BSEd Filipino 4101

BSEd Filipino 4101

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BSEd Filipino 4101, Public School, Batangas City.

Photos from BSEd Filipino 4101's post 06/01/2026

Ika-06 ng Enero 2026, muling masasaksihan ang mga natatanging mag-aaral na nagpakita ng sipag, tiyaga, talino, at dedikasyon sa kanilang kurso. Ang mga gabing walang tulog, pagod na katawan at isipan, at bawat butil ng pawis at luha, maging ang hindi matatawarang sakripisyo upang maitawid ang unang semestre ng ikaapat na taon sa kolehiyo ay nagbunga na. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy ang tapang at dedikasyon sa huling semestre. Hindi ito katapusan, kundi simula pa lamang ng mas malalaking tagumpay. Huling semestre na lang kaya laban pa. Kaunti na lang at patungo na tayo sa tunay na tagumpay.
β€Ž
β€ŽNarito ang mga natatanging mag-aaral mula sa BSEd Filipino 4101 na nagpakita ng galing sa kanilang kurso.
β€Ž
β€ŽPagbati, BSEd Filipino 4101! πŸ₯³β€οΈ
β€Ž

19/12/2025

Pahabol na pagbati ng isang Maligaya at Mapagpalang Kaarawan, Bb. Angelica! πŸ€—πŸ’—

Sa nagdaang espesyal na araw mo hanggang sa susunod na araw, nawa'y bigyan ka pa ng lakas ng pangangatawan, tatag ng loob at kumpiyansa sa sarili upang magpatuloy sa buhay. Ang kagandahan ng iyong puso ay tunay na nakapagbibigay ng inspirasyon sa iba. Ang iyong ngiti ay tunay na kahali-halina. Nawa'y huwag kang mapagod ngumiti at magbigay ng ngiti sa aming mga labi.

Muli, Maligayang Kaarawan sa'yo, Bb. Angelica!πŸ’—

17/12/2025

Pahabol na pagbati rin ng isang maligaya at mapagpalang kaarawan, Bb. Jesha!πŸ€—πŸ’—

Sa nagdaang espesyal na araw mo hanggang sa mga susunod na araw, hiling namin na magkaroon ka ng payapang puso't isipan at makamit lahat ng ninanais sa iyong buhay. Maraming salamat sa pagbibigay ng ngiti at inspirasyon sa iba. Ang iyong mga salita ay tunay na nagbibigay pag-asa. Lagi mong tatandaan, nag-iba man ang iyong inuuwiang tahanan ay narito pa rin kami sa oras na kailangan mo ng matatakbuhan.

Muli, Maligayang Kaarawan sa'yo, Bb. Jesha! πŸ«‚πŸ’—

17/12/2025

Maligayang Kaarawan, Bb. Vera!

Isang masayang pagbati sa iyong kaarawan, Binibini. Sana’y maging espesyal ang araw na ito na puno ng ngiti, tawanan, pagmamahal at matatamis na alaala mula sa iyong mga kaibigan at pamilya. Nawa’y patuloy kang pagpalain ng kalusugan at maging inspirasyon ng nakararami. Hangad namin na maging matagumpay ka sa landas na iyong pinili. Padayon, Ma’am!

Dalangin naming patuloy mong asamin sa Panginoon ang Mga Awit 139: 14-16:

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.

Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin, sa loob ng bahay-bata doo'y iyong napapansin; lumalaki ako roong sa iyo'y di nalilihim.

Ako'y iyong nakita na, hindi pa man isinilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito'y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam. πŸ™πŸ»β€οΈβ€πŸ”₯πŸ™ŒπŸ»

Muli, mula sa Fil 01, Isang Maligayang Kaarawan sa’yo, Bb. Vera! πŸ€—πŸ₯³

17/12/2025

"Magaling na ang huli kaysa wala"🀣

Pahabol na pagbati ng isang Maligaya at Mapagpalang Kaarawan, Bb. Allyssa! πŸ€—πŸ’—

Isang masaya at makulay na pagbati sa iyong espesyal na araw mula sa Fil 01. Sa pagtatapos ng unang semester, maipagdiwang mo sana ito nang may ngiti at pagmamalaki. Madama mo sana ang pahinga na deserved mo. Nawa’y makamtam mo rin ang tagumpay na iyong minimithi. Hangad namin ang mas marami pang oportunidad para sa iyo. Padayon, Ma’am Allyssa!

Muli, Maligayang Kaarawan, Bb! πŸ₯°πŸ₯³

β€œSapagkat alam Kong lubos ang mga plano Ko para sa inyo,' sabi ng Panginoon, 'mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang puno ng pag- asa."
- Jeremias 29:11❀️‍πŸ”₯

07/12/2025

Maligayang Kaarawan, Bb. Drestie! πŸ€—πŸ₯³

Sa espesyal na araw na ito, nawa'y bigyan ka pa ng lakas ng pangangatawan, katatagan ng loob, at kumpiyansa sa sarili upang magpatuloy sa ninanais mo sa buhay. Maraming salamat sa pagbibigay ng ngiti at inspirasyon sa iba. Nawa'y makamit mo ang lahat ng hangarin mo sa iyong buhay at maging inspirasyon ang lahat ng iyong natutuhan upang magtagumpay sa buhay.

Dalangin nami'y maranasan mo ang words at promises ni Lord sa Mga Awit 20:4-5:

Nawa'y ipagkaloob Niya ang iyong hangarin,
at sa iyong mga plano, ika'y pagtagumpayin.

Sa pagtatagumpay mo kami ay magbubunyi,
magpupuri sa Diyos sa aming pagdiriwang.
Ibigay nawa ni Yahweh ang lahat mong kahilingan.

