10/09/2026
ππ ππππππ | ππππ ππ ππππππππππ ππππ
Isang makulay at makabuluhang pagdiriwang ng kultura, pagkakaisa, malasakit, at inklusibong edukasyon ang isinagawa sa Baay Elementary School noong Setyembre 9, 2026, sa pamamagitan ng Habi ng Pagkakaisa 2026.
Pinag-isa ng programa ang limang mahahalagang pagdiriwangβBuwan ng Wika, Buwan ng ASEAN, Buwan ng Nutrisyon, Disability Rights Week, at ang Panunumpa sa Tungkulin ng mga Nahalal na Opisyal ng Paaralan.
Naging makabuluhan ang pagdiriwang sa presensya ng ating Panauhing Pandangal, Gng. Aileen V. Joaquin, na nagbahagi ng mensahe ng inspirasyon at suporta para sa mga mag-aaral at sa buong komunidad ng paaralan.
Nagbigay-kulay at saya sa programa ang mga makukulay na pagtatanghal ng mga mag-aaral, habang naging daan naman ang Mini Trade Fair upang maipamalas ang pagkamalikhain, kasipagan, at kasanayan sa simpleng pagnenegosyo ng mga magulang.
Samantala, ang Zumba for a Cause ay naging tampok na gawaing nagbuklod sa mga mag-aaral, g**o, magulang, at stakeholdersβisang masiglang pagpapakita ng bayanihan at malasakit para sa isang makabuluhang layunin.
Sa Habi ng Pagkakaisa, bawat gawain ay isang hibla na bumubuo sa mas matatag na ugnayan ng paaralan, tahanan, at pamayanan.
Limang pagdiriwang. Maraming makabuluhang gawain. Iisang layunin, isang nagkakaisang Baay ES para sa bawat bata. β€οΈ