20/08/2026
Ang Paaralang Primarya ng Caw-i (Caw-i Primary School) ay matagumpay na nagdiwang ng Buwan ng Wika ngayong ika-dalawampung araw ng Agosto, Dalawang libo, dalawampu't-anim (Agosto 20, 2026) ganap na ika-3 ng hapon na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon"
Ako'y lubos na nagpapasalamat sa mga g**o mula kindergarten hanggang sa grade 4 Gng. Mary Jane A. Bacongco, Bb. Shalimar Abian Barzo, Gng. Kate Dustin Francisco Torrico at Bb. Lotchie Mae Gatin Vencer at sa aming masipag at masigasig na COS - Bb. Eza Pacardo sa kanilang masusing pagplano at pagsakatuparan ng mga gawain ukol sa selebrasyon sa pamumuno ni Gng. Aileen Abancio - Pampaaralang Tagaugnay sa Filipino.
Ang buong pamunuan ng paaralan ay lubos din na nagpapasalamat sa walang sawang pagsuporta ng mga magulang, LGU, at ng mga mamamayan sa aming barangay.
Kami'y nagpapasalamat rin sa aming mga mag-aaral na buong-husay na nagpakita ng kanilang talento at kakayahan sa pagkuwento, pagkanta, at iba pa. Kaming mga g**o ninyo at mga magulang ay naliligayahan sa tuwing nakikita namin kayo na pinaghuhusayan ninyo ang inyong pagganap/performance.
Higit sa lahat, ang aming pagpupuri at
pagpapasalamat sa ating Panginoong Diyos na naglikha ng lahat, at nagbigay patnubay upang matagumpay namin na maipagdiwang ang Buwan ng Wika.
Sa uulitin😍❤️ ❤️ ❤️
-iPrimarySchool