para sa mga mga aral ay lubos na pinasasalamatan at pinahahalagan.

Ipinapaabot din ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan: sa Kgg. Municipal Mayor Leovigildo K. Morpe, na kinatawan ni G. Larry Legarte; sa mga Barangay Functionaries sa pangunguna ng Punong Barangay, Kgg. Danilo G. Pasigan, na kinatawan ni Kgg. Ysa Ponpon (Komite sa Disaster and Health), kasama sina Kgg. Crisanta P. Lat (Komite sa Edukasyon) at Kgg. Trisha Ricafrente (SK Kagawad). Gayundin, taus-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot kina Alumni Chairperson G. Crispulo H. De Castro at Gng. Flocerfida L. Roxas, pati na rin sa Pangulo ng SPTA, G. Rimcool M. Limbo, sa kanilang mahalagang ambag at suporta.

Ang pagkilala at pasasalamat kina G. at Gng . Constancio Roxas at sa buong pamilya sa pag kakaloob sa mga nagsipagtapos ng regalo.

Buong pagkilala rin ang aming ipinapaabot sa mga magulang na naging katuwang sa masusing paghahanda at paglilinis ng paaralan upang maging maayos, ligtas, at kaaya-aya ang daloy ng programa. Kaalinsabay nito, taus-puso rin naming pinasasalamatan ang Wacky’s Food House sa pamumuno ni G. Melvin Virtusio sa kanilang kabutihang-loob na pagpapahiram ng mga Industrial fans, na naging malaking tulong upang mapanatiling maaliwalas at komportable ang kapaligiran sa buong pagdiriwang.

Ang matagumpay na selebrasyong ito ay patunay na sa pagkakaisa at pagtutulungan, anumang mithiin ay maisasakatuparan.

Muli, maraming salamat po sa inyong lahat.
Mabuhay ang Alupay Elementary School!
Mabuhay ang Batch 2025–2026!

29/03/2026

Happy Birthday, Ma'am Nikki A. Corpuz! 🎉

Your brilliance and dedication truly shine in all that you do—from supporting school programs to managing important tasks with excellence. You are a valuable asset to the school community, working hand in hand with the whole team. Wishing you good health, happiness, and more success in the years ahead. God bless you always! 💙
Greetings from: Alupay ES Family

25/03/2026

HAPPY BIRTHDAY MA'AM RICHADEL C. ALDAY!

Your passion for teaching and your genuine care for your learners make a difference every single day. May your birthday be as inspiring and wonderful as the lives you continue to shape.

Wishing you happiness, good health, and continued success! Again, Happy Birthday Ma'am Chadel!

Greetings From:
Alupay ES Family

Photos from DepEd Tayo Alupay ES -Batangas Prov.'s post 22/03/2026

Congratulations, Ma’am RICHADEL C. ALDAY, on achieving another remarkable milestone—your Master’s Degree! Your dedication, perseverance, and passion for excellence truly shine through this accomplishment. You continue to inspire those around you with your commitment to growth and learning. Wishing you even more success and fulfillment in the journey ahead. Well done!
Again, Congratulations, Ma'am Chadel!

20/03/2026

HAPPY BIRTHDAY MA'AM CHERRY M. CABINIAN!
May your special day be filled with joy and your year ahead be blessed with success, good health, and continued accomplishments. Thank you for your hard work and dedication. We truly appreciate everything you do for the school.
Again, Happy Birthday, Ma'am Che!

Greetings from:
AES Family

Photos from DepEd Tayo Alupay ES -Batangas Prov.'s post 14/03/2026

HAPPY BIRTHDAY MRS. FLOCERFIDA L. ROXAS!

Happy Birthday to our esteemed SGC Chairwoman of Alupay Elementary School.

We sincerely thank you for your whole-hearted generosity and unwavering support for our learners. Your kindness and dedication greatly contribute to providing better opportunities and a brighter future for our learners.

May you be blessed with good health, happiness, and continued success. Thank you for being a true blessing to our school community.

Photos from DepEd Tayo Alupay ES -Batangas Prov.'s post 13/03/2026

A Successful and Meaningful Milestone for Alupay Elementary School!

Alupay Elementary School, under the leadership of Mrs. Marissa D. De Ocampo, School Principal III, proudly celebrated the Ribbon Cutting, Turnover Ceremony, and Signing of the Deed of Donation for its newly repaired and constructed school buildings.

This remarkable achievement was made possible through the generosity and unwavering support of our valued donors, Mr. Ng Leung Shun and Mr. George Sy, together with the Batangas Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FCCCII), led by its president, Mr. W***y Wong.

We extend our heartfelt gratitude to our distinguished guests and partners who graced the occasion, including our education leaders Dr. Lucky May L. Pasia, PSDS of Rosario East District, and Dr. Orlie G. Del Mundo, PSDS of Rosario West District; our local government representative Hon. Atanacio G. Zara, Municipal Vice Mayor; and our valued community and school partners, the SPTA and SGC officers, along with our stakeholders, whose presence and support made this event even more meaningful.

The program also included the Turnover and Signing of the Deed of Donation for Tulos Elementary School, led by Mr. Glen Patupat, Principal I, highlighting the donors’ continued commitment to supporting education across the community.

Your generosity and dedication to education will leave a lasting impact on the lives of our learners and the entire school community.

From the bottom of our hearts, maraming salamat po sa inyong lahat for being part of this significant milestone for Alupay Elementary School!

Photos from DepEd Tayo Alupay ES -Batangas Prov.'s post 08/03/2026

Lubos po kaming nagpapasalamat sa ating mga kapulisan na patuloy na nagbabantay at nagsasaayos ng daloy ng trapiko sa paligid ng paaralan. Dahil sa inyong presensya at maagap na pagbabantay, nagiging ligtas at maayos ang pagpasok ng ating mga mag-aaral.

Ang inyong dedikasyon sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad ay malaking tulong upang mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga bata.

Maraming salamat po sa inyong tapat na serbisyo sa komunidad at sa ating paaralan!

Want your school to be the top-listed School/college in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Alupay, Rosario, Batangas
Batangas City
4225