DepEd Tayo-Youth Formation-Dariwdiw ES

DepEd Tayo-Youth Formation-Dariwdiw ES Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo-Youth Formation-Dariwdiw ES, Public School, #34 Dariwdiw, Batac.

Congratulations Sir John Resty Arellano and Ma'am Jennifer Delos Reyes! Dariwdiw ES family is very proud to both of you....
04/07/2026

Congratulations Sir John Resty Arellano and Ma'am Jennifer Delos Reyes! Dariwdiw ES family is very proud to both of you.




DepEd Tayo Dariwdiw ES

10/06/2026
Bilang pakikiisa at pakikilahok sa pagdiriwang ng National Flag Days, ang Dariwdiw Elementary School ay nagsabit ng wata...
28/05/2026

Bilang pakikiisa at pakikilahok sa pagdiriwang ng National Flag Days, ang Dariwdiw Elementary School ay nagsabit ng watawat ng Pilipinas sa loob ng paaralan at sa mga tarangkahan nito bilang pagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa ating bayan.

Ang pambansang watawat ay sumisimbolo sa ating kalayaan, pagkakaisa, at katapangan bilang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng simpleng gawaing ito, ipinapakita ng buong paaralan ang kahalagahan ng pagiging makabayan at pag-alala sa sakripisyo ng ating mga bayani.

Ipinagdiriwang ng Dariwdiw Elementary School ang paglahok sa 30th Autism Consciousness Week sa pamamagitan ng aming Spea...
19/01/2026

Ipinagdiriwang ng Dariwdiw Elementary School ang paglahok sa 30th Autism Consciousness Week sa pamamagitan ng aming Speak AP activity. Itinuturo nito ang mga pagpapahalaga ng respeto, malasakit, at pagkakaisa bilang mga mamamayang Pilipino, kasabay ng mga aralin sa Araling Panlipunan para sa mga mag-aaral sa elementarya.

Alam natin na ang karapatan ng mga taong may kapansanan ay protektado sa ilalim ng batas ng Pilipinas, kabilang ang:

RA 7277 – Magna Carta for Persons with Disabilities

RA 9442 – An Act Amending RA 7277

RA 11036 – Mental Health Act

Sama-sama nating ipinagdiriwang ang pagiging natatangi, ang pag-unawa, at ang kahalagahan ng inklusibong edukasyon.

Dariwdiw Elementary School proudly joins the nation in promoting awareness, acceptance, and inclusion for learners on th...
19/01/2026

Dariwdiw Elementary School proudly joins the nation in promoting awareness, acceptance, and inclusion for learners on the autism spectrum disorder (ASD). Together, we celebrate uniqueness, understanding, and the power of inclusive education.

Ngayong araw ay isinagawa sa Dariwdiw Elementary School ang SPEAK AP activity matapos ang flag ceremony na may paksang “...
05/01/2026

Ngayong araw ay isinagawa sa Dariwdiw Elementary School ang SPEAK AP activity matapos ang flag ceremony na may paksang “Kasaysayan ng Bagong Taon sa Pilipinas” Tinalakay sa lektyur ang mga tradisyon, kaugalian, paniniwala sa pamahiin, at kultura ng mga Pilipino na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Bagong Taon, kabilang ang paggamit ng Gregorian Calendar na ipinakilala ng mga ninuno na kabilang sa kasaysayan.
Ang pagdiriwang ng Bagong Taon (January 1) ay kinikilala bilang isang regular na holiday sa Pilipinas sa bisa ng Executive Order No. 292 (Administrative Code of 1987) na nilagdaan ni Pangulong Corazon C. Aquino, na naglapat at nagsaayos ng mga opisyal na holiday ng bansa.
Sa pamamagitan ng talakayang ito, higit na napalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral at napaigting ang pagpapahalaga sa mga tradisyon, paniniwala, at kaugalian ng mga Pilipino bilang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan at pagkakakilanlan bilang isang bansa.

Isang makabuluhang SPEAK AP (Significant People, Events, and Knowledge in Araling Panlipunan) lecture session matapos an...
15/12/2025

Isang makabuluhang SPEAK AP (Significant People, Events, and Knowledge in Araling Panlipunan) lecture session matapos ang flag raising ceremony ng Dariwdiw Elementary School
Tinalakay ang buhay at kabayanihan ng ating Pambansang Bayani, Dr. Jose Rizal, lalo na ang kanyang pagkamatay noong Disyembre 30, 1896, bilang inspirasyon ng pagmamahal sa bayan. Ayon sa Republic Act No. 229, isang batas na naglalayong tiyakin ang maayos at makabuluhang paggunita sa Rizal Day sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng values integration, naitanim sa mga mag-aaral ang mga pagpapahalaga ng pagmamahal sa bayan, katapangan, paggalang, at pagiging responsableng mamamayan, na patuloy nilang isasabuhay bilang kabataang Pilipino.
Sa Dariwdiw Elementary School, ang aral ng kasaysayan ay gabay sa paghubog ng kinabukasan.

Ngayong linggo, tinalakay ng ating mga mag-aaral sa Dariwdiw Elementary School SPEAK AP ang kahalagahan ng Dakilang Kapi...
12/12/2025

Ngayong linggo, tinalakay ng ating mga mag-aaral sa Dariwdiw Elementary School SPEAK AP ang kahalagahan ng Dakilang Kapistahan ng Immaculate Conception at ang makulay na Empanada Festival ng Batac City, kung saan binigyang-diin ang mga mahahalagang values tulad ng paggalang sa pananampalataya at tradisyon at pagmamahal sa bayan at kulturang lokal. Sa pamamagitan ng araling ito, mas lalo nating pinapahalagahan ang ating kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan bilang mga mag-aaral ng Dariwdiw ES.

Address

#34 Dariwdiw
Batac
2906

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo-Youth Formation-Dariwdiw ES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category