31/07/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ โ๐๐๐๐๐๐โ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa ika-81 anibersaryo ng pagkamatay ni Heneral Artemio Ricarte, ginugunita ang buhay ng isang g**o, rebolusyonaryo at pinunong militar na kinilala sa kaniyang matibay na paninindigan para sa kalayaan ng Pilipinas.
Isinilang si Ricarte noong Okt. 20, 1866, sa Batac, Ilocos Norte. Bago siya naging mahalagang bahagi ng Himagsikang Pilipino, nagsimula siya bilang g**o at nagsilbi bilang pinuno ng paaralang primarya sa San Francisco de Malabon, na ngayon ay General Trias, Cavite. Doon siya napalapit sa kilusang rebolusyonaryo at kalaunaโy naging kasapi ng Katipunan.
Sa Tejeros Convention noong 1897, hinirang si Ricarte bilang Kapitan Heneral ng pamahalaang rebolusyonaryo. Dahil sa kaniyang papel sa pagtatatag at pamumuno sa hukbong rebolusyonaryo, kinilala siya bilang โAma ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.โ Nakilala rin siya sa alyas na โVibora,โ sagisag ng kaniyang tapang at matatag na disposisyon sa harap ng tunggalian.
Isa sa pinakamatingkad na bahagi ng kaniyang buhay ang pagtanggi niyang manumpa ng katapatan sa pamahalaang Amerikano matapos sakupin ng Estados Unidos ang Pilipinas. Ang paninindigang ito ang nagbunsod sa kaniyang pagkakakulong, pagkakatapon sa Guam, at paninirahan sa ibang bansa, kabilang ang Hong Kong at Japan.
Sa kabila ng mahabang pagkakalayo sa sariling bayan, nanatiling nakaugnay ang pangalan ni Heneral Ricarte sa kasaysayan ng pakikibaka ng mga Pilipino para sa kasarinlan. Ang kaniyang buhay ay patuloy na inaalala bilang halimbawa ng katapangan, disiplina at paninindigan sa harap ng malalaking pagsubok.
Pumanaw si Heneral Ricarte noong Hulyo 31, 1945, sa edad na 78. Sa paggunita sa kaniyang ambag, nananatili ang kaniyang pangalan bilang paalala sa mga Pilipino na ang kalayaan ay hindi lamang minamana, kundi pinangangalagaan sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod at matibay na prinsipyo.