07/08/2026
Taos-pusong pasasalamat kay Bb. Charisse Jessica P. Tapat sa pagbabahagi ng kanyang mga biyaya sa Maipalig-Quiom Elementary School.
Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, naghandog siya ng masarap na meryenda para sa mga mag-aaral, mga g**o, at mga magulang. Kahit siya ay nasa malayong lugar, hindi niya kinalimutan ang aming paaralan at ipinadama pa rin ang kanyang pagmamahal at kabutihang-loob.
Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at masaganang buhay. Maraming salamat sa inyong kabutihang puso at sa patuloy ninyong pagmamalasakit sa aming paaralan at komunidad.
Maligayang kaarawan, Bb. Charisse Jessica P. Tapat!