05/10/2026
Isang mainit at taos-pusong pagbati ng Maligayang Araw ng mga G**o sa lahat ng ating mga g**o, lalo na sa ating mga minamahal na g**o sa Departamento ng Sosyolohiya!
Sa bawat talakayan, pagbasa, pagsusulat, at minsan ay maiinit na diskusyon sa loob ng classroom, hindi lamang kaalaman ang naiiwan sa amin. Natutunan naming tumingin nang mas malalim, magtanong kung bakit, at unawain ang mga bagay hindi lamang mula sa sariling karanasan, kundi mula sa kalagayan ng lipunang ating ginagalawan.
Salamat sa mga g**ong hindi lamang nagtuturo ng konsepto at teorya, kundi humahamon sa amin na mag-isip, makinig sa ibaโt ibang pananaw, at magkaroon ng kamalayan sa mga isyung nakapaligid sa atin. Sa bawat tanong na ibinabato ninyo at bawat puna sa aming mga papel, unti-unti rin ninyong hinuhubog kung paano kami mag-isip bilang mga estudyante at bilang bahagi ng lipunan.
Alam naming hindi madali ang maging g**o. Sa likod ng bawat lecture, checking, deadlines, lesson plan, at mahabang araw sa unibersidad ay ang oras at tiyagang ibinibigay ninyo para sa amin.
Kaya ngayong Araw ng mga G**o, kami ay nagpapasalamat sa inyong paggabay at patuloy na paniniwala sa amin. Kung ang Sosyolohiya ay nagtuturo sa amin na unawain ang lipunan, kayo naman ang ilan sa mga taong nagtuturo sa amin kung paano maging mas mapanuri, mas makatao, at mas may malasakit sa lipunang nais nating paglingkuran.
๐๐๐ก๐๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐ผ๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ช๐ง๐ค! ๐๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ช๐ง๐ค!
๐ฉ๐จ๐บ๐ป๐จ ๐บ๐ถ๐ช๐ฐ๐ถ, ๐จ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฉ๐ถ. ๐ฉ๐จ๐บ๐ป๐จ ๐บ๐ถ๐ช๐ฐ๐ถ, ๐ท๐น๐ถ๐ฎ๐น๐ฌ๐บ๐ฐ๐ฉ๐ถ.