πŸ™πŸ»β€οΈβ€πŸ”₯πŸ™ŒπŸ»

Muli, mula sa Fil 01, isang Maligayang Kaarawan sa'yo, Bb. Drestie!

01/12/2025

Maligayang Kaarawan, Bb. Alliah!πŸ₯³πŸ’—

Sa pagsisimula ng Disyembre, nawa’y mas maging makulay at masaya ang araw na ito. Nawa’y mas lalo pang dumami ang biyayang darating sa’yo. Deserve mo lahat ng magagandang bagay dahil puno ng pag-asa at saya ang iyong puso. Alam namin na magiging mahusay kang g**o at magsisilbing inspirasyon sa bawat mag-aaral sa hinaharap. Patuloy ka lamang mangarap. Padayon, Ma’am!

Muli, Maligayang Kaarawan, Bb. Alliah!

3 Juan 1:2
Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.πŸ™πŸ»β€οΈβ€πŸ”₯

27/11/2025

π‘€π’Άπ“π’Ύπ‘”π’Άπ“Žπ’Άπ“ƒπ‘” π’¦π’Άπ’Άπ“‡π’Άπ“Œπ’Άπ“ƒ, 𝐡𝒷. 𝐸𝓇𝒾𝒸𝒢! πŸ€—πŸ₯³

Sa espesyal na araw na ito, hangad namin ang kasiyahan at kapayapaan sa iyong puso't isipan. Maraming salamat sa pagbibigay ng kasiyahan at inspirasyon sa iba. Hiling namin na sana ay matupad mo ang lahat ng ninanais mo sa buhay at gamitin ang lahat ng iyong mga natutunan upang magtagumpay. Nawa ay panatilihin mo ang pagbibigay ngiti sa aming mga labi upang maghatid ng inspirasyon, saya, at pag-asa.

Muli, ang buong BSEd Filipino 01 ay lubos na bumabati sa'yo ng isang Maligayang Kaarawan, Bb. Erica!🫰🏻

'Sapagkat nalalaman Ko ang mga planong inilaan Ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon , β€˜mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan. '
-Jeremias 29:11❀️‍πŸ”₯

07/11/2025

Maligayang Kaarawan, Bb. Ella! πŸ₯°πŸŽ‰

Isang pagbati ng maligayang kaarawan sa isa sa masipag na kaklase at palaban na bise presidente ng Fil 01, ang future teacher na kasalukuyang nilalaban ang pinakamalupit na kalaban ng lahat...ang THESIS! πŸ˜…

Sana sa pagdiriwang mo ng iyong kaarawan ay mapuno ng galak at pagmamahal ang iyong puso mula sa mga taong mahalaga sa iyo. Nawa'y marami pang biyaya ang dumating para sayo. Hangad namin palagi ang iyong tagumpay, kag**o. Padayon Ma'am!

Muli, Maligayang Kaarawan, Bb. Ella! 🀍

01/11/2025

Maligayang Kaarawan, Bb. Angel! πŸ€—πŸ₯³

Sa espesyal na araw na ito, nawa'y bigyan ka pa ng lakas ng pangangatawan, tatag ng loob at kumpiyansa sa sarili upang magpatuloy sa buhay. Ang kagandahan ng iyong puso ay tunay na nakapagbibigay ng inspirasyon sa iba. Ang iyong ngiti ay tunay na kahali-halina. Nawa'y huwag kang mapagod ngumiti at magbigay ng ngiti sa aming mga labi.

Muli, Maligayang Kaarawan sa'yo, Bb. Angel!

Mga Awit 37:4❀️‍πŸ”₯
'Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan. '

28/10/2025

Maligayang Kaarawan sa iyo, Bb. Shyna! πŸ₯³πŸŽ‚

Isang makulay at masiglang pagbati mula sa Fil 4101! Nawa'y maging masaya at puno ng pagmamahal ang espesyal na araw na ito para sa iyo. Ipagpatuloy mo lamang ang paghahatid ng saya sa bawat taong nakapaligid sa iyo. Nawa'y ang iyong mga ngiti at magandang pakikitungo mo sa lahat ay madala mo hanggang sa ikaw ay maging ganap nang isang g**o. Hiling namin ang mas marami pang oportunidad para sa iyo. Gayundin, hiling namin ang iyong tagumpay sa propesyon na iyong minimithi. Padayon, Bini Shyna!

Muli, Maligayang Kaarawan! πŸ€πŸŽ‰

'Nawa'y ipagkaloob Niya ang iyong hangarin, at sa iyong mga plano, ika'y pagtagumpayin. ' -Mga Awit 20:4

28/10/2025

Isa pang pahabol na pagbati para naman sa ukelele girlyyy ng 01, binibining Clarisse!πŸ€—πŸ’—

Isang Mapagpala at Maligayang Kaarawan!πŸ₯³

Sa nagdaang espesyal na araw mo hanggang sa mga susunod pang araw sa buhay na pinagkakaloob sa'yo, dalangin namin na makamtan mo ang tunay na kaligayahan at kapayapaan ng iyong puso't isipan. Maraming salamat sa patuloy mong pagsisikap at katatagan sa kabila ng mga hamon ng buhay. Sa iyong bawat ngiti at tawa, tiyak na ang lahat ay napapasaya. Nawa'y mapawi ng bawat ngiti mo ang bigat ng iyong nararamdaman, at sa bawat tawa mo, madama mo sana ang pagmamahal ng mga taong tunay na nagmamalasakit sa'yo. Padayon, Ma'am! Ika'y malayo-malayo naπŸ«‚

Muli, Maligayang Kaarawan, Bb. Clarisse!

'Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa. ' -Mga Awit 34:18❀️‍πŸ”₯

Want your school to be the top-listed School/college in Batangas City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Batangas